"They were right after all," ani Elmhurst nang pumasok sila ni Selena sa penthouse ng dorm. Noong nakaraan ay may naghihinala na baka isa sa mga Madrid ang ngayon ay nakatira rito. Iyon nga lamang ay walang kasiguruhan kaya namatay rin ang usap-usapan tungkol sa bagay na ito.Ngayon na dinala mismo ng dalaga si Elmhurst dito ay napatunayan niyang may katotohanan nga ito. Ngunit may naramdaman gulat ang binata nang makita ang buong penthouse. Para kasing walang nakatira rito kahit na dito naman natutulog ang dalaga. It was really plain and simple. Ang pintura ng mga dingding ay puti at ang mga sofa at iba pang kagamitan ay dark colors. Parang hindi ito tahanan ng isang babae dahil maski bulaklak ay wala kang makikitang nakalagay sa vase. Ang nakita lamang niya ay ang pana na maayos na nakalapag sa mesa.Hindi niya inaasahan kanina nang ayain siya nito rito. Tinanong niya kung bakit hindi nito inimbatahan si Miles. Pero ang rason nito ay kalat sa buong Alta Tiero na ang penthouse na ito
"May cliff pala rito?" namamanghang bulalas ni Elmhurst nang dinala siya nina Selena sa likod ng menowa. Siguro ay sampung minuto na lakaran din bago nila marating ito. Tumingin siya sa may paligid at may napansin siyang malaking lubid na nakatali sa isang matandang puno ng balete. Nagtatakang nilapitan niya iyon at pagkatapos ay sinundan ng tingin kung saan tumungo ang lubid. At iyon ay sa may cliff."Mahilig sa mountain climbing ang mga kuya ko at sa mismong cliff na ito sa pinakagitna ay may kuweba. Doon sila pumupunta kaya may lubid silang tinali," paliwanag niya kahit na hindi nagtatanong ang binata..“Really?” Lumapit ito sa may gilid ng cliff at sumilip doon. “Woah! Kapag may nahulog dito ay paniguradong gutay-gutay lahat ng katawan niya,” komento ni Elmhurst at nilinga ang magpinsan. Eksaktong kararating lang din ng mga kambal na kapatid ni Selena at may dalang safety harness. Agad na kinutuban siya. “W-Wait don’t tell me na kaya mo ako inaya ay dahil–”Tumango si Arjoe kahit
Maaga pa lamang ay gumising na si Elmhurst at gumawa ng mga paper rose. Bawal ang pumitas ng mga bulaklak sa vermilion falls kaya ito at gumawa na lamang siya. Ayaw naman niyang dahil dito ay mapalayas siya ng Alta Tiero. Paano niya maliligawan si Selena kung sakaling nangyari 'yun, hindi ba?At pagkalipas ng isang oras ay hawak na niya ang malaking bouquet ng green paper rose habang naglalakad siya sa hallway ng dahlia building. Ito kasi ang kulay na available kaya ito ang ginawa niya. Nakangisi ang ibang nadadaanan niya at binibiro pa siya. May mga nagtanong rin kung sino ang maswerteng babae na kaniyang aalayan ng bulaklak. Ngunit lahat ng ito ay hindi niya binigyan ng sagot. Bagkos ay ngumiti lang siya at sinabing malalaman din nila.Nang makarating siya sa room ay nagsipulan ang mga lalaking naroon nang makita siya. Ang mga kaklase niyang babae ay suminghap at agad napatingin sa kanilang katabi.Inilibot niya ang tingin sa bawat sulok ng room at nang makita niya ang kaniyang hina
Selena laid down in her bed as she shuffled all the things in her head. Halos tatlong araw na siyang hindi pumapasok at kung hindi siya nakahiga sa kama ay nasa ibaba siya ng cliff at nakikipaghabulan sa mga wild rabbits doon. At kung hindi ay mga may kalakihang daga para gawing pagkain ang dugo nila. Gusto kasi niyang may pagkakaabalahan at hindi na isipin ang tungkol sa nakaraang pag-uusap nila ng kaniyang mga kapatid ukol kay Elmhurst.Ngunit ngayong araw ay wala siya sa mood na lumabas. Tinakot na niya lahat ng mga wild animals sa ibaba ng cliff at paniguradong nagtatago na sila sa kanilang lungga. At ayaw niyang hanapin pa kung saan nagtago ang mga ito. Besides, she already had her fill for these past three days.Pero kahit pa ganun ang ginawa niya ay lumilipad pa rin ang utak niya sa binata. Ngayon lamang siya naguluhan ng ganito. Kung paano tatanggihan si Elmhurst at sabihin na huwag na nitong ituloy ang panliligaw sa kaniya. Pagkatapos na isampal ng mga kapatid niya kung sino
