Pagkatapos na tumakbo si Elmhurst paalis ng menowa ay sumakay siya sa barko na lalabas ng isla. Nagtago siya para hindi siya makita ng mga taong uuwi rin sa kani-kanilang sariling pamilya. Nataon pa kasi na weekend ngayon kaya karamihan sa mga estyudante ay gustong umuwi para lumanghap ng mainit na hangin sa labas ng isla. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagiging normal ang mga kuko niya. Okay pa sa mukha dahil kapag hindi siya magsasalita ay hindi mapapansin ang pangil niya.Sinubukan niyang kumalma pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ay kumukulo ang dugo niya at umaakyat sa kaniyang ulo. Pinipigilan pa niya ang sariling lumabas sa pinagtataguan niya dahil naaakit siya. Iba't ibang mababangong amoy ng pagkain na nagpapakalam ng sikmura niya ang dahilan. Gutom na gutom na siya at gusto niyang kumain. Hanapin ang pinagmumulan ng mabangong pagkain para kainin ang mga ito. Pero natatakot siyang lumabas.He gritted his teeth until he tasted his own blood. At bahagyang naning
Akala ni Selena ay minuto lamang ang itinulog niya dahil agad siyang ginising ng kaniyang ina. Nang magmulat siya ay ang seryosong mukha nito ang sumalubong sa kaniya. Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang dismayado ito sa kaniya. Sa tingin pa lamang nito ay hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Katulad noon ay naging malamig ang pagtrato nito sa kaniya dahil sa mga kasalanan niya. Ni hindi ito komontra sa ama niya sa naging parusa niya. Sinang-ayunan agad nito at baka kung hindi siya matuto sa mga nagawa niya ay baka mas matindi na naman ang mga susunod pa.Naaalala niya noon na siya lagi ang pinapaboran nito at tinatawanan lamang ang mga pagsisintir niya. Pero nang tumagal na at lumaki ang sungay niya ay hindi na nito itinago ang disappointment na nararamdaman nito. Sa tuwina ay deadma lang siya sa mga sermon nito pero sa pagkakataon na ito ay hindi siya makapagsalita at masalubong ang mata nito. Dahil kung sana ay kinuha niya ang suhestiyon ng magulang niya ay dapat natulungan s
He felt her!Her presence, her smell, her deep and longing stares. Nararamdaman niyang nasa paligid lamang si Selena. At sa tuwing lilinga siya kung saan niya nararamdaman ang mga tingin nito ay hindi niya ito makita. Kahit na naging matalas na ang kaniyang paningin at kahit napakaliit na bagay ay nakikita niya pero ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Bigla ring maglalaho ang presensya nito na parang guni-guni lamang niya ang lahat. Subalit kapag magbabawi naman siya ng tingin ay babalik uli ang nakasunod na tingin nito.Inignora lamang niya ito at hindi na binigyang pansin. Kung natatakot man ito na magpakita sa kaniya ppara harapin ang galit niya kaya ito nagtatago ay wala siyang pakialam. Dahil ang tanging nangingibabaw na lamang sa kaniya ay pagkapoot niya rito. At kapag nagharap na sila ay isusumbat lamang niya ang lahat. Sa halip na sumaya siya dahil nagkaroon siya ng buhay na tinatawag na immortality ay namuhi pa siya.Hindi ito regalo na katulaf ng sinabi ni Max. Isa iton
Malakas ang pagbagsak ng ulan pero nakatayo pa rin si Elmhurst sa harap ng puntod ng kaniyang ina. Katatapos lamang ng libing nito at naiwan lamang siyang mag-isa rito. Ayaw niyang umuwi at iwan ang kaniyang ina na mapag-isa rito. At sa ilalim ng malakas na ulan ay tumutulo rin ang luha niya. Animo pinipilipit ang puso niya dahil alam niya kung ano ang kinamatay ng kaniyang ina.Pagkatapos ng araw na iyon ay na nawalan siya ng malay. Nang magmulat siya ng kaniyang mata ay hindi pa siya tuluyang nahimasmasan. Kaya naupo siya at hinilot ang kaniyang ulo. Pero natigil siya nang makaamoy ng masangsang na amoy. Kaya nagtaas siya ng ulo at inilibot ang tingin sa buong kuwarto niya. And he was horrified when he saw who was lying beside the cabinet. It was his mother.Hindi agad siya nakahuma at tulalang nakatitig lamang siya sa kaniyang ina. Kahit man lang tinig ay wala ring lumabas sa kaniyang bibig. He was just there staring at his mother's dead body. Natuyo na rin ang dugo sa sahig at ito
