Biglang nataranta si Sarah sa tanong ni Maximus kaya humarang na siya sa harap ng mga bata.“Pasensya na po kayo Sir pero sa tingin ko ay nakakaabala na kami at mukhang kanina ka pa rin hinihintay ng mga kausap mo.”“Ninang,” saad ni Maxwell dahil alam nila kung anong sinusubukan ng Tita ninang nila. Hinawakan ni Sarah nang mahigpit ang kamay ni Maxwell para hindi na ito magsalita pa. Tumayo naman na si Maximus saka niya nilingon ang mga kameeting niya at nakatingin ang mga ito sa kaniya.“Excuse me,” aniya at bumalik na sa mga kameeting niya. Naguguluhan namang tiningnan ng tatlo ang Tita ninang nila.“Tita ninang—”“Alam ko ang gusto niyo pero gusto niyo bang ilagay sa kapahamakan ang mommy niyo? Oo, hindi masamang malaman niyo ang daddy niyo pero kailangan niyo pa bang hilain dito ang mommy niyo? Alam niyo ba kung bakit hanggang ngayon ako pa lang ang nakakaalam na may mga anak na siya? Sikat ang mommy niyo at kahit anong article ang basahin niyo hindi niyo makikita ang mga pangala
Abala sa pagssketch si Celeste nang may kumatok sa pintuaan niya.“Come in,” aniya nang hindi pa ito pumapasok. Tinakpan na muna niya ng bond paper ang sketch pad niya dahil walang nakakaalam sa jewelry business na gusto niyang itayo maliban kay Maximus.“Hi,” nakangiting bati sa kaniya ng isang lalakai nang makapasok na ito. Gulat namang tiningnan siya ni Celeste.“Miguel? Hey, what are you doing here?” tumayo na siya at sinalubong si Miguel. Nakangiti namang niyakap ni Miguel si Celeste.“I miss you,” ani nito na ikinangiti naman ni Celeste.“I miss you too,” sagot ni Celeste saka siya kumalas sa pagkakayakap kay Miguel. Naupo na silang dalawa sa sofa. Nagtataka naman si Celeste kung anong ginagawa ni Miguel dito lalo na at sa France ito nagtatrabaho.“Pinapunta mo ako rito, nakalimutan mo na?” napaisip si Celeste kung kailan niya minessage si Miguel para pumunta sa office niya lalo na at alam niya naman na nasa France si Miguel. Napailing siya dahil wala siyang maalala na pinapunta
Hello po, so, may nabasa kasi akong comment sa mismong page ng book ko. Binasa ko rin yung ilang kabanata ng The Three little guardian angel at hindi ko naman po siya masisisi dahil may same storyline nga kami. I'm not mad po, syempre minsan kasi nakakagulat kapag may nagsabi na same storyline pero sana huwag niyo pong isipin na nanggaya ako sa gawa ng iba. Kahit papaano po kasi may pagkakaiba sila dun pa lang sa part na naging kambal si Hannah at Celeste. Sa mga gusto pong maintindihan yung sinasabi ko, search niyo po yung The Three little guardian angel na story dito sa GN. Napapaisip tuloy ako kung ako yung kailangang mag-adjust for my story para hindi siya macompare sa iba. Pasensya na po kung kailangan kong mag-explain lalo na sa mga nagbabasa ng The Three little guardian angel. Mahina po kasi loob ko HAHAHA. Alam ko pong hindi galit si ate na nagcomment kasi nagustuhan niya story ko (thank you). Mahina po yung loob ko sa mga comments lalo na kapag may nagsabi na ginaya ko lan
Napapaisip si Maximus kung paano nalaman ni Hannah ang tungkol sa business partnership nila ni Celeste.“Sino naman nagsabi sayo niyan?” tanong niya, ang alam ni Maximus ay hindi sasabihin ni Celeste ang tungkol sa partnership nila kay Hannah o kahit kanino dahil si Celeste ang may gusto na ilihim nilang dalawa ang business na gusto niyang itayo.“Just answer my question Maximus. Is that true? Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may inoffer pala sayo ang kapatid ko? Hindi ko ba karapatan na malaman ang tungkol dun lalo na at boyfriend kita at dala-dala rin ni Celeste ang pangalan ng kompanya namin?” tinitigan ni Maximus ang mga mata ni Hannah. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa tuwing sinasabi ni Hannah na siya ang boyfriend niya.Kailan ba naging sila? Hindi naman itatanggi ni Maximus na ilang taon niyang nakasama si Hannah pero kailan niya ba ito naging girlfriend? Kailan niya niligawan si Hannah?“Hindi lahat ng desisyon ko ay kailangan mong alamin. Hindi ka naman ganyan dat
