Share

9

Alex's POV

Ligtas naman kaming nakarating sa America pero hindi pa din magaan ang loob ko. Paano ba naman kasing hanggang sa ngayon ay hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa amin kanina.

Juskolord naman kasi Alex! Ang tanga-tanga mo!

Hayysst, kung puwede lang sana na maibalik ko ang oras at pigilan ang pag-tulo ng laway ko kanina. Hindi ko naman masasabing buti na lang at imbis na magalit eh nakita ko pang tawang-tawa si boss madame. Sa totoo lang, mas magiging komportable ako ngayon kung nagalit siya at hindi tumawa. Nakakahiya naman kasi talagang pagtawanan.

"Welcome, mr... m-miss Z-Zachary?" Tila nag aalinlangan pang pag-bati ng isang kano kay boss-madame. Mabilis na nag-anyong tigre ang mga mata ni madam Zakira, kasunod nito ay ang pag-irap niya ng matindi sa kano. Pagkatapos ay pumusisyon siya ng tila isang modelo na napaka sexy.

"Ah... I... I a-am so sorry, Madame Zak-Z-Zakira f-for m-my mistake. I wasn't well aware. P-Please do follow me--"

"Do you think I can folllow s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status