Share

Ikadalawamput-Tatlong Kabanata

Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.

Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.

Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.

Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status