"Kenshane, kakain na tayo," untag na naman sa akin ni Marciella. Napairap naman ako habang may ini-encode sa laptop ko."Wala sa akin ang kaldero," kaswal kong sabi at hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Hindi na rin ako nag-abalang mag-angat ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang titig nito. Mamaya ay madala pa ako sa tingi nito, eh. Robot pa naman ang isang ito."Sinabi ko bang nasa iyo ang kaldero?" asik naman nito. "Marciella, please?! Huwag ngayon," nagmamaktol kong sabi at mas binilisan pa ang pagtitipa ng keyboard. "I just need to finish this report before 1:00 p.m. Kailangan kong mai-submit ito sa head ng department namin," paliwanag ko pa."Leave her alone, Bal," rinig kong sabi ni Gabriella at hinila na palabas ang robot nitong kakambal. Mabuti naman at napakinabangan ko rin sa wakas si Gabriella Perrer. Napahawak ako sa aking batok dahil nakaramdam na ako ng ngalay. Kaninang 10:00 a.m pa ako sa ginagawa kong ito. Pero konti na lang din naman at tapos na rin ito. Apat
"Shane...""Ang kulit mo naman, eh!" sigaw ko na talaga at paniguradong humahaba na ang nguso ko. Ayaw ko talaga ng pinipilit, nakakabwiset."Ipakuha na lang natin :yan sa agent...""Ayoko ring may pumasok sa kotse ko na ibang tao.""Ako na lang ang kukuha."Ang kulit talaga! Bakit ba ganito siya? Ganito ba ang epekto ng seminar na dinalohan niya? Meron pa silang tinalakay na Art of Pangungulit? "Kamusta ang seminar?" Iba ko na lang sa usapan."I'll tell you pagdating natin sa camp."Gusto ko na namang mapabusangot."Iwan mo na ako dito, please? Ipasundo mo na lang ako kay Silang o kay Trice."Walang sali-salitang isuot niya ulit ang helmet at pinaharurot na ang sasakyan. Padilim na pala. Hindi naman ako takot sa multo o aswang kaya ayos lang kahit gabi na ako sunduin. Pero mukhang konting sundot lang ng sa langit ay uulan agad. Masama yata ang panahon.Siguro ay nasa sampung minuto palang ang nakalilipas ay nakikita ko na ang kotse na pamilyar na pamilyar sa akin. Butete talaga! Ba
"Sa wakas!" sambit ko nang matapos akong magsulat ng lesson plan ko. Basta ko na lang ipinusod ang aking buhok at ginawang ipit ang ballpen na aking nadampot. Lumabas ako ng Flat ko at dumiretso sa GC Bar. Gusto kong uminom para lang makatulog kaagad ako. Ilang araw na rin akong halos walang tulog. Baka mamaya ay magkaroon na lang ako ng anxiety disorder. Tsk. That's not even a joke, Kenshane. "Eh, hey, hey!" untag sa akin ni Silang nang magpang-abot kami sa loob ng bar. Wala naman na yatang ibang lugar na pwedeng tambayan ang isang ito kaya dito na palaging nakatambay. Kung hindi ko lang alam na isa siya sa PA dito ay baka napagkalaman ko na siyang barista o manager dito. "Iinom ka ba?" dagdag tanong nito. Napairap naman ako. "Ano pa nga ba ang gagawin ko sa lugar na ito, Silang? Magzu-zumba?""Pwede naman, ha?""Psss! Tabi," sabi ko na lang at marahang hinawi ito para makadaan ako. Paharang-harang din, eh. Naupo muna ako sa isang tabi para kalmahin ang aking sarili. Pagod ako
"I'm sorry," ulit niya pa. Napairap na lang ako. "YAM."Tuluyang nag-derilyo ang sistema ko dahil sa endearment na iyon. Binibiro ko siya dati na gano'n ang magiging tawag ko sa kanya kapag sakaling maging kami. Parte lang naman iyon ng ilusyon ko noon. "You are mine," dagdag niya pa. Iyong tidal wave sa dibdib ko ay umaatake na naman. Pinapahina na naman ang sistema ko."Tumigil ka na, Faller. Baka mailaglag kita mula rito. Baka ikaw ang maunang mahulog kaysa sa falling star na hinihintay ko."Natawa naman siya. Sa tunog niyon ay alam kong natural iyon at hindi pilit. Gano'n na lang din ang pagpigil ko para lingonin siya."Tama, 'di ba? Iyon ang ibig sabihin ng YAM?" pangugumpirma niya pa."Tapos?" kaswal kong tanong para ipakitang wala akong pakialam sa sinasabi niya kahit ang totoo ay gusto ko na siyang suntukin. "Wala lang, I just remember it. Hindi mo ba naaalala?" Sa pagkakataong ito ay halatang nang-aasar na siya.Breath in, breath out. O alon na nambubulabog sa sistema ko,
