Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa sofa. Tahimik lang habang tumutulo ang aking mga luha. Sa gano'ng posisyon niya ako inabutan. Sinong niya? Well, ang lalaking unti-unting pumapatay sa marupok kong puso."Shane... What's wrong? What happened?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Mapait akong natawa. Nailing ako at dahan-dahang tumayo."Wala." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang aking mga luha. Walang sali-salitang lumabas ako ng flat at agad na pinindot ang alarm ni Gab. Fortunately ay lumabas naman agad siya. Inabot nito ang kanyang cellphone at napabuntong-hininga.[FR: FALLER COLEMAN Mahal din kita, Eli.]Chineck ko ang number at oras ng received at napamura ako. Ten minutes ago. [FR: FALLER COLEMANI'm sorry, wrong sent.][TO FALLER COLEMAN: Kayo na? ] Iyon lang, wala na siyang reply kay Gabriella. Nanginginig ang kamay ko na ibinalik ang cellphone ni Gab at pumasok ulit sa flat ko. Nakatayo pa rin ang lalaki sa kung saan ko siya iniwan kanina. Nakapamulsa at halatan
Rumampada ako papunta sa kitchen niya at pumwesto sa mesang may nakahain na na pagkain. Nagutom ako dahil sa pintong nasira dahil sa kalokohan ng haduf na lalaki. Paasa rin ang pintong iyon, akala ko naman mabubuksan ko na. Hindi pala. Mana sa may-ari, eh. Hindi pa naman ako sanay na mag-stay sa flat ng iba. Ang creepy ng pakiramdam.Baka nga ay talagang nuknukan din ako ng kaartehan sa katawan. O kaya naman ako iyong introvert pero malandi. Ay ewan, 'di ko din ma-gets ang sarili ko."Akala ko ba busog ka?" sarkastiko niyang tanong at umupo na sa upuang kaharap ko."May busog bang kumakain palang?" pagtataray ko pa. Napabuntonghininga naman siya. Pabagsak kong binitiwan ang kutsara't-tinidor dahil sa ginawa niyang iyon."Problem?" inosente niyang tanong."Seriously? In front of these foods? Alam mo bang bwiset ang gano'n?""So, I'm bwiset?""Yes, you are! Punyeta." Ibinulong ko na lang ang huling salita."So, ano ka na lang na nagmumura sa harap ng pagkain?" nang-iinsulto niya ding
Perhaps not everything we desire is meant to be ours. Yeah, right, because what I want to have is not a thing but a person and his love for me.Don't let go of someone you can't bear to see in someone else's arms. That's what I've learned in the past years."Shane."Nagising ang diwa ko dahil sa boses na iyon. Mas lalo pa akong naiyak pero pilit din na nagpumiglas sa pagkakayakap niya sa akin pero mas naiinis lang ako. Ang lakas niya, hindi niya ako hinayaang makawala. "Punyeta ka talaga!" singhal ko sa pagitan na iyak ko. Kinagat ko ang kamay niya dahilan para mapaigik siya sa sakit at mapakawalan ako. Parang hanging nakalayo ako sa kanya."I hate you! I hate you so much!" singhal ko pa. Napaatras ako nang tumayo na rin siya. Wala man lang emosyon na mababasa sa kanyang mukha."Shane...""Don't call me that! Hindi tayo close!""Kensha...""Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko! Butete ka! Haduf! Nyawa!"Kulang na lang ay magwala ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pal
"Maghanap? Akala mo gano'n kadali iyon? Palibhasa madali lang para sa'yong manakit dahil alam mong maraming nagkakandarapa sa'yo. Pakibawas ako sa listahan mo.""Ayaw mo na ba?""Malandi lang ako pero 'di ako martyr. Isa pa, hindi rin madaling maging kabit," asik ko at nangalumbaba pa. Nasa hita ko nakapatong ang siko kong pinampatungan ko din ng panga ko."Bakit? Masama bang mahalin si Eli...""Blahblablah," putol ko sa sasabihin niya. Nakita kong napasimangot siya. Naiinis ko siyang tinitigan. Bakit parang ang ang-ang niya talaga? Nasabi ko naman na nasasaktan ako dahil sa mahal niya iyong isa pero inuulit-ulit pa talaga. Sarap sambunutan ulit, eh."Shane...""Blahblah."Bahala ka diyan, ikaw ang nagtulak sa akin para ipakita ang totoo kong ugali. Hindi talaga ako mabait, hindi ako mapagpasensiya, hindi ako malandi, hindi ako clingy, hindi rin ako open sa lahat ng tao at bagay pero ng dahil sa kanya ay naging gano'n ako. Siguro oras na rin para ibalik ko ang dating ako. Ang Shane
