Pinalis ni Celeste ang mga luha sa mga mata niya at tiningnan ang kaniyang ama na hindi magawang makatingin sa kaniya.“Hindi ko alam kung anong sinabing dahilan ni Hannah para payagan niyo siya sa gusto niya. Sana inisip niyo kung anong mararamdaman ko. Kung sabagay, kahit ano namang gawin ko, kahit anong sabihin ko sa inyo pinayagan niyo na si Hannah sa gusto niya. Gusto ko lang bigyan niyo ako ng maganda at katanggap-tanggap na dahilan kung bakit ginaya ni Hannah ang mukha ko. What is her valid reason dad?” hindi pa rin makaimik si Logan sa anak niya dahil maging siya hindi niya alam ang dahilan ni Hannah kung bakit kinailangan niyang gayahin ang mukha ni Celeste.Gustong sabihin ni Logan na hindi siya sumang-ayon sa gusto ni Hannah pero wala na siyang nagawa ng malaman niyang nakapagparetoke na siya. Iniwas niya ang paningin niya sa anak niya. Pitong taon niya itong hindi nakita at nakasama tapos mag-aaway pa sila sa muli nilang pagkikita.“Hindi ko alam na nagbalik ka na pala at
Abala si Celeste sa pagcocompute ng mga magagastos niya kapag sinimulan niya na ang pagproduce ng mga new items nila. Alam niyang malaki na ang nacocompute niya kahit na wala pa siya sa kalahati. Hindi naman niya problema ang capital dahil nangako si Maximus na siya ang gagastos sa capital na kailangan nila.Kinagat niya ang dulo ng ball pen niya habang inaalala niya kung ano pa bang kailangan niya nang may kumatok sa pintuan niya.“Come in,” wika niya rito nang hindi nililingon ang pintuan. Pumasok naman ang secretary ni Maximus.“My name is Carter Rosales, ma’am, I’m Mr. Lim's secretary. Pinapunta po niya ako rito para sunduin kayo. Kailangan niyo raw pong pag-usapan ang tungkol sa capital na kailangan niyang ilabas.” Saad nito, tumango naman si Celeste dahil nakaready na rin ang mga materyales na kailangan niyang bilhin.Kinuha niya ang bag niya saka siya sumunod kay Carter. Lahat ng mga empleyadong nakakasalubong niya ay yumuyuko pa rin sa kaniya dahil sa pag-aakalang siya si Hann
Hindi nawawala sa isip ng magkakapatid ang mukha ni Maximus kaya ng sila lang ang naiwan sa bahay habang ang yaya nila ay naghahanda ng pagkain nila inilabas ni Maxwell ang isang magazine saka niya ibinaba sa center table.Pare-pareho nilang tinitigan iyun.“Kahit saang anggulo ako tumingin, magkakamukha talaga kayong tatlo. Kuya Zach, look at him kapag nakakunot ang noo niya parang ikaw. Pareho kayong seryoso at kapag naging seryoso na rin si Kuya Max para na kayong mga pinagbiyak na bunga. Posible bang siya ang daddy natin?” saad ni Luna habang tinitingnan niya ang mga kuya niya at ang mukha ni Maximus na nasa magazine.“Gusto ko rin sanang umasa na siya nga ang daddy natin Luna pero base sa naresearch ko online he’s a powerful business man. Kahit sino kinatatakutan siya at walang nagtatangkang banggain siya. Mukha kasing hindi siya kilala ni mommy.” anas naman ni Maxwell.“Why don’t we ask mom about him? Subukan lang natin. Gusto ko na talagang makilala si dad, gusto ko ng maranasa
Dumiretso na si Celeste sa bahay nila. Pagkababa niya ng kotse niya ay nakilala na siya kaagad ng guard na matagal ng nagtatrabaho sa pamilya nila.“Celeste? Ikaw ba yan?” pagkokompirma nito dahil alam ng guard na kanina pa nakauwi si Hannah.“Kuya Migs, Kamusta?” nakangiting tanong ni Celeste. Masaya siyang kahit matagal na siyang wala sa bahay ay hindi pa rin nawawala ang mga dati pa rin nilang tauhan.“Ikaw nga, hindi ko makakalimutan ang malaanghel mong boses.” Natutuwang saad naman ng guard at niyakap si Celeste. Namiss ni Celeste ang mga taong nakasama niya ng maraming taon. Kumalas din kaagad sa pagkakayakap ang guard at hindi makapaniwalang nakatingin kay Celeste.“Lalo kang gumaganda ah, nagiging kamukha mo na ang mommy mo. Alam mo kahit anong pagpaparetoke ang gawin ng kapatid mo hinding hindi niya magagaya ang original.” Natawa na lang si Celeste sa sinabi ng guard nila.“Ayaw niyo nun palagi niyo akong nakikita sa mukha ni Hannah.” Napailing naman ang guard dahil kahit mat
