Share

CHAPTER 27- KILL JOY

"Kenshane, kakain na tayo," untag na naman sa akin ni Marciella. Napairap naman ako habang may ini-encode sa laptop ko.

"Wala sa akin ang kaldero," kaswal kong sabi at hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Hindi na rin ako nag-abalang mag-angat ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang titig nito. Mamaya ay madala pa ako sa tingi nito, eh. Robot pa naman ang isang ito.

"Sinabi ko bang nasa iyo ang kaldero?" asik naman nito.

"Marciella, please?! Huwag ngayon," nagmamaktol kong sabi at mas binilisan pa ang pagtitipa ng keyboard. "I just need to finish this report before 1:00 p.m. Kailangan kong mai-submit ito sa head ng department namin," paliwanag ko pa.

"Leave her alone, Bal," rinig kong sabi ni Gabriella at hinila na palabas ang robot nitong kakambal. Mabuti naman at napakinabangan ko rin sa wakas si Gabriella Perrer.

Napahawak ako sa aking batok dahil nakaramdam na ako ng ngalay. Kaninang 10:00 a.m pa ako sa ginagawa kong ito. Pero konti na lang din naman at tapos na rin ito. Apat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status