Natuklasan ni Maximus na nakatakas siya sa assasination attempt dahil sa pagkakamaling nagawa ng hotel. Maling susi ang naibigay sa kaniya kaya siya napunta sa kwarto ni Celeste. Ang akala ni Celeste kasama niya ang lalaking handang magbayad sa kaniya ng malaking pera para sa isang gabi pero isang pagkakamali dahil ang lalaking pumasok sa kwarto niya ay ang pinakamakapangyarihan na businessman sa bansa. Gusto niyang magsimula para mabawi niya ang kompanya ng kaniyang ina sa kamay ng half-sister niya kaya nagawa niyang ialok ang sarili niya sa hindi niya kilala pero itinakwil siya ng kaniyang ama nang mapanuod nito ang malaswang video ni Celeste.Ipinahanap ni Maximus ang babaeng nakasama niya, ang babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya noong gabing muntik siyang mamatay. Nang malaman ni Hannah na ibang lalaki pala ang nakasama ng kapatid niya mabilis siyang gumawa ng paraan. Nagpanggap si Hannah na siya ang nakasama ni Maximus sa hotel ng sa ganun ay magkaroon sila ng romance relationship with the most powerful man. Paano kung pagbalik ni Celeste ng bansa, malaman niyang boyfriend na ng kapatid niya ang ama ng tatlo niyang anak? Will she tell to Maximus the truth about the kids or will she hide it until she can?
View MoreAligaga si Maximus nang magising na si Celeste. Maingat niyang pinaupo ito at isinandal sa headboard ng kama. Inabutan niya rin kaagad ng tubig ang asawa niya.“Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?” tanong niya, bakas ang excitement sa tinig niya kaya nagtatakang nakatingin sa kaniya si Celeste. “Love, anong gusto mo? Ibibili kita.” Hindi niya makapaghintay na saad. Wala siya noong ipinagbubuntis ni Celeste ang triplets nila kaya ngayon na nandito siya sa tabi ng asawa niya sa pagbubuntis niya, pagbubutihin niya ang pag-aalaga sa mag-ina niya.“Kapag ba sinabi kong gusto ko ng lechon na galing sa Cebu, ibibigay mo ba?” kunot noo niyang saad.“Yun ba ang gusto mo? Pwede akong magflight ngayon sa Cebu to buy your lechon.” Mabilis niya namang sagot na bahagyang ikinatawa ni Celeste.“Ano bang nakain mo? Bakit ka ganiyan? Para kang naaaligaga.” Tila naiinis nang saad ni Celeste. Ngumiti naman s
Hindi nakatakas sa mata ng batas si Cedie at malugod niya naman iyung tinanggap dahil sa pagkakamali niya. Masyado siyang kinain ng galit dahil sa maling pag-aakala. Matagal ng patay ang kanilang ina pero hindi man lang nakarating sa kaniya ang mga dokumento ng financial group dahil namatay na ang personal lawyer ng pamilya niya.Nang matapos ang hearing at sinentensyahan ng pagkakakulong ng maraming taon si Cedie ay hinanap niya ang kapatid niyang si Dawson. Gusto niya sana itong makausap pero hindi niya na nakita si Dawson. Tipid na lang siyang ngumiti, naiintindihan niya naman kung galit pa rin sa kaniya ang kapatid niya.Sino nga bang magulang ang hindi magagalit kung pinagtangkaan mo ng maraming beses na patayin ang nag-iisa niyang anak?“Dad,” tawag ni Ricky sa kanilang ama nang makalabas ito ng court room at nakaposas ang dalawa niyang kamay.“How’s your wound now? Are you okay?” nag-aalala pa ring tanong ni Cedie sa bunso niyang anak.“Okay na ako,” tipid na sagot ni Ricky, n
