"Lagi ka namang maingat pero lahat ng tao ay nagkakamali, natural lang na hindi mo napansin na nag-iba ang bilang ng mga tao. May pakialam ka pa ba kung napalitan ng ibang baril ang baril mo?"Nasira na ang plano niya ng dumating ang mga pulis. Hinding-hindi niya malalaman na nakakuha na ng oportunidad si Jake na palitan ang sarili niyang baril dahil hindi naman niya pinapansin ang sarili niya buong pangyayari.Tumawa si Donald. “Nollace Knowles, napakasama mo nga talaga. Alam mo talaga na pareho ang sasakyan niya sa amin pero binangga mo pa rin kami para pahintuin. Hindi ka ba natatakot na baka mamatay din siya?”Walang ekspresyon si Nollace. “Hindi ko naman intensyon na patayin ka pero kung hindi ako gumawa ng paraan para pahintuin ang kotse mo, hindi pa rin naman siya makakaligtas ng buhay pag mapansin ng mga tauhan mo na may kakaiba sa ginagawa niya.”Magiging ligtas lang si Jake pag nagkaroon ng gulo at panganib.Kung hindi gumawa ng paraan si Jake at nag maneho papunta sa pu
Kahit na nakatago si Jake sa mga tauhan ni Donald bilang isang saksi, kahit na siya ang nag papunta kay Donald sa dock, sinong makaka-isip na si Donald bilang isang maingat na tao ay hahayaang mabuhay si Nollace?Kaya kahit konting pagbabago lang sa plano ay makukuha na ang atensyon ni Donald sa sitwasyon na iyon. Sobrang galit si Donald kay Nollace kaya paano niya nakayang pigilan ang sarili niyang patayin si Nollace kahit nakatayo ito sa harap niya?Nag hot bath si Nollace, nagsuot siya ng malinis na damit at lumabas na ng banyo. Pinatayo niya ang buhok niya gamit ang towel at tumalikod tapos nakita na nilalagay ni Daisie ang tasa ng ginger and lemon tea sa mesa.Nilagay ni Nollace ang towel sa mesa, lumapit siya kay Daisie, tinawag niya ito at niyakap mula sa likod.Tumalikod si Daisie para tingnan siya. “Anong problema?”Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa balikat ni Daisie at leeg, inamoy niya ang scent ng shampoo sa buhok ni Daisie, ngumiti siya. “Masaya lang ako.”Tinulak
Umupo si Cameron sa front passenger seat.Habang nagmamaneho, sumandal si Cameron sa bintana at pinatong ang noo niya sa kaniyang kamay. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Nakahawak si Waylon sa manibela at huminto sa gilid ng kalsada. “Tapos na lahat ngayon.”Huminto si Cameron nang ilang sandali at tumingin siya kay Waylon. “Ibig sabihin, nahuli na si Donald?”Mahinang hum ang sagot ni Waylon at pinunta ang kotse sa parking space.Yumuko si Cameron.‘Ibig sabihin ng pagkahuli kay Donald ay tapos na ang lahat ngayon, at oras na para bumalik na sila sa Zlokova.’Nakabukas ang pinto ng front passenger seat at nakatayo na si Waylon sa labas ng kotse. “Oras na para lumabas ka na ng kotse.”Tinanggal ni Cameron ang seatbelt niya at lumabas ng kotse hawak ang Coke. Pero agad na kinuha yun ni Waylon kay Cameron bago pa siya makainom ulit. “Dapat kumain ka muna.”“Wala ka ng pakialam.”Inabot iyon ni Cameron pero agar na hinagis ni Waylon para itapon sa basurahan sa gilid ng kal
Hindi na nagsalita si Cameron.Kinulot ni Waylon ang buhok ni Cameron gamit ang daliri niya, nilaro iyon at kaswal na sinabi, “Lalo na't, baka hindi na rin natin makita ang isa't isa sa susunod.”“Lahat naman ay matatapos.” Tumingin si Cameron kay Waylon. “Ganun ng buhay.”Tinaas ni Waylon ang tingin niya at tinitigan si Cameron.Parang nakalaan na kay Cameron ang tingin niya, at nakakatakot iyon. Namumula ang pisngi niya dahil nakatitig sa kaniya si Waylon kaya umiwas siya ng tingin. “Wala ng kwenta kung titingnan mo ako ng ganyan…”Agad na dagdag ni Cameron, “Hindi naman kita babayaran para sa pagkain na ito.”May sayang bakas sa mata ni Waylon. “Hindi mo kailangan magbayad.”Kinuha ni Cameron ang water glass sa mesa. “Hindi ko rin naman plano magbayad.”Ngumiti lang si Waylon pero wala siyang sinabi.Matapos kumain, dinala na siya ulit ni Waulon sa ospital at nag park siya malapit sa convenience store. Matapos ang ilang minuto, bumalik siya sa kotse at inabot kay Cameron an
Hindi nakagalaw si Cameron. Sobrang nahihiya siya nang tiningnan niya ang teacup na hawak niya.‘Ginamit ko ba ang cup ng iba tapos uminom ng tsaa?’ Buti na lang, walang nakatingin sa kaniya kaya pinigilan niya ang bakas ng kaniyang ekspresyon, nilagay niya an teacup sa mesa, binalik malapit kay Waylon, at mahinang sinabi, “Anyway, hindi naman ako ang nawalan.”Pinunasan ni Waylon ang ibabaw ng teacup, yumuko siya at ngumisi. “Laging yan ang sinasabi ng mga taong ginagamit ang iba.”Kaswal na sumagot si Cameron, “Oo, tama ka tungkol dyan.”Dahan-dahang naglagay ng tsaa si Waylon sa cup niya, kinuha niya iyon at nilagay sa kaniyang labi. Nagulat ng ilang sandali si Cameron at hindi niya kayang kumalma sa nangyayari.Dahan-dahan niyang ininom ang tea, nasa ibabaw na ng tasa ang mga labi niya na may lipstick mark pa ni Cameron. Nakakaakit para kay Cameron kung paano uminom ng tea si Waylon at paano niya pinunasan ang sulok ng kaniyang labi.Parang sinasadya ni Waylon iyon pero par
Kinuha ni Maisie ang prutas at lumapit. “Anong tinitingnan mo?” Tumingin si Nolan at binaba ang phone niya. “Natapos ang nangyayari sa East Island.”Nilapag ni Maisie ang plato sa mesa at ngumiti. “Sa tingin ko ligtas na ang mga bata ngayon.” Kinuha ni Maisie ang slice ng orange at inabot kay Nolan.Sinara ni Nolan ang magazine, kinain niya ang orange at niyakap si Maisie. “Mas sweet ang orange pag ikaw nagbigay sa akin.”Kinuha ni Maisie ang cherry. “Kung katulad mo ang mga anak natin pag dating sa paglalambing, hindi ako masyadong mag-aalala.”Ngumiti si Nolan. “May pinagdadaanan sila, normal lang yun. Lumaki sila Colton at Daisie kasama tayo ay hindi sila mag-isa tulad ni Waylon na mas mature. Hindi magaling si Colton na ipakita ng nararamdaman niya, masyado siyang straightforward. Alam mo yan.”Hinaplos ni Maisie ang ulo niya. “Kaya ako nag-aalala.”Hindi si Maisie masyadong nangingialam sa relasyon ng mga anak nila dahl sila dapat ang magdesisyon para sa sarili nila at wal
“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi