"Congratulations, Vici at Veni!" masayang sigaw ko sa kanila. Dahil Recognition Day nila ngayon at si Vici ang valedictorian nila at si Veni naman ay nasa achiever. Pumalakpak pa ako dahil sa tuwa at saka ko sila niyakap. "Ang galing niyo pareho! Sobrang proud si Ate sa inyo!" Niyakap ko pa sila nang mas mahigpit ngayon.
"Ate, hindi po ako makahinga!" Pinutol ko naman ang pagkakayakap ko sa kanila at hindi namin maiwasang tatlo na matawa dahil sa inaakto ko ngayon.
"Ano ba kayo! Proud lang si Ate sa inyo dahil achievement ko rin na napag-aaral ko kayo at kahit papaano ay naibibigay ko ang mga pangangailangan niyo't ngayon valedictorian at achiever!" masaya kong sambit sa kanila. Narinig ko naman ang tawa nila at naririnig ko pa ang ingay ng medal nila dahil pagalaw-galaw sila. Ang dami nilang medal lalo na si Vici, si Veni ay marami rin at mula ito sa mga patimpal
Summer passed by and I can't believe it's another year for school again. I was preparing my documents and requirements, reviewing as well for my PHILSAT examination and I am eyeing a particular school that is good for law school. Certainly, I want to be an iskolar ng bayan para kaunti na lang ang babayaran. Today, I am with Irene and both of us are preparing for PHILSAT. Gusto niya rin maging iskolar, para magkasama pa rin kami. Yesterday, I was fixing the twins' papers so that they could enroll in a private school and it was not easy and up until now I don't have much of a rest. I badly need it, but it's for the sake of us, our future. So rest is not in my mind at the moment. "Mayroon din daw interview bago makapasok sa law school. Gusto raw nila malaman kung paano ka sumagot o kaya naman kung ano ang status mo sa buhay. Well, it's good... pero hindi ko mai
"Sandali naman kasi! Ang bilis-bilis mong maglakad!" sigaw ko kay Nezoi mula sa malayo dahil ang bilis niyang maglakad at nasa tuktok na agad siya ng bundok na inaakyat namin. Masaya niya namang binalik ang tingin niya at saka naglakad siya pabalik sa akin na parang bata, dahil sa laki ng ngiting nakalagay sa kanyang labi.Ang bigat-bigat ng dala niyang bag sabay ito siya parang wala lang sa kanya ang mga 'yon. Natatawang napailing naman ako sa kanya dahil ano ba ang nakain nitong lalaking ito at ganito siya ngayon. Nang malapit na siyang makapunta sa akin ay naglakad na muli ako nang mabagal dahil napagod na ako agad.Nang magkasalubong kami ay agad ko siyang mahinang sinuntok sa braso niya. "Hintayin-hintayin mo kasi ako! Masyado ka naman kasing nagmamadali, anong oras pa lang oh!" Tinaas ko ang kamay ko at tinuro ko sa kanya ang relo ko't kitang-kita roon ang 4:30
"Kaya huwag ka na magselos ah, para kang bata talaga kapag nagkakaganoon ka. Hindi bagay sa 'yo lalo na kapag tahimik, parang hindi ikaw 'yon." Natawa naman kami pareho sa sinabi kong 'yon habang inaayos na namin ang gamit namin dahil bababa na kami sa bundok na ito at may iba na kaming agenda ngayong oras."Yes po," magalang na sambit niya at ngumuso pa siya. Kinurot ko naman ang pisngi niya dahil sa inasta niyang 'yon, iba talaga kapag face value. Ang guwapo na't cute pa. Napahawak naman agad siya sa pisngi niya at mahina niya namang 'yong ininda. Natawa naman ako dahil mahina siyang umaaray at ayaw niyang iparinig sa akin 'yon para hindi ako mag-alala.Lumapit ako at tinignan ko ang pisnging kinurot ko at agad niya naman nilapit pa lalo ang pisngi niya para mahalikan ko siya sa pisngi. Nagulat ako kaya sinampal ko ang mukha niya. Natawa naman siya agad.
