Share

Chapter 26 - Miguel dela Cruz

Tatlong araw na ang lumipas buhat nang madala nila sa ospital ang binatang estranghero. Kahit papaano’y bumubuti na ang lagay nito at tuluyan nang humupa ang lagnat. Magkagayon ma’y nananatili itong parating mahimbing na natutulog at panaka-naka lang ang paggising upang makahingi nang tubig. 

Saglit pang napatunganga rito si Kaloy bago ibinalik muli ang atensyon sa binabasa. Pilit niyang pinag-aaralan ang kanyang libro sa eskwela ngunit kanina pa walang pumapasok sa kanyang isipan. May takdang-aralin kasing binigay ang kanilang guro at pilit niyang iniintindi ang kanyang binabasa. Siguro’y magtatatlumpong minuto na siyang nananatili sa parehong pahina.

Napabuntong-hininga na lang siya. Sa totoo lang ay medyo nababagot na siya sa pananatili sa ospital. Halos bahay na niya iyon dahil parating siya ang nakatokang magbantay sa binata. P

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status