Mariing kumuyom ang kamao ni Elmhurst nang makalabas na siya ng gusali ng kanilang family company. Hindi niya dapat na gugulin ang oras sa paghihinagpis dahil marami siyang kailangan na asikasuhin. Pilit niyang pinatigas ang damdamin niya. Sa problemang kinakaharap ng kompanya ay dapat niyang isantabi ang ano mang personal na nararamdaman niya. He ignored the emptiness he felt inside his heart.Pero pagkarating niya rito kanina ay nagulat siya nang isa sa mga tauhan ng Madrid ang naghihintay sa kaniya sa conference room. Pinadala raw ito ni Rolphf para makipag-negotiate sa kaniya. At sa totoo lang ay ayaw niyang humingi ng tulong sa pamilya ni Selena. Pero iginiit ng lalaki na hindi dahil sa dalaga kung bakit siya tinutulungan ni Rolphf. Kaya pinag-isipan niyang mabuti ang alok nito.Ang gusto nila ay bilhin nila ang kompanya at kapag kaya na niya ay hindi sila magdadalawang isip na ibalik sa kaniya. Pinag-isipan niya itong mabuti. Hindi pa siya nakatapos ng kolehyo. Yes, kaya niyang
“Pang ilang Colle na ang nahuli mo ngayon na hinayaan mong masunog sa ilalim ng araw?” tanong ni Clark sa kambal nang pumasok ito sa hotel room.Inalis ni Selena ang hood ng suot niyang jacket at sinulyapan ito habang hinuhubad ang gloves. Inihagis lang niya ito sa kung saan at naupo. Sa halip na ang hotel na pag-aari ng kanilang pamilya sila tumira ay sa isang warehouse na pag-aari rin nila. At lahat ng mga bintana ay tinakpan nila para hindi makapasok ang araw sa loob.Katunayan ay hindi sila bumalik ng Havilland. Lumuwas sila ng kaniyang kambal at si Arjoe. They have been hunting the Colle family for days. Ngunit ang head ng family ay hindi pa rin nila nahuhuli at nalalaman kung saan ang lungga nila. Ang mga nahuli at namatay na sa kamay niya ay mga mababang uri ng half-blood at hindi alam kung saan nagtatago ang pinuno nila. Palipat-lipat ang mga ito ng tirahan kaya ang huling kuta nila na alam ni Clark ay hindi na roon.Ngunit sa araw na ito ay nagbunga ang pag-iimbistiga nila. A
Nagsalubong ang kilay ni Elmhurst nang kunin ni Roland ang kamay niya at kumuha ng dugo niya. Pang limang beses na nitong ginawa ito at hindi naniya napigilan ang mainis. Kanina habang nasa kuweba siya at nagme-meditate ay sumulpot ito at basta na lang siya kinaladkad pabalik ng menowa. Ni hindi ito nagpaliwanag kung ano ang dahilan. At pagkarating nila ng bahay ay naging abala na ito sa test na hindi niya alam kung ano.Kapag nagtatanong naman siya ay hindi ito sumasagot at basta na lang uli kukuha ng dugo niya. Nandito sila sa basement at kompleto ang lahat ng kagamitan pang-medical. At ayon kay Roland ay kabibili lahat para raw sa kaniya. He was not the first mortal who came to their house but he was also the first to become like them.“If you test my blood many times, is there a chance that I can still be a normal human?” nababagot na tanong niya. Sumandal siya sa headboard ng kama at pinanood itong tignan ang dugo niya sa microscope.Nagtaas ito ng ulo at sinulyapan siya sabay ta
Humigpit ang pagkakasakal ni Selena sa leeg ng isang half-blood na nahuli niya. Papadilim kanina nang lumabas siya ng warehouse para maglibot. Nagbabasakali na may makasalubong siya at tama ang hula niya. They were out at night to hunt for their food. At isa na ang nahuli niyang ito na lumabas para humuli ng kanilang biktima. Isang babae ang balak nitong hulihin ng makita niya ito. Kaya naman mabilis na tinulungan niya ang babae pagkatapos ay hinabol naman niya ang lalaki hanggang sa may masikip na eskenita nang sinubukan nitong tumakas. Kahit na anong palag nito ay hindi ito makawala.“Tell me where Fenrir is hiding?” puno ng panganib na kanyang wika sa lalaki.Madiin itong umiling at hindi siya sinagot. Nanlilisik pa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang mahinang umaangil. Naiinis na bumaon ang kanyang kuko sa balat nito.“Kahit na hindi mo ako sagutin may marami akong paraan para malaman ko kung saan siya nagtatago. Isa ka lamang na mababang uri ng mga bampira nasa isang p