Hilaw na tumawa si Celeste, para bang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Hindi niya matanggap na ang shares na dapat ay para sa kaniya ibinigay pala ng kaniyang ama sa half-sister niya.“Dad, tell me that you’re lying. Tell me!” sigaw niya na sa kaniyang ama na blangko lang ang mukha habang nakangiti naman si Hannah at Elloise, ang mag-inang peste sa buhay ni Celeste.“Huwag mo ngang sinisigawan si Daddy—”“You, shut up!” halos manlisik ang mga mata ni Celeste kay Hannah, ang nagmamagaling niyang half-sister. Natahimik silang lahat dahil ngayon lang nila nakitang nagalit si Celeste. Halos gumuhit ang mga litid ni Celeste sa leeg niya sa tindi ng galit niya.Minsan pang tiningnan ni Celeste ang kaniyang ama pero nananatili pa rin itong tahimik.“You will pay for this, itinayo ni mommy ang kompanyang ibinigay mo sa kabit mo dad. Dugo at pawis ang puhunan niya tapos ibibigay mo lang sa kanila ng ganun kadali? Where is your conscience?!
Magbasa pa