Dadalhin na sana ng mga pulis si Ced sa police station nang pigilan sila ni Maximus. Alam niyang magulo pa ang isip ni Ced ngayon at nag-aalala pa rin sa kapatid niya. Walang ibang magbabantay kay Ricky kapag hinuli si Ced.“Alam ko naman na close kayo ni Ced anak pero hahayaan mo na lang ba ang ginawa niya sayo? He almost killed you.” ani ni Helena sa kaniyang anak. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Maximus.“Hindi ginusto ni Kuya Ced ang nangyari mom, he is just protecting his father. Maybe he is trying to convince Tito Cedie na huwag niya ng ituloy ang mga plano niya laban sa akin. Kakausapin ko na lang siya kapag medyo lumamig na ang nangyari.” Napapabuntong hininga at napapailing na lang sa kaniya ang kaniyang ina.Nang dahil lang sa kayamanan, sa sama ng loob o nararamdamang tampo sa isang myembro ng pamilya ay nasisira sila. Akala nila ay okay lang silang lahat pero hindi nila akalain na nagtanim pala ng sama ng loob si Cedie.Pinalipas nila ang tatlong
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Cedie ang anak niya. Kaya siyang patayin ng sarili niyang anak for Maximus? Mapait siyang ngumiti at bahagyang tumango.“Then kill me, Ced.” Paghahamon niya sa anak niya saka niyaa hinugot ang baril na nasa tagiliran niya at itinutok kay Max.“Daddy!” umiiyak nang sigaw ni Luna, natatakot na rin siya lalo na at may baril na nakatutok sa Daddy nila.“Dad,” mahina ring usal ni Maxwell. Wala silang magawa kundi ang manuod lang.“Close your eyes, guys.” Saad ni Maximus sa mga anak niya habang diretsong nakatingin kay Cedie. Kita ni Maximus sa gilid ng mga mata niyang nakatingin pa rin sa kaniya ang mga anak niya. “Zachary,” seryosong tawag niya sa pangalan ng anak niya.Wala namang nagawa si Zachary kundi ang utusan ang mga kapatid niya na sumunod na lang sa Daddy nila.“Dad, please.” Nagmamakaawa nang wika ni Ced. Naguguluhan naman si Maximus sa nangyayari. Sino ba talaga sa kanila ang gusto siyang patayin? Why Ced is begging to his father na huwag siyan
“What do you mean?” gulat na wika ni Ricky nang hindi niya maabutan ang Kuya niya sa hospital.“He left earlier Sir and never came back.” Sagot ng nurse kay Ricky. Ang akala niya ay bumalik sa hospital ang kuya niya dahil hindi pa magaling ang lagay niya.“Sir, umalis po ng bansa si Sir Ced. Mukhang pabalik siya ng Pilipinas.” Pagbabalita ng secretary ni Ced kay Ricky nang makapasok ito sa kwarto ni Ced.“Damn it!” inis na saad ni Ricky saka siya lumabas ng kwarto at nagmamadaling makabalik sa kotse niya para pumunta sa condo ng Kuya niya. Halos makipag-unahan na siya sa mga sasakyang kasabayan niya makapunta lang kaagad sa condo ni Ced. Sunod-sunod pa niyang binusinahan ang sasakyang sumiksik sa unahan niya.“Oh come on, not now please!” inis niyang wika dahil nakikipaghabulan pala sa mga pulis ang kotseng humarang sa harapan niya. Inis niyang kinabig sa pakanan ang manubela niya para sa ibang d
“P@tang ina!” hindi na rin maiwasang sigaw ni Giovanni dahil sunod-sunod na ang problemang dumarating sa kanila. Inis siyang napahilamos sa mukha niya. “Is he really serious about this? Tang ina Max, pinsang buo mo si Ced at siya ang pinagkakatiwalaan mong tao tapos ganito lang ang gagawin niya sayo? Ito ang igaganti niya sayo ng dahil lang sa pera, kayamanan at kapangyarihan? Yun na ba yon? Sa kagustuhan niyang matalo ka, idadamay niya ang mga bata? P@tang ina talaga siya.” gigil niyang saad.Hanggang ngayon wala pa rin silang balita kung nasaan na ba si Hunter tapos dumagdag pa sa problema nila si Ced. Inis na ginulo ni Giovanni ang buhok niya.“May balita na ba kayo kung nasaan ang mga bata?” hinihingal na wika ni Helena, halos paliparin na nila ang sasakyan nila kanina makarating lang sa office ni Maximus para alamin ang kalagayan ng mga bata.“Wala pa rin mom,” sagot ni Maximus sa kaniyang ina. Nanlambot ang m
Umagang-umaga ay abalang abala si Celeste sa mga paperworks niya dahil marami siyang naiwan na trabaho nang asikasuhin nila ni Maximus ang birthday party ng mga anak nila.“Ito na po ma’am yung pinapakuha niyong mga papeles.” Wika ng secretary ni Celeste saka niya ibinaba ang mga papeles sa table ni Celeste. Akma na sana itong aalis nang magsalita si Celeste.“May balita ka na ba kung nasaan si Hannah?” tanong niya.“Ang alam ko po ay nakastay siya ngayon sa Novotel.” Sagot naman nito, napatango na lang si Celeste saka naman umalis ang secretary niya. Hindi napatunayan na accomplice ni Elloise ang anak niya sa lahat ng krimen na ginawa niya.Inosente si Hannah sa lahat at kung may mga nagawa man siyang kasalanan iyun ay ang pag-angkin sa kompanya, pagpapanggap niya bilang siya, ang panggagaya niya ng mukha at ang pagpapalabas na kambal silang dalawa.Gusto rin sanang ipakulong ni Celeste si Hannah pero ng mabalitaan niya ang naging sagutan nilang mag-ina sa loob ng kulungan hinayaan n
Sumapit na ang araw ng birthday party ng triplets. Maging sila ay excited na sa sarili nilang party dahil ngayon lang naman nila ito naranasan. Nakalong gown si Luna habang may maliit na korona sa ulo niya, nakacoat naman si Maxwell at Zachary na saktong sakto sa kanilang dalawa. Nagmukha silang mga business tycoon na nasa anyong bata. “I’m so pretty,” namamanghang wika ni Luna sa sarili niya habang nakatingin siya sa salamin kung saan kitang kita niya ang sarili niya. Napangiti naman sa kaniya ang Lola Elydia niya. “Indeed honey, are you excited?” natutuwa niya ring saad. Ngumiti naman si Luna. “Opo, ngayon lang po namin ‘to naranasan and this is our birthday po na kasama namin si Daddy. Wish granted na po kami nila kuya.” Sagot niya, ilang taon din nilang pinangarap na magkaroon ng Daddy sa tabi nila at ngayon natupad na yun. “Tatawagin na po mamaya ang mga bata,” saad ng isang organizer na pumasok sa loob ng kwarto ni Luna. Tumango lang naman si Elydia saka niya sinabihan si Lun
“Maupo na kayo para makakain na tayo,” singit na ng ama ni Maximus. Kanina pa sila nag-uusap-usap at kanina pa rin nakahain ang mga pagkain nila. Naupo naman silang lahat. Nasa unahan ang ama ni Maximus habang nasa kanan niya ang asawa niya at sa kabilang dulo naman ay si Romula at sa kanan niya ay ang asawa niyang si Elydia.Magkatabi si Celeste at Maximus habang nasa tapat naman nila ang mga anak nila na katabi ni Logan.“Pasensya na kung masyadong naging biglaan ang pag-iimbita namin sa inyo. Kararating lang din kasi namin kasama ng mga bata kanina. Anyway, nice to meet you Celeste’s grandparents and you Mr. Logan. Hindi natin nakilala ang isa’t sa ng ikasal ang mga bata, hindi rin namin kayo napansin dun.” Saad ni Joyce, ang ina ni Maximus.Nahihiya namang ngumiti si Logan dahil hindi niya alam kung paano ba niya sasabihin na hindi siya nakapunta sa araw ng kasal ng anak niya.“Anyway, let’s forget about
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.