Nang makabalik si Maximus sa office niya ay hindi mawala sa isip niya si Celeste na kasama si Sarah. Nagsisimula na siyang magduda sa tunay na pagkatao ni Celeste. Nang makita ni Maximus si Hannah noong puntahan niya ito sa bahay nila ay naramdaman niya ng may mali.Magkaibang magkaiba sila ng babaeng nakasama niya ng isang gabi pero hindi niya na yun pinansin dahil hindi niya naman alam na may kakambal pala si Hannah.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Maximus habang salubong ang mga kilay niya. Ipinilig na lang niya ang ulo niya.Ano ba itong iniisip niya? Kamukha niya lang ang mga bata tapos inisip niya na kaagad na posibleng may anak siya gayong pitong taon niya ng nakakasama ang babaeng huli niyang nakasex?Ilang araw na ring gumugulo sa isipan niya ang tatlong magkakapatid at pilit niya iyung inaalis sa isipan niya dahil imposible talaga ang iniisip niya.Napatingin siya sa pintuan niya nang may pumasok sa office niya. Nakangiti naman sa kaniya si Hannah habang
Pagbalik ni Celeste sa kompanya ay tinawag siya kaagad sa conference room. She is just a designer pero bakit kailangan present pa siya sa meeting ng mga nasa matataas na posisyon lang? Pumunta na lang din siya dahil iniisip niyang baka isisingit sa meeting ang tungkol sa production. Wala siyang balita kung ilan na ba ang nagagawa nila dahil hindi niya naman kontrolado ang production team.Pagpasok niya ng conference room ay nagsisimula na ang meeting kaya humingi na lang siya ng paumanhin. Naupo sa dulong upuan at ng mapansin niya si Elloise ay nagsalubong ang mga kilay niya.Alam niyang hindi nagtatrabaho sa kompanya si Elloise pero anong ginagawa nito ngayon sa kompanya? Nakasuot din siya ng pormal at nakangiti pa ito. Nang magtama ang mga mata nila ay tinaasan ni Elloise ng kilay si Celeste saka niya ito nginisian.Nagpatuloy ang meeting at nilalaro na lang ni Celeste sa mga daliri niya ang ballpen dahil nagmistula siyang display sa loob ng conference room dahil hindi naman nila pi
Matalim na tiningnan ni Hannah si Celeste dahil pakiramdam niya ay may alam na si Celeste sa totoong nangyari pitong taon na ang nakakalipas. Matapang na sinalubong ni Hannah ang mga mata ng kapatid niya. Hindi niya hahayaang malalaman ni Celeste kung ano talagang nangyari sa kaniya at kung paano naging kaniya si Maximus.“Gusto ko lang linisin ang pangalan ni Daddy. Gusto mo ba talagang mawala rin sa kaniya ang kompanya? Kasama rin siya ng Mommy mo nang itayo nila ang kompanyang ‘to. Gusto ko lang na maging malinis ang pangalan niya sa mga BOD at mga business partner natin kaya ko naisipan na magparetoke at ipalabas na kambal tayong dalawa.”“At sa tingin mo hindi mo masisira ang pangalan niya at ang kompanya kapag nalaman ng lahat ang totoo?”“Wala silang malalamn kung wala kang sasabihin.” Matapang namang saad ni Hannah kaya hilaw na lang na natatawa sa kaniya si Celeste.“One wrong move, Hannah. Ako na mismo ang magsisiwalat sa kanilang lahat ng sekreto mo.” pagbabanta ni Celeste.
Inis na bumalik si Elloise at Hannah sa office. Hinila pa ni Elloise ang braso ng anak niya para patigilin ito sa paglalakad at harapin siya. “Hindi ka man lang gumawa ng paraan para hindi magkaroon ng control si Celeste sa production. Alam mo kung anong pwedeng mangyari kapag siya ang naging dahilan ng pag-angat ng kompanya!” galit niyang wika sa anak niya. Napairap naman si Hannah. “Gusto niyo ba talagang salungatin ko si Maximus?” “Kung yun naman ang dapat mong gawin. Ikaw ang CEO ng kompanyang ito kaya ikaw pa rin ang may karapatan na magdesisyon. Boyfriend mo lang si Maximus at wala naman siyang posisyon dito sa kompanya hindi rin naman siya BOD.” Bakas pa rin ang inis ni Elloise. “Really Mom? Kapag ginawa ko yun sa akin naman magagalit si Maximus. Kilala nating lahat si Maximus ayaw niya ng sinasalungat ang mga desisyon niya. And yes, wala siyang posisyon sa kompanya pero Mom marami na siyang naitulong sa kompanya. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ako magiging CEO, hindi ako