"Kuya Nezoi!" sigaw ng kambal at agad naman silang lumapit kay Nezoi na ikinalaki ng mga mata ko, at talagang sa kanya pa unang lumapit kaysa sa akin?! Niyakap pa nila si Nezoi at napahalukipkip lang ako sa kinakatayuan ko. Hinihintay ko silang matapos bago ako mag-react sa ginawa nilang 'yon. Nakakatampo ah! "Oh?! Bakit kay Kuya Nezoi kayo unang lumapit? Na dapat sa akin? Kayong mga bata talaga, oo!" sermon ko at narinig ko naman agad ang hagikgik ng kambal at lumapit na rin sila sa akin at saka ako niyakap, niyakap ko rin sila nang mahigpit at na-miss ko rin talaga sila. Kahit ang kukulit nila minsan at sakit sa ulo, pero miss na miss ko sila ngayon. Hinigpitan ko ang yakap ko pa sa kanila pero ang baho ng amoy nila kaya pinutol ko agad ang yakap na 'yon. "Ang babaho niyo! Saan kayo nanggaling ba?! At ganyan ang amoy niyo't
Lumipas ang araw at naging mabilis ito para sa akin. Parang kahapon lang ako nag-take ng PHILSAT ko at ito na ngayon, lalabas na ang result at titignan ko na kung nakapasa ba ako at kung puwede ba akong mag-proceed sa law school. Mayroon na akong balak kung hindi 'man ako sakaling makapasa rito.Nasa isip ko na magma-Masteral na lang ako, at maging isang ganap na Psychologist na lang kung hindi 'man ako palarin. Pero backup ko lang naman 'yon at gusto ko pa rin namang mag-proceed sa law school. Maya-maya na sasabihin ang results kung sino ang mga nakapasa at ito ako ngayon, hindi mapakali.Narito kami ngayon ni Nezoi sa isang coffee shop at ang kambal naman ay ngayon pa mismo ang first day of school nila. Sana ay maayos sila sa mga oras na ito. Nasa tabi ko lang din si Nezoi at hawak-hawak niya rin ang telepono niya, hinihintay namin pareho ang results at ang sabi na ganit
"Oh my gosh! Baby, look!" masayang sigaw ko kay Nezoi at pinakita ko sa kanya ang telepono ko na kitang-kita roon na nakapasa ako sa school na napili kong pagpapasukan ko ng law school."Wow! I'm so proud of my Baby! UP College of Law! You deserved it at alam ko na rin naman na sa simula pa lang na riyan ka makakapag-aral!""Gusto ko rin naman na maging iskolar ng bayan pero PUP kasi ang sabi ko, sabay sumubok lang naman ako rito at ang saya lang at sa UP pa! Iyong pressure naramdaman ko agad!" Nagsisisigaw pa ako dahil sa tuwa, at nag-try rin naman ako sa PUP pero nauna ang UP na nag-send sa akin ng Email na nakapasa ako. Hindi ko talaga maiwasan na matuwa nang sobra-sobra ngayon.He kissed my forehead and looked at me genuinely and smiled sweetly. "Don't pressure yourself, okay? Go at your own pace, don't rush things to the point
"Thank you! Dito na lang ako, ingat ka!" sinubukan kong sabihin 'yon sa masayang boses. Dumaan agad sa mata ni Nezoi na nakuha niya agad na kung bakit ganoon ang akto ko. Iniwas ko naman ang mukha ko dahil ayaw ko namang pag-usapan pa. "Hey, Baby..." mahinang tawag niya sa akin, nanlalambing. Bumuntonghininga naman ako dahil narito na kami sa UP at ngayon pa talaga siya ganyan. Kumalabog naman nang malakas ang puso ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Hindi ako makahinga sa sitwasyon ko ngayon. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil ramdam ko ang pamumula ko. Hinarap niya ang mukha ko papunta sa kanya gamit ang kanyang kamay nang dahan-dahan at ngumiti naman ito nang matamis. "Don't be down, okay? Puwede pa namang bumawi. Palaging may next time, palagi mong isipin 'yon..." mahinahon niyang sabi at ngumuso pa ako dahil naiiyak na naman ako.
Isang taon na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang law school at paano ko ito naitawid. Basta ang alam ko patuloy lang akong lumalaban dito. Patuloy lang ako sa pag-abot ng pangarap ko. Pero sa loob ng isang taon, sa puro lang ako laban nang laban, nakalimutan ko ang sarili ko. Nakalimutan kong isipin ang mga bagay o mga nasa taong nakapaligid sa akin. My mental health suffered, I am an advocate to it but I forgot to do things that could help me to survive, such as reaching out. I failed some of my subjects, I don't know to whom to hold, because I don't want anybody to get worried about me and be a burden to them. Because they knew I won't give up that easily, I will fight to the end. But now? I couldn't handle it anymore. Nilagok ko 'yong alak na hawak-hawak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. I failed. Sa dalawang salita