"Tandaan mo ang pipiliin mo ngayong araw, dahil kung hindi..." Nilapag niya naman ngayon ang baril sa harap ng lamesa at doon na ako nanginig nang sobra, at nawawalan na ako ng pag-asa dahil dapat sa ngayon ay narito na ang tulong sa akin. Sinubukan ko ang sarili ko na maging kalmado sa harapan niya at kahit nanginginig na ang paa't kamay ko, pinagsama ko lang ang mga ito para makontrol ko at para hindi ito makitang nanginginig.
"Idi-dismiss mo ang kaso ng anak ni Mr. Villocorte o kamatayan, at buhay ang iyong makukuha. Malapit na ang kasong 'yon, pag-isipan mo nang mabuti at mayroon ka na lang tatlong araw para magdesisyon bago magsimula 'yon." Tumayo naman na siya ngayon at saka tinanggal ang mask niya, ngumiti naman siya nang nakakaloko at kinilabutan ako sa ngiti niyang iyon.
Iyong mukha niya rin na mas nakakadagdag ng takot kasama ng ngiti niyang iyon. Gusto
Panalo kami, nanalo ako. Ibang klaseng tuwa ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon, basta sa ngayon ay samu't saring mga emosyon ang mga 'yon. Dahil sa nararamdman kong 'to ay napaiyak na lang ako habang papalabas ng korte. Si Irene naman ay nasa tabi ko lang at kino-comfort ako.Kasama na rin namin ngayon ang babaeng nangangalang Isareal, niyakap niya naman ako bigla at niyakap ko rin siya pabalik. Pareho kami ngayong humahagulgol dahil sa tuwa."Maraming salamat po sa inyo, Attorney. Madalang na lang po ang mga abogadong katulad niyo kaya malaki po ang pasasalamat ko sa inyo. Hinding-hindi ko po makakalimutan itong pagkakataon na ito sa inyo, maraming-maraming salamat po talaga." Lumakas pa ang hagulgol niya at ako naman ay tahimik lang akong umiiyak. Hinahayaan lang namin ang mga luha naming mahulog.Hindi
Nakapikit 'man ang mga mata ko ay parang gising na gising ang isipan ko. Binuksan ko nang dahan-dahan ang mga mata ko, nagsimula na rin ulit akong makarinig at nakita ko ang ilaw na sunud-sunod na nagdadaan ang mga ito. Naramdaman ko rin na nakahiga ako sa isang malambot na bagay, kinapa ko nang mahina ang paligid ko at nasigurado kong stretcher nga ito. May naririnig ako na mga umiiyak, tinatawag ang pangalan ko. Nage-echo ang lahat ng iyon sa akin. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ng kambal, ng mga kaibigan ko na sila Constraire, si Irene at si Ranguel, at iba ko pang kasamahan na abogado. Rinig na rinig ko ang mga boses at ang mga hagulgol nila. Biglang pumasok sa isip ko ang mga magagandang nangyari sa amin, ang mga bagay na pinagsamahan naming lahat na hinding-hindi ko makakalimutan. Si Irene na nariyan na sa akin sa pagtulong sa akin sa kolehiyo, naging mat
Matapos no'ng pangyayari na 'yon ay naging itim na muli sa akin ang lahat, bumalik ulit ang ilaw kanina na sinusundan ko at parang hinigop ako nitong muli. Malayo na naman ulit ito at muli akong sumubok na sundan ito kahit na baka mamaya ay palayo na naman ito nang palayo sa akin. Pero ngayon ay nasa kalagitnaan na ako papunta sa ilaw na 'yon na ibig sabihin na hindi na ito lumalayo sa akin.Kahit na parang buong araw ay naglalakad na ako para lang mapuntahan 'yon ay ngayon ay malapit na malapit na ako rito, parang isa itong pagsubok sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pagdaanin ito. Pero ayon ang naramdaman kailangan kong gawin, ayon ang dapat kong gawin mula sa sinasabi ng puso ko.Huminga na muna ako nang malalim at mayroon pang hagdanan para matunton ang liwanag na ito. Nasa harapan ko na ngayon ang puting liwanag na ito, dahan-dahan kong nilapit ang kamay
Dahan-dahan ko pang hinawakan ang sarili ko, dahan-dahan ko ring tinignan ang bawat parte ng katawan ko. Nahihirapan pa akong gumalaw-galaw dahil ramdam na ramdam ko ang kirot mula sa operasyon ko. Ngayon ay hindi pa ring makapaniwala ang mga kasama ko dahil sa nakikita nila ngayong itong mulat na mulat na, humihinga na, buhay na buhay, at narito na ako. Nagsisisigaw pa ako sa isip ko dahil ngayong nakabalik ako rito, narito na ako. Naramdaman ko kaagad ang mga yakapan sa akin ng mga tao rito at saka sila nag-iyakan ngayon. Niyakap ko rin naman sila at saka na ring magsimulang magsihulog ang mga luha ko dahil sa nangyari sa akin ngayon. Buhay ako. Nagkagulo pa sila at patuloy na tinatawag ang pangalan ko. Iyak sila nang iyak at walang tigil lang silang nagsasalita na hindi ko naman maintindihan. Umabot pa kami ng ilang oras dahil doon at nar
Habang nagpapahinga ako ay saka ko na simulang aralin ang kaso ni Nezoi, naghanap na rin ako ng maaaring loopholes. Hindi naman talaga siya nakapagbigay ng maling medical treatment, lahat ay scripted. Lahat ng iyon ay palabas lang, parang ito ang isa sa paghihiganti nila sa akin. Ang mga Villocarte na naman ulit ito. Alam na alam ko na ang galawan nila. Saulung-saulo ko na. Hindi nagkasala si Nezoi kaya confident akong tanggapin pa lalo ang kaso niya. Sinabi naman lahat ni Nezoi sa akin ang lahat na nangyari. Mayroon atang nahalong chemical sa isa sa mga pinaggamitan niyang equipment o kung sa isang syringe, hindi pa kami sigurado kung ano at saan iyon. Pinakuha ko na rin ang mga footage ng CCTV dito pero lahat ay naging burado, gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa no'n. Doon pa lang ay kaduda-duda na kaagad. Halatang mayroon ang nagkontrol doon. Nagreklamo
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul