Share

13

Alex's POV

Napakalawak at nakakapanibago sa pakiramdam na andito ako at nag-lalakad sa USA. Puro mga kano at kana ang nakikita ko at sa totoo lang, maganda lahat ng mga tao dito sa paningin ko. Siguro, dahil lumaki ako sa sosyedad kung saan ang maganda para sa mga mata ng tao ay maputi at matangos ang ilong.

At dahil nga sobrang lawak nito ay nakakatakot na baka mawala ako, hindi na lang ito airport kun'di ay buong bansa na, baka tuluyan na talaga akong mawala at hindi na mahanap pang muli. Sa takot ko ay hindi na ako bumitaw kay Zyrus. Bahala na kung mag-mukha kaming BL, basta makahawak lang ako sa kanya.

“Huwag mo nga ako hawakan diyan, mapupunit na itong T-shirt ko eh!” Medyo naiirita nang sambit sa akin ni Zyrus. Nginiwian ko naman siya at saka ko ipinulupot ang braso ko sa braso niya.

“Hoy hoy! Ano ka, sinusuwerte? Kahit nga si Selena Gomez, hindi ako nahahawakan noh? Bitaw!”

“Wow! Assuming ka beh! Para namang naka date mo na iyon noh?” Nakangiwi kong sambit sa kanya at mas lalong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status