—|•~9 YEARS AGO~•|—Napangiti ako nang mabasa ang text ni Faller Coleman. Magkikita kami mamaya sa bar ng tito kong kalbo. Mag-iisang buwan pa lang naman simula nang magkaroon ng pagkakataong mapalapit ako sa kanya pero pakiramdam ko ay ilang taon na kaming magkakilala.Napabuntonghininga na lang ako nang maalalang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit nagkaroon kami ng koneksyon. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ginusto kong gamitin siya para ipamukha sa kay Hance na kaya ko ring maghanap ng iba at mas lamang pa sa kanya sa lahat ng bagay. Sasabihin ko na talaga sa kanya mamaya. Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Bumungad ang hindi mahitsurang mukha ni Mommy. "Mom? Something wrong?" takang tanong mo pa. Mababakas din ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Mom?" untag ko na naman.Nag-away ba sila ni Daddy?"Kenshane, anak, kailangan mo ng pumunta ng Pilipinas.""Mom?" may kalakasan kong sambit, nangungumpirma kong totoo ba ang aki
Isa lamang ako sa pinagkaitan ng tadhana na maitama ang pagkamamaling ginawa ko. Pero kung husgahan niya ako ay para bang hindi naging maganda ang samahan namin noon. "Hey, bitch!" rinig kong saad ng boses babae at kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto ng Flat ko. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luhang nagsisilandas nang makita ang mukha ni Beatrice Solomon. "What the hell? Bakit... Wanna drink? Parang gusto ko ring magpakalasing ngayon. Samahan mo ako," kaagad nitong liko sa usapan. Alam kong gusto nitong itanong kong anong nangyayari sa akin. "Uhm, babalik na lang ako kapag, uhm, okay ka na. Cheer up, bitch! Kapag hindi mo na kaya ang sakit, oras na para bumitiw ka na," sabi pa nito at umalis na. Sinamsam ko ang aking sarili at pilit na naglakad papunta sa aking kwarto. Lahat yata ng parte ng katawan ko ay naging manhid.Pinili ko na lang na magkulong ulit kaysa ang kulitin ng mga kasamahan ko. Sa ayaw at sa gusto ko ay batid ko rin namang malalaman nila ang totoong nangyari
"Ayaw mo talagang kumain sa labas?" usisa na naman ni Beatrice. " Ang rinig ko ay may spicy dishes ngayon sa S-Resto," panunukso pa nito gamit ang stress reliever ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang kinukulit niya ako at magkasabwat sila ni Lovimer. Kahapong ko pa ito nahahalata. Hindi rin normal sa kanya ang yayain akong uminom kahit na hindi naman malakas ang toler niya sa alak. "Bakit ba ang kulit mo, Beatrice Solomon? Ano bang nakain mo, ha? Bored ka ba at ako ang pinagdidiskitahan mo ngayon?" sunod-sunod kong tanong sa kanya at nag-cross arm pa. Pero dahil maldita din naman siya ay mukhang walang epekto iyon sa kanya."Kasi naman bitch este Shane. No, Kenshane pala dahil hindi tayo close. Nandito si Faller and the rumored girlfriend niya. Magiging okay ka lang na talaga?" Inginuso niya pa ang dalawa na mukhang nag-eenjoy. "Hindi rumored dahil talagang sila na. May problema ka ba sa kanila? Tsaka, oo naman. Magiging okay lang ako, 'no?" kaswal kong sabi kahit
"In another life, I would make you staySo I don't have to say you were the one. that got away. The one that got away"Emosyonal kong sinabayan ang kantang nagpi-play sa kukuti. Napasandal na lang ako dahil pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa pagbabalik tanaw na iyon.Kung kaya ko lang gumawa ng time machine ay ginawa ko na. Wala rin palang silbi ang kakayahan kong mag-imbento dahil sarili kong problema ay 'di ko magawam ng paraan."Gabi na."Dali-dali akong nagpunas ng luha tsaka nilingon ang taong nagsalita. Nanlumo ako ng makitang kasama niya pa rin si Eliza."Yeah, I know. Wala naman kasing stars kapag umaga." Pinigilan kong maging sarkastiko. Saan naman kaya niya patutulogin itong girlfriend niya? Sa flat niya? Oh my...self. Zsss.Hindi naman ako 'yong mabubuntis kung sakali kaya bakit ako mamomoblema? Duh?"Matulog ka na.""Dito ba kayo magdi-date?" diretsong usisa ko. Mukha naman kasing atat siya na paalisin ako."Yeah." Itinuro niya pa ang blanket na nakalatag. Merong pil