"Uy! Saan ka pupunta?" gilalas na tanong ni Miles kay Elmhurst. May backpack na nakasukbit sa balikat niya habang naglalakad siya papunta sa pantalan. Though dalawang barko lang at tatlong speedboat ang naroon ay may saeili pa ring pantalan ang buong isla. Kanina pagkababa niya galing sa menowa ay dumeretso siya sa faculty at nagpaalam sa professor nila na uuwi muna siya sa kanila.At dahil weekdays ngayon ay kailangan ng valid reason upang payagan siyang umuwi. Kapag kasi weekends naman ay puwede silang umuwi basta wala silang klase ng sabado. Kaya naman kahit na walang katotohanan ay nagdahilan siyang tumawag ang magulang niya sa kaniya at may emergency sa kanilang bahay. Kaya binigyan siya ng permisong makalabas muna ng Alta Tiero.Iisa lang naman ang rason kung bakit gusto niyang umalis muna rito. At walang iba kundi ang pag-reject ni Selena sa kaniya. It was as if he was repeatedly stabbed in his chest because of the pain he's feeling right now. Na parang may parte sa kaniya ang
Selena narrowed her eyes as she stared intently at the man who was being tied up by his brother's vindya runya. His long hair was disheveled, even his clothes. His cold and razor-like eyes were staring back at her. It was full of murderous intent. The corner of her lips perk up before straightening herself.Nilinga niya ang kaniyang mga kapatid na nakamasid lang din sa lalaki. Kanina habang nasa cliff siya ay bigla siyang tinawag ng kuya Ralphf nila dahil may emergency. At pagdating niya rito sa menowa ay ito ang naabutan niya. Kararating lang din daw ng lalaking ito ng isla at umaaktong isang estyudante rin. Mabuti na lamang at naroon si Arjoe kaya agad itong nahuli. Hindi pumalag ang lalaki at agad sumama sa pinsan nila pero hanggang ngayon ay hindi pa bumukas ang bibig nito para magsalita."Kahit minsan ay wala pang nabanggit na anak na lalaki si Fenrir Colle. Kaya sino ka?" tanong niya sa lalaki. "Tinago ka nila para papuntahin dito at maging spy? They underestimated the security
Kagagaling lamang ni Elmhurst sa canteen at bumili ng kaniyang dinner na fish fillet, afritada at dalawang serve ng rice. At pagkatapos ay agad siyang bumalik ng dorm dahil wala siya sa mood na manatili rito sa labas. Isa pa ay ayaw niyang makasalubong ang isa sa mga Madrid brothers o si Selena. Dahil hindi niya alam kung paano haharapin sila. Mas okay kasi si Arjoe sapagkat ito lang ang nararamdaman niyang mas madaling maka-close. And since they know each other, the other man was the one who let him feel welcomed to their family.Aktong sasara ang elevator nang may kamay na humawak 'nun at muli iyong bumukas. Nang makita niya kung sino ang taong iyon ay pinatigas niya ang ekspresyon ng kaniyang mukha at deretso lang ang tingin. Hindi niya inaasahan na magsasalubong sila ng landas dahil pagabi na at akala niya ay sa menowa matutulog ang dalaga. Kaya nagulat siya na umuwi ito ng dorm.Akala niya ay hindi tutuloy na sasakay si Selena dahil ilang segundo rin itong nakatayo roon subalit p
Napatuwid ng tayo si Elmhurst at napatitig sa kabilang balkonahe. Eksaktong pagharap kasi niya ay may nahagip ang mata niya na anino sa kabila. Gusto kasi niyang hanapin kung saan nanggaling ang bulong na narinig niya at hindi siya sigurado kung nakaringgan lang niya. Isa pa ay tatanungin din sana niya ang kaniyang kaibigan kung narinig din ba nito ang bulong pero ang aninong iyon ang nakita niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero kumabog ang dibdib niya. Blurred man ang anino ay ay sigurado siyang kaparehas iyon ng pigura ni Selena. Pati ang tangkad ‘nun ay pareho rin. Kaya naman mabilis na tumakbo siya papasok at lumabas ng kaniyang dorm.Umarko ang sulok ng labi niya nang makita ang likod ng papalayong pigura ng isang babae. Kahit nagmamadali iyon ay namukhaan pa rin niya kung sino ito. At hindi niya alam kung matutuwa ba siya o madidismaya sa mga kilos ng dalaga. Pagkatapos siya nitong tanggihan ay ito naman at sinisilip din siya? Para ano pa? Gusto nitong siguraduhin na hind