Napaawang ang bibig ko nang ilapag ni Lovimer sa harap namin ni Trice ang sibuyas, luya, bawang, carrot at kung ano-ano pang kasangkapan.Oh my! Wag niyang sabihing kasali ako sa pagluluto? Sabi na kasing maganda lang ako pero inutil naman."Uhmm... What should I do with these?" alangang tanong ko pa. Si Trice naman ay nakatitig lang din doon. Gusto ko siyang batukan dahil parang walang balak na umalma o magsalita man lang. Oh, no! Huwag niyang sabihing magandang inutil lang din siya?! "Balatan mo ang sibuyas at luya. Pagkatapos ay hiwain mo," utos pa sa akin ng haduf kong pinsan. Nanlaki naman ang mata ko at parang gusto kong mapa-sign of the cross na lang. Napalunok ako at inaalala ang magiging kalagayan ng mga nabanggit ni Lovimer sa kamay ko. Wala akong tiwala sa aking sarili pagdating sa ganito. Bakit pa nga ba ako pumunta rito? Pwede naman sanang sa DH na lang tutal nandito rin naman ang taong gusto kong iwasan, eh.Lord, kailan pa ba matatapos ang karma ko?! Unti-unti nama
Puro kalokohan lang naman ang napag-usapan namin habang kumakain. Meron kaming sari-sariling topic na iniiwasang buksan kaya mas pinili naming mag-asaran na lang. Iniwasan ko ring magtanong ng mga personal na bagay kay Trice kahit gusto ko at interesado ako sa pagkatao niya. Masama at malandi, iyon ang pagkakakilala namin sa kanya noon dahil sa pangtitrip na ginawa niya kay Marciella noong nasa College pa lang sila. Pero lahat ng iyon ay para bang unti-unting napapalitan ng bago niyang pagkakakilanlan.Ang nakikita ko ngayon ay ang Beatrice na ibang-iba sa persona na ipinakilala niya sa lahat. Hindi ko kayang laruin at tantiyahin ang pagkatao niya, sa totoo lang."So, bakit kayo naging close? Hindi ba nga galit ka rin kay Beatrice noon dahil sa ipinamigay niya sa iba 'yong sport shoes na iniregalo mo kay Marciella?" usisa ko pa kay Lovimer nang nasa sala na kami at nagpapatunaw ng kinain. Napatitig naman sa kanya ang babae na para bang kinukumpirma kung may katotohanan ang sinabi k
Siya lahat ang may gawa niyon at hindi ang mga Guieco. Naiumpog ko na naman ang ulo ko sa mesa ng DH. Sobrang aga kong nagising o tamang sabihing hindi talaga ako nakatulog dahil sa mga nalaman ko kahapon.From jars of stick-o, barbie pillows, flowers and the note... Siya ang may gawa. Shit! Bakit nga ba hindi ko napansin ang kakaibang salita sa note? Eh, siya lang naman ang pwedeng gumamit ng gano'n?! Ich Liebe Dich. It's a German language which means I love you.Oh, shit! Mababaliw na ako.Isa lang pala talaga ang galing kina Lovimer, iyong family note lang."Good morning, Baby Shane!" malakas na bati sa akin ni Lovimer. Napapitlag pa ako dahil sa gulat. Ang hilig-hilig talaga nilang magsalita nang hindi ako handa. "Ay butete! Ano ba? Nanggugulat ka naman, eh," angil ko pa sa pinsan ko. "Gulat agad? Binati lang naman kita, bha?""Kahit na. Alam mong may iniisip ako, eh. Ang lakas-lakas pa ng boses mo diyan."Naupo naman siya sa bakanteng silya na nasa harapan ko."Ano bang probl
"Ano yan?!"Bumalik ako sa katinuan ng umintrada si Silang. Akmang babawiin ko ang kamay kong hawak niya pero pinigilan niya dahilan para makita ni Silang ang matching tattoos namin."Wow, ha? Ang ganda, in fairness. Kailan lang 'yan?"Hindi ko na nagawa pang sumagot, nasa kamay ko lang ang titig ko."Matagal na." Siya ang sumagot. Naghuhumiyaw ang pagmamalaki at kumpiyansa sa tono niya."Gaano ba katagal ang matagal na 'yan?! Payapa naman itong kausap ba!""Nine years ago" sagot niya na naman at naramdaman ko ang titig niya. Nasa counter na kasi ang paningin ko, mukhang sa wakas ay may pagkain na. Sinundot pa ni Silang ang tagiliran ko. "Yiee," nang-aasar nitong saad. "Ano ba?!" asik ko pa. "Sus, kinikilig ka lang, eh. Paano 'yong kilig ulit? Iyong tidal wave ba?"Humalakhak pa siya. Bakit ko pa kasi na kwento 'yon sa kanya? Kaya ayaw ko talagang mag-share, eh!"Ewan ko sa 'yo.""Kaya pala, ha? May wave with matching moon and stars pala kayo. Masakit ba?"Napakunot-noo naman ako.