Share

Kabanata 1962

Nanigas ang katawan ni Freyja at agad siyang tumalikod, humarap kay Colton at sinabi, “Hindi maganda ang pakiramdam ko.”

Kalmadong sumagot si Colton, “Alam ko.”

“Bakit parang…”

“Hindi na ba kita pwedeng yakapin sa ganitong mga oras?”

Hinaplos ni Colton ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri at nilagay niya ang palad niya doon. “Kung sobrang masakit, dapat inumin mo na ang gamot mo. Hindi pwedeng umakto ka na matapang pag may sakit ka.”

‘Iniisip talaga ng babaeng ito na halimaw ako. Kung hindi ko alam na may sakit siya, siguro…’

Hindi inaasahan ni Freyja na may pakialam si Colton sa kaniya, gumalaw ang kaniyang pilikmata. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, tinanong niya, “Pwede ba kita tanungin?”

Sumagot si Colton ng mahinang hum, “Ano naman?”

Yumuko si Freyja. “Gusto mo ba ng anak?”

Nagulat siya. Nakatitig lang si Colton sa mukha niya pero sobrang dilim ng ilaw sa kwarto kaya hindi niya malinaw na makita ang ekspresyon n Colton. “Pero ayaw mo, ‘di ba?”

‘Kung gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status