Share

Ikapitong Kabanata

"Anong nangyayari rito, magandang binibini?"

Malinaw na malinaw sa tenga ni Ruanne ang narinig niya. Ngunit gusto niyang paniwalaang nabingi na yata siya dahil kung anu-ano na ang naririnig niya. Ngunit hindi eh. Iyon talaga ang narinig niya.

Mahal? Magandang binibini? Ano na ba ang tumama kay Pio at kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya?

Naiilang na napatingin si Ruanne sa kanyang dalawang kaaway. Nakita niya ang mapagmataas na tingin ni Jacoma at ang inis na nagtatakang titig ni Fajardo. Nakahawak pa sila sa isa't isa nang ipakita nila ang mga ganoong ekspresyon. Aakalain ng kahit sinong matalinong tao katulad ni Pio na kalokohan lang ang relasyon ng dalawa. Ngunit si Ruanne ay t*nga.

Lumingon na lamang muli si Ruanne kay Pio. Nakikipagtitigan ang binata sa mga nasa harapan nila at ayaw na ni Ruanne na makahakot pa ng napakaraming atensyon. Napapatungo na lamang siya dahil dumadami na ang mga taong nasa paligid na tumitingin sa kanila. Ang iba ay pinipili na lamang dumiretso sa p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status