Share

Kabanata 47

MIKAY

"Oh Mikay, bakit ka nakabusangot diyan? At bakit nandito ka pa sa hospital eh pinayagan kang hindi muna pumasok ngayon ah," salubong sa akin ni Nurse Yen nang makita niya ako.

"Ano 'yang hawak... oy! Research ni Doc Damon?" Agad na kinuha ni VJ sa akin ang hawak ko saka niya ito ini-scan na tila ba sobrang halaga ng hawak niya ngayon.

"Paano mo ito nakuha? Binigay niya sa'yo? Uy! Ang suwerte mo ah," ani Nurse Yen na nakisilip na rin sa pag i-scan ni VJ.

"Hindi naman para sa akin 'yan, napag-utusan lang ako na iabot kay Prof Cruz." Lumapit ako sa kanila at nakisilip na rin. "Gaano ba 'yan kahalaga? Eh sakit sa ulo lang ang bigay ng research."

Hay naku! Hindi ko talaga pinangarap na pahirapan ang utak ko sa mga bagay-bagay. Sapat na sa akin yung grumaduate at makahanap ng trabaho. Yang research na iyan o kahit na ano pang papers? Sus! No thanks!

"Grabe! No wonder laging top notch ang papers ni Doc! Isa talaga siyang henyo," ani VJ na kulang na lang lumuhod siya at sambahin si Damo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status