Hello, peeps! Pagkatapos ng chapter na ito, hindi na magiging daily ang updates ko. Sisikapin kong makapag-update pa rin araw-araw para hindi kayo mabitin pero maintindihan niyo sana na busy ang author ninyo sa ibang bagay. Iyon lang at sana ma-enjoy niyo ang inyong pagbabasa. Love, achyyy
Paikot-ikot ang lapis ni Ruanne sa pagitan ng kanyang mga daliri. Gabing-gabi na pero nasa opisina niya pa rin siya at hindi pa umuuwi sa sariling bahay. Paikot-ikot lamang siya sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa kisame. Dapat ay gagawa siya ng panibagong disenyo ngunit hindi iyon ang pumapasok sa isip niya."Ano naman kayang ginagawa ni Lilia roon kanina? Hindi ba't hindi pa tapos ang burol ni Ginang Remedios?" tanong ni Ruanne sa sarili.Napahinga na lamang siya nang malalim at umayos ng upo upang simulan na ang kanyang pagdidisenyo. Ngunit nang makita niya naman ang blangkong papel, pumasok sa isip niya ang event na tinutukoy ni Catalina.Should she design something for the contest? Or should she just become a lowkey fashion designer inside a dangerous city?Sayang naman ang opportunity kung palalampasin niya. At isa pa, hindi niya pa nasisimulan ang plano niyang shoe line para sa tindahan niya. Iyon naman talaga ang initial plan niya— ang magkaroon ng shoe line para sa mg
"A-Ano?"Kusa yatang nagsarado ang mga tenga ni Ruanne na hindi niya naintindihan kung ano ang sinabi ng binata na nasa harapan niya. Rinig na rinig niya naman ito ngunit tila ba hirap na hirap siyang ilahad ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.Napahinga na lamang nang malalim si Pio at inulit ang kanyang sinabi."Ang sabi ko, huwag tayong ma-in love sa isa't isa. Hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay kaya siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa akin," maliwanag pa sa sikat ng araw na sabi ni Pio.Tila na-stuck pa yata ng ilang segundo ang utak ni Ruanne kung saan. Ngunit kalaunan ay napailing na lamang siya at bumalik sa sariling ulirat." Ruanne? "" Ahh... Ahhh, oo naman. Baka nga ikaw pa ang mahulog sa akin eh," pabirong sabi ni Ruanne.Napangiti na lamang si Pio."Kung ganoon, malinaw na tayo. Tara na. Maghanap na lamang tayo ng pedicab para mabilis tayo."Tumango na lamang si Ruanne bilang tugon sa suhestyon ni Pio. Napahinga na lamang nang malalim ang dalaga bago sumunod
"Demetrio, kailangan ko ng tulong mo." frustrated na sabi ni Pio sa telepono.May bahid pa ng dugo ni Lira ang mga kamay ni Pio. Tumatagaktak ang pawis ni Pio mula sa pagbuhat sa katawan ni Lira papunta sa ospital. Meron lamang isang bala ang tumama sa katawan ni Lira ngunit natitiyak ni Pio na tumama iyon sa kanyang puso. At natitiyak din ni Pio na walang ibang intensyon ang gumawa nito kundi ang patayin lamang siya. Nalintikan na talaga. "Pasensya na, young master. Hindi ako makakarating kung nasaan ka man ngayon. Kasalukuyan kong—""Halt the plan. Huwag mo nang pakialaman si Julian. May mas kailangan tayong alalahanin ngayon," pagputol ni Pio kay Demetrio.Sa kabilang linya naman ay napakunot na lamang ng noo si Demetrio. Napalunok ang matanda bago magtanong sa kanyang amo."Kung ganoon, ano hong maipaglilingkod ko?" tanong ni Demetrio.Puno ng inis at galit na napabuga na lamang ng hininga si Pio. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya inakalang ganoon ang mangyayari.
