MIKAYIsang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang interview, at sa isang linggo na iyon ay hindi ako tinantanan ni Damonyo sa pagpapaalala sa akin ng nangyari sa interview ko. Gusto ko nga sana itong kalimutan kaya lang lagi naman niyang bukambibig, paano naman kaya ako mag m-move on kung sakali."Alam mo Mikay, simula nang matapos ang interview lagi ka na lang nakabusangot. May nangyari ba?" tanong ni Tina sa akin.Buti na nga lang talaga at hindi lumabas ang katangahang nagawa ko, kung nagkataon maglalayas ako sa bansang aking sinilangan. Hindi lang naman ako yung may kahiya-hiyang experience eh, si Juday sumagot nga pero ang layo naman sa tanong, si Tina naman habang nag C-CPR nadulas ang kamay niya kaya naman sumubsob ito... tapos ako? Ayoko na lang mag talk dahil for sure na tatawanan lang nila ako."Hoy Mikay! Pinapasabi ni papa na tawagan mo raw siya. Itong babaeng ito por que..." Pinandilatan ko ng mata si Ruby bago pa siya may masabing hindi maganda. "Basta tawag
MIKAY"Anong sabi ni lolo?" muling tanong ko kay Damonyo na kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan dahil nga may dinner na naman kasama ang buong pamilya. Hindi na natapos-tapos ang dinner eh.Si Damonyo ngayon ang nagmamaneho dahil nga naka break sila Tay Kanor at Nay Cristy."Oy! Anong sinabi niya?" pangungulit ko sa kanya habang niyuyugyog ko pa ang braso nito."Dang! I'm driving. Stupid," singhal nito sa akin.Napabusangot naman ako. Sungit talaga."Eh ano nga kasing sinabi...." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang masamang tingin na ang ibinaling niya sa akin.Halos malukot naman ang mukha ko dahil sa pagkakabusangot. Nagtatanong lang naman kasi ako dahil kanina pa ako kabado. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas at ibinababa ang bintana, ipinatong ko ang aking baba rito habang ineenjoy ang malamig na ihip ng hangin, pero hindi rin ito nagtagal dahil literal na panira ng kasiyahan si Damonyo dahil isinara niya ito."Paano na lang kung maipit ang ulo ko?" singhal
MIKAYHindi ko maiwasang magutom at matakam dahil sa sobrang dami ng pagkaing nakahanda sa malaking mesa. Buong akala ko, yung pagkain namin sa seaside kanina ay dinner na iyon, hindi pala. Ilang beses ba dapat kumain ang mayayamang kagaya nila? Mukhang wala ata talaga silang tigil sa pag kain dahil nga may pera rin naman silang pambili ng mga pagkain."May birthday po ba?" tanong ko kay Tata Pilo na siyang nag-aayos ng hapag-kainan, may kasama namin si Tata Pilo kaya lang nasa kusina ito. Hindi ko maiwasang maglaway dahil sa sobrang daming pagkain."Walang may birthday, Anak," ani Tata Pilo na bahagya pang tumawa."Kung wala naman pong may birthday, bakit sobrang daming pagkain? Ganito talaga mag dinner ang mayayaman?" tanong ko na siyang muling ikinatawa niya. "Hindi mo ba alam na ngayong ang ikalawang buwan niyo bilang mag-asawa?"Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Tata Pilo. Ikalawang buwan? Grabe! Dalawang buwan ko na palang tinitiis ang isang 'yon. "So sampung buwan na lan
MIKAY"Awww!" daing ko habang hawak-hawak ko ang aking ulo na akala mo naman mabibitak na sa sobrang sakit nito.Napadami ba ako ng inom kagabi? Eh wine lang naman ang ininom ko ah. Halos gapangin ko ang daan patungo sa banyo, ngunit napahinto ako ng bahagya nang bumukas ito at bumungad sa harap ko si Damonyo na palabas ng banyo, nakatapis ito ng tuwalya, half naked kaya kitang-kita ko ang pandesal niya... nagpupunas ito ng buhok habang ang ibang tubig sa katawan niya ay bumababa hanggang sa... napalunok ako at ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Nasa langit na ba ako? Almusal ko na ba ito? O ito na ang sagot sa hangover ko? Shucks! I can't naman this."You're drooling," saad nito kaya agad ko namang pinunasan ang gilid ng labi ko bago ako umayos ng pagkakatayo."Hindi ah," wika ko saka ako umirap. "Tabi nga." Bahagya ko pa siyang tinulak para makapasok ako sa loob ng banyo akmang isasara ko na ang pintuan nang bigla akong may narealize. "Teka! Anong ginagawa mo rito sa kwarto k
