Share

The Triplets Addiction
The Triplets Addiction
Author: Ajai_Kim

Prologue

Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako pero ramdam ko na tatlong araw na akong sinusulyapan at sinusubaybayan dito sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko ng tatlong gwapong mga triplets na iyon.

Kanina pa rin sila sinisipat at tinitignan ng mga tao sa loob ng Supermarket sa tuwing napapadaan ang mga ito sa harapan nila.

Sino ba namang hindi makakapansin sa triplets na ito? Bukod sa magkakamukha ay mga gwapong mestisuhin rin ang mga itsura. Kapansin-pansin rin ang tangkad nila na sa tantiya ko ay mga nasa 6 feet above ang taas; maganda rin ang built ng pangangatawan ng mga ito at may nakakaakit na mga mata.

Magkakamukha man ang tatlong triplets ngunit alam kong iba-iba rin ang personalidad ng mga ito.

Iyong dalawang triplets ay masayang nag-uusap sa tabi habang ang isa naman sa triplets na may blue-grayish na mga mata ay ni hindi ko mabakasan ng ekspresyon sa mukha at may malamig itong tingin sa akin.

Nakatingin siya sa akin!

Kaagad kong iniwas ang tingin sa gwapong nilalang na ito sa kabang bigla kong naramdaman at nagpatuloy na lang sa paglalagay sa scanner ng counter ko ng mga produktong binili ng customer.

Mga bandang alas nuebe na ng gabi nang matapos ang trabaho ko. Excited na rin ako umuwi para makita na ang cute at magandang baby ko. Bumili na rin ako ng pasalubong kong Jollibee kiddie meal para sa kanya.

Hindi ko na nakita ang triplets kaninang 4pm kaya panatag ang loob kong lumabas sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko.

Kahit naman kasi mga papable at gwapo ang mga iyon ay ang creepy pa rin na tatlong araw ko na silang nakikita dito sa Supermarket na tila nakabantay o nakamasid sa akin. Ayoko mang maging assumera pero iyon ang nafe-feel ko!

Pagkalabas ko sa Supermarket ay muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita sa harapan ko ang tatlong gwapong triplets.

Nakangiti iyong dalawa sa akin samantalang iyong isa naman na kanina'y tinititigan ako ay hindi na ako tinitignan at nakahalukipkip lang ito na parang nabuburyo siya sa nangyayari ngayon.

"Hi, ganda!" bati sa akin nung isa sa mga triplets na may clean cut na buhok.

Ay ang taray! Ganda raw ako? Enebe!

"H-hi rin," bati ko na lang at alanganing ngumiti. Medyo masaya na tinawag niya akong ganda hehehe.

"I'm Ahnwar and this is my brother, Ahzik. You got our attention kaya ngayon ay manliligaw na kami sa'yo." nakangiti nitong sabi sa kaswal na tono at ipinakilala nito sa akin ang isang kapatid niyang kinawayan at nginitian rin ako.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ng lalakeng ito hanggang sa mapadako bigla ang tingin ko sa kapatid ng dalawang lalakeng na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha.

Nang tumingin na ito sa akin ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"They want to court you but you're not my type. I'm Ahmed, by the way." pakilala nang lalake hanggang sa tumalikod na ito sa amin at naglakad na papunta sa nakaparadang kotse nila sa labas ng supermarket.

Para yata akong lalagnatin sa mga kaganapan ngayon sa boring kong buhay. Hays!

Nabalik lang ang atensyon ko sa dalawang lalakeng kaharap ko nang bigla nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Magha-hyperventile na yata ako sa sobrang init at pagkapula ng buong mukha ko idagdag pang nakahalik sa magkabilang palad ko ang dalawang gwapong mga lalake na ito!

"From now on, we're now courting you and you're our official addiction, baby..."

Ha? Ano daw?

Nababaliw na ba sila?

---

GENRE: Romance/Obsession/Reverseharem/ Polyamory

WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

(UNEDITED VERSION. THE EDITED AND REVISED VERSION IS IN THE BOOK.)

Please like my F******k page:

"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © by Ajai_Kim

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Franklyn Menguito
its ukie its a nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status