"Ano... Nandiyan ba si Lilia? Hindi ko pa kasi siya nakikita mula kanina?" tanong na lamang ni Ruanne kay Boyet. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. Napahinga ito nang malalim at agad na hinila si Ruanne papalabas ng burol. Nagpunta sila sa isang sulok kung saan medyo madilim at hindi kita ng kahit sino. " Mabuti pa Ruanne, umalis ka na rito. Kaya lang naman kita pinapasok dito dahil wala si Lilia rito. Kaso baka pag bumalik iyon..." "Ano?" "Baka magwala pa iyon dito." Napapikit na lamang si Boyet at napahilod na kangyang noo. Samantala, si Ruanne naman ay gulung-gulo sa pinagsasasabi ni Boyet. Simula kanina nang dumalaw ulit siya ay pansin niya na ang kakaibang kilos ni Boyet. Tila gulat na gulat pa ito nang makita siya kanina. Nagtataka man ay hinayaan niya na lang ang lalaki dahil marami itong ginagawa para sa mga bisita. Ngunit ngayong pababa na ang araw, wala ng mga bisita, ay maaari niya nang kausapin ang binata. Kanina niya pa nga itong nakikita na nakaabang lamang sa pinto
Tumigil ang mundo at nayanig ang buo niyang pagkatao. Abot-langit ang kabang namumuo sa kanyang dibdib at hindi niya ito mapigilan. Palakas ito nang palakas at wala siyang magawa dahil wala siyang kontrol dito. Siya ang may-ari. Siya ang nakadarama. Ngunit bakit siya pa itong walang magawa? Mulat na mulat ang mga mata ni Ruanne dahil sa sobrang gulat at pagkabigla. Huminto ang pag-andar ng kanyang isip at namayani ang nabubuong emosyon sa kanyang dibdib. Hindi niya pa rin maiproseso ang nangyayari. Ngunit hanggang ngayon, sigurado pa rin siyang may nakadikit sa kanyang labi.Napalunok na lamang si Ruanne at napakapit nang mahigpit sa damit ni Pio. Sa kabila ng kabang kanyang nararamdaman ay hindi niya magawang itulak palayo ang binata upang maibsan ito. Sa halip, unti-unting tumataas ang kanyang sakong upang makatingkayad at mas maabot pa ang lalaki. Sinusubukan naman ng kanyang mga kamay na itulak papalayo si Pio ngunit hindi sumasang-ayon doon ang buong katawan niya.Makaraan ang il
"Your lips taste like strawberries. I like it."Hindi makalimutan ni Ruanne ang mga huling salitang binitawan ni Pio sa kanya bago siya nagtatakbo papasok ng kanyang building. At hindi na rin siya nakalabas doon dahil iniisip niya na naroon pa rin ang binata sa labas kahit na kagabi pa naman iyon at unaga na.Naiipit na lamang ni Ruanne ang kanyang pisngi sa pagitan ng kanyang mga palad. Malungkot na nakanguso ang kanyang mga labi habang nakatingin sa salamin. Ang namumula-mula niyang mukha ay hindi mawala-wala at mas lalo pang namumula. Napapikit na lamang si Ruanne nang mariin at napasandal sa kanyang kinauupuan. Napatakip na lamang siya sa kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan."AHHHHH! Nakakainis!" sigaw na lamang ni Ruanne sa sarili.Wala namang magawa si Ruanne kundi isipin na lamang ang mga nangyari. Ngunit hindi talaga siya mapakali. At mas lalo pang nagpatindi ng kanyang pag-o-overthink ay ang katotohanan na hindi man lang nailang o nahiya si Pio sa kanyang sinabi. Ang toto
"Ma'am Ruanne, kahit wala ka ng kolorete sa mukha, maganda ka na. Saka girlfriend ka ni Ginoong Pio, ano. Siguradong maganda ka sa paningin niya kahit ano pa man ang mangyari," komento ni Manang Celeste.Napanguso naman si Ruanne sa itsura niya sa salamin. Kahit mukhang maayos naman ang itsura niya, hindi siya kumbinsido sa kanyang nakikita. Kahit ano naman kasing mangyari, maganda ang tingin niya sa sarili niya. Ewan niya nga lang kung anong itsura niya sa paningin ng ibang tao.Nakasuot siya ngayon ng skinny jeans at camisole top na pinatungan ng cropped denim jacket. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at nagsuot na rin siya ng kaunting kolorete sa mukha. Sa kanyang paa ay nakasuot ang isang pares ng white sneakers na pinaresan niya naman ng white na handbag.Sobrang ayos ng itsura niya. Sobrang ganda niya na. Ngunit pakiramdam niya, kapag humarap siya kay Pio ay hindi. Natatakot siya na ma-disappoint ang binata.Ngayon lang siya lalakad para sa isang proper date ano! Natural
Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na