MIKAYIto na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw kung saan matutupad na ang matagal ko ng hinihintay! Sa wakas! Mapapasok ko na bilang interns ang M.Y hospital. Ha! Dugo't pawis ang ipinuhunan ko rito. Siguro humanga sila sa draw a blood ko kaya kinuha nila ako. Sabi nila ibibigay daw nila sa amin ang results ng interview namin kaya naman excited na akong makita ang grades ko."Kinakabahan na ako. Sana naman magkakagrupo tayo," ani Juday na halata sa mukha niya na kabado ito.Ako? Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko, kabado ako, oo, pero mas nangingibabaw sa akin ang excitement. Alam ko naman na hindi ito magiging madali lalo pa't maaari kong makabangga si Damonyo, pero gagawin ko ang lahat para mairaos ang tatlong buwan na internship ko sa hospital na ito. Ngayon pa ba ako susuko? Hindi no!"Sana lang talaga hindi ako mapunta kay Doc Damon. Super strict pa naman daw niya, at saka maraming intern ang umiiyak at bumabagsak dahil sa kanya. Gwapo at crush ko siya pero talo-talo mu
MIKAYNang makauwi ako sa bahay ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa dahil sa sobrang pagod. Grabeng lala pala sa emergency room, hindi nauubusan ng pasyente. Hindi ko alam na sa buong araw ay gano'n karami ang mga pasyente, ibang klase. Dinaig ko pa ang nakisabak sa gyera. Sobrang sakit ng buo kong katawan na akala mo nabugbog ako."Oh hija, nandito ka na pala. Kumusta ang unang araw mo sa hospital?" tanong ni Nanay Cristy na as usual hindi nawala ang pagkakangiti niya sa akin. "Nay, hindi po ata hospital ang napuntahan ko," pagmamaktol ko saka ako marahas na bumuntong hininga.Grabe talaga, first day ko pa lang pero pakiramdam ko nilayasan na ako ng kaluluwa ko dahil sa pagod. Tapos may isang pasyente kanina sa ER na ayaw magpahawak sa kahit na sino at panay pa ang pagmumura nito... takot ko na lang talaga kanina. Buti na lang din talaga hindi ko na nakita si Damonyo kanina, kaya medyo payapa ang buhay ko. Pero hanggang ngayon hindi pa nasasagot ang tanong namin ni VJ kung
MIKAYKanina pa ako palinga-linga sa paligid nagbabakasakali ako na makita ko sina Juday at Tina. Wala kasi si VJ ngayon kaya naman wala akong kasamang kumain, si Nurse Yen naman ay mukhang mamaya pa kakain dahil busy pa rin ito. "Gutom na ako," pagmamaktol ko.Nagbabakasakali rin ako na makita si Adam kaya lang mukhang missing in action siya, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ito sumasagot."Bahala na nga. Kakain na lang ako mag-isa," sagot ko.Kesa naman magutom ako lalo, edi kakain na lang ako mag-isa.Nang marating ko ang cafeteria, hindi naman karamihan ang mga tao kaya naman nakakuha agad ako ng pagkain. Ang maganda rito sa cafeteria ay walang bayad ang pagkain, kahit ata ilang beses kang kakain dito ay okay lang. May mga pasyente ring kumakain dito. Hindi ko talaga akalain na isa ako sa may-ari ng hospital na ito, sobrang napakaimposible naman kasi iyon.Inilapag ko ang aking pagkain sa mesa saka ako muling nagtungo sa counter para makahingi ng tubig, pagbalik ko sa puw
DAMON"Damon apo, kumusta si Mikay?" tanong ni lolo nang makapasok ito sa aking opisina.Lahat na sila ay laging ang babaeng iyon ang bukambibig. Even my parents are always asking me about her. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang mga nangyayari sa babaeng iyon."She's doing fine, Lolo. You don't need to continuously check her," I said as I shifted my eyes to the result of my patient. "Wala ka bang napapansin sa kanya nitong nakaraang araw?"Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni lolo. "Like does she in pain these past few days? Or is she acting weird?"She's always weird though. "Just get into the point lolo. Is there something wrong?" I asked in annoyed tone.He heaved a deep sigh. He looks bothered into something. "I'm just a little bit worried. There's a CCTV footage that was being sent to my office."My brows furrowed because of what he said. Worried?"What CCTV footage?" I asked, puzzled.Don't tell me it's about that stupid woman again? Damn it! Wala n