Buong tapang na sinalubong ni Celeste ang madidilim na mga mata ni Maximus para bang wala man lang siyang nararamdaman na takot dito.“Tama naman si Celeste, Hannah. Wala pa rin ba kayong balak na magpakasal ni Maximus? Pitong taon na rin kayo.” Dagdag pa ng kaniyang ama. Bahagya namang tumawa si Hannah.“Dad, hindi naman natin kailangang ipressure si Max. Alam naman natin kung gaano siya kabusy sa mga business niya at ganun din ako. Darating din po kami diyan, right Max?” baling niya kay Maximus na nananatiling blangko ang mukha.Kumain lang ng dessert si Maximus at hindi sinagot si Hannah. Hindi niya gusto kung anong pinag-uusapan nila ngayon. Sa pitong taon nilang magkasama ni Hannah ito pa lang ang pangatlong beses na bumisita siya sa bahay nila.“Wala naman masama kung gusto naming malaman kung kailan niyo balak magpakasal tutal pareho naman na kayong nasa tamang edad.” Ani pa ni Celeste.“Kung ganun, bakit hindi mo muna unahin ang sarili mo?” sabat na rin ni Maximus habang marii
Hinihilot ni Maximus ang sintido niya nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya.“Sinabi ko nang walang papasok nang hindi kumakatok diba? Gaano ba kahirap intindihin ng sinabi ko?” mainit na naman ang ulong wika ni Maximus. Nagtatawa naman ang dalawang kaibigan niya na siyang mga pumasok.“Ang aga-aga ang init ng ulo natin ah,” wika ni Giovanni. Nilingon naman kaagad ni Maximus kung sino ang pumasok ng office niya. Napaayos siya ng upo ng makita niya ang dalawa niyang kaibigan.“Anong ginagawa niyo rito?” blangko niyang tanong.“Hindi mo man lang ba kami namiss?” anas naman ni Hunter kaya sinamaan siya ng tingin ni Maximus. Naupo na si Hunter at Giovanni sa sofa saka nila tiningnan si Maximus na parang araw-araw na lang ay dala-dala ang mundo.“Ilang buwan tayong mga hindi nagkita-kita tapos ganyan mo kami sasalubungin? Nakakasakit ka naman ng heart bro,” hinawakan pa ni Giovanni ang bandang dibdib niya na para bang nasasaktan talaga. Hindi naman pinansin ni Maximus ang mga kai
Sinundan ng tingin ni Maximus si Celeste hanggang sa makaupo ito sa isang VIP lounge. Napapakunot na lang siya ng noo dahil nagtataka siya kung anong ginagawa ni Celeste sa ganitong lugar kasama ang ilang mga lalaki. Humarap na si Maximus kung saan nakaupo si Celeste para malaya niyang makita ang bawat kilos ni Celeste. Nagtitinginan naman si Huter at Giovanni dahil seryosong nakatingin si Maximus kay Celeste. Kilala nila si Maximus, kahit na pitong taon niya ng nakakasama si Hannah wala kang makikitang paghanga sa mga mata niya para kay Hannah. Hindi lang nila maintindihan kung bakit nananatili pa rin si Maximus kay Hannah kung wala naman itong nararamdaman para sa kaniya. “Iba yung tingin mo sa kaniya ah, are you interested about her?” seryosong tanong ni Hunter kay Maximus. Nilagok naman ni Maximus ang alak na nasa baso niya bago niya tiningnan si Hunter. “I don’t have any reason,” tanging sagot niya kaya napapataas na lang ang kilay ni Hunter. Hinayaan na lang nila ang kaibigan
Nang buksan ni Carter ang pintuan ng kotse ng Boss niya ay halos maduwal siya. Tinakpan niya na lang ang ilong niya gamit ang siko niya.“Ano pong nangyari Sir sa kotse niyo?” seryosong tanong ni Carter. Ibinigay naman ni Maximus ang susi sa secretary niya. Kagabi pa niya gustong mahugasan ang kotse niya pero wala ng bukas na car wash kaya inabot pa ng umaga.“Ipilinis mo na lang yan at huwag ng magtanong.” Masungit na utos ni Maximus saka niya tinalikuran si Carter. Sinubukan ulit amuyin ni Carter ang maasim na amoy sa loob ng kotse ni Maximus pero maging siya ay nasusuka.Bumili na lang muna siya ng mask niya at doble doble niya iyung isinuot para hindi niya maamoy ang amoy ng nasa kotse ng Boss niya lalo na at idadrive pa niya ito papuntang car wash. Nang maisuot niya ang mask ay tiningnan niya kung ano ba ang hindi magandang amoy sa loob ng kotse ng Boss niya.Napakunot na lang siya ng noo ng makita niyang suka iyun. Kilala niya ang Boss niya, hindi ito masyadong nag-iinom lalo na