Share

Kabanata 52

MIKAY

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan, pasimpleng minumura ang buong pagkatao ni Damonyo dahil sa naging trato niya kay Suzy kanina. Ano? Itapon na lang yung inorder niya?

"Edi ikaw na ang mayaman," aburidong saad ko sa mahinang tinig saka ko kinuha ang cellphone ko sa aking bag at nag-umpisang mag type ng long message kay Suzy dahil alam kong masama ang loob nito.

"What did you say?" Sobrang lalim at lamig ng boses niya.

"Sabi ko mayaman ka kaya madali lang sa'yo ang mag tapon ng pera," pagtataray ko saka ako umirap. Wala naman na akong narinig pa mula sa kaniya.

Malamang masama talaga ang loob ni Susy ngayon, nag effort yung tao na ipaghanda yung order niya tapos sasabihin niya itapon na lang? Gago ba siya? Ah! Dati na pala siyang gago! Alam ko namang bayad na niya iyon eh, pero hindi naman masusukat sa pera yung effort ng tao. Kaimbyerna!

Nanatili namang tahimik si Damonyo na as usual wala na naman sa mood. Wala naman akong ginagawang masama pero kung mag inarte siya ngayon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status