Share

Chapter 5

MULA SA SIMULA ng relasyon nila  hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. 

“Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag n*******n ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”

Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.

“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”

Mataman siyang tiningnan ni Albert. 

“O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”

Umasim na ang hitsura ni Bethany, masamang tiningnan si Albert.

“Alam mo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito Albert! Kung hindi mo sana na-frame up ang Papa ko, sa tingin mo makikita mo ako dito? Wala akong pakialam kung sino pang mang babae ang pakasalan mo! Huwag ka ngang masyadong feeling diyan, Albert!”

Napaawang na ang bibig na tiningnan siya ng mataman ng lalake. Pinilit na ni Bethany ang sarili na titigan na sa mata ang lalake, ayaw niyang maging mahina sa paningin ng dati niyang kasintahan.

“Huwag ka ng magkaila, Bethany. Kilala kita. Alam kong ginagawa mo ang mga bagay na ito dahil gusto mo lang akong sundan. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot!” pagkasabi noon ay padabog niyang binuksan ang pinto at saka umalis.

Ang marangyang pintong yari sa kahoy ay malakas na humampas ng bitawan niya na ‘yun. Nanghina na ang dalawang binti ni Bethany, napasandal na siya sa pader habang mabagal na bumabagsak ang luha.

Napakawalang hiya talaga ng dati niyang kasintaha. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa lalake, iyon lang ang igaganti sa kanya? Apat na taon ang relasyon nila, sa apat na taong iyon ay ginawa niya ang lahat tapos ito lang ang magiging balik? Sa mga sandaling iyon lang din napagtanto ng babaeng ginamit lang siya at pinaglaruan ng lalake. Wala naman talaga ang lalakeng planong pakasalan siya mula pa sa simula.

“Bethany…”

Marahas na pinalis ng dalaga ang mga luha sa mukha niya nang marinig ang tinig ng kaibigan niya.

“Ayos ka lang ba? Labas na diyan.”

“Hmmn, t-teka lang…”

Inayos muna ni Bethany ang hitsura bago siya lumabas at magpakita. Nakita niya doon si Rina at ang asawa nito, hindi lang ‘yun. Nasa labas din nito si Gavin Dankworth. Nakapagpalit na ng damit ang lalake sa navy blue shirt at bagong plantsang gray slacks. Ibang-iba na ang aura at itsura ng binata ngayon.

Bakas na ang takot at pag-aalala sa mukha ni Rina, subalit hindi naman niya mabanggit ang tungkol sa ex-boyfriend ni Bethany dahil naroon kasama ang asawa at ang abugado.

“Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi pwedeng maglaro.” anitong pilit na pinasigla na ang tinig.

“Oo, totoo ‘yun. Sa sunod na lang natin ituloy kapag may pagkakataon ulit.” sang-ayon ng asawa ni Rina, bumaling pa ito kay Gavin. “Attorney Dankworth, pwede bang sumabay na lang sa’yo si Bethany? May iba pa kasi kaming dadaanan ng asawa ko. Ayos lang ba ‘yun?”

Tiningnan na ni Gavin si Bethany, nakita niya ang bakas ng pamumula ng mga mata nito. Iginalaw niya ang dalawa niyang balikat at ngumiti. 

“Sige, walang problema.”

Napahinga na ng maluwag si Rina. Gusto sana niyang isama ang kaibigan pero baka matagalan sila. Wala namang choice si Bethany kundi ang sumunod kay Gavin dahil nahihiya rin siyang maging abala sa kaibigang si Rina at sa asawa nito.

Malakas ang bugso at ihip ng hangin, panaka-naka rin ang kislap ng kidlat sa langit at mga pagkulog. Walang bubong ang parking lot at pumunta doon si Gavin para kunin ang dala nitong sasakyan. Pinili na lang niya na hintayin ang abugado. Ilang beses sinipat ni Bethany ang langit, kung gaano nito kainit kanina ay siya namang lakas ng ulan ngayon. Maya-maya pa ay huminto na sa di kalayuan kay Bethany ang sasakyan ng abugado. Kaparehong sasakyan ‘yun na naghatid sa kanya noon. Tumakbo na palapit doon ang babae habang nasa ulo ang dalawa niyang palad. Wala siyang payong at nahihiya naman siyang magsabi kay Gavin na sunduin siya sa tinatayuan. Unti-unting nabasa ang suot niyang damit ng malalaking patak ng ulan. 

Hindi na mapigilan ni Bethany na makaramdam ng hiya pagkapasok ng sasakyan. Nag-aalala siya na baka magalit ulit sa kanya si Gavin. Ilang tingin lang ang ginawa sa kanya ng abugado at kapagdaka ay  pinaandar na nito ang sasakyan.

Ang golf course na kanilang pinuntahan ay nasa tuktok ng bundok kung kaya naman ilang ikot ang ginawa ng sasakyan doon bago pa sila makarating sa pinakaibaba. Bukas ang aircon ng sasakyan kung kaya naman maya-maya ay hindi na mapigilan ni Bethany na ginawin, ilang saglit pa ay namutla na ang labi ng dalaga sa sobrang lamig dito. 

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gavin. Habang naghihintay sila na maging green ang red light, kinuha ng binata ang jacket sa likod at inihagis na niya ‘yun kay Bethany.

“Isuot mo!”

Mahinang nagpasalamat si Bethany at nagkukumahog na sinuot na ‘yun. Mabilis iyong nagbigay ng init sa balat niya na nananayo na ang balahibo kanina. Hindi pa rin pinatay ni Gavin ang aircon. Nanatili lang ang mga mata ng lalake sa kalsada.

Lumakas pa ang buhos ng ulan kung kaya naman mas humaba pa ang traffic na kanilang naabutan. Hindi halos umusad ang mga sasakyan na patuloy na naliligo sa buhos ng ulan.

Dala ng pagka-bored ay kinuha ni Gavin ang pakete ng sigarilyo sa bulsa, kumuha siya ng isang stick, inilagay sa bibig at sinindihan ‘yun. Humithit na siya doon, ilang sandali pa ay ibinuga niya na ang usok nito.

“Gaano katagal naging kayo ni Albert?”

Bahagyang nagulat doon si Bethany pero nagsabi pa rin siya ng totoo.

“Apat na taon.”

Na-surpresa doon si Gavin, pahapyaw na sinulyapan niya ang mga hita ni Bethany. Makikita sa mata ng binata ang nakatagong pagnanasa sa makinis na kutis nito.

“Sa ganun katagal na panahon, ilang beses na kayong nagsiping na dalawa?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status