Share

Chapter 22 (Flashbacks)

Ilang araw na ba akong wala sa sarili?

Isa?

Dalawa?

O isang linggo na?

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Palaging umaalis si Mama tuwing gabi at umaga na kinabukasan dumadating. Hindi na niya 'ko sinasaktan at malaking bagay 'yon pero hindi ko maiwasang manibago.

"Xhiaaaaa!" Aira, my friend, called me. Nakita ko siyang tumatakbo mula sa hallway kaya mabilis akong tumigil. Napatingin sa 'min ang ibang estudyante kaya hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa hiya.

"'Wag ka ngang sumigaw!" saway ko sa kanya sabay hampas ng mahina.

Sumimangot si Aira at inamba sa 'kin ang makakapal na librong hawak niya. Umilag naman ako at tumawa.

"Ang sama mo porke't nililigawan ka no'ng nasa kabilang department!"

I rolled my eyes before proceeding to walk. "Saan mo naman napulot ang chismis na 'yan?"

Hindi ko alam kung sadyang chismosa lang talaga ang babaeng 'to o sadyang kalat na sa buong campus. Pa'no ba naman kasi, laging nakabuntot sa 'kin noong nakaraang linggo si David kaya hindi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status