Lahat ng mga board of directors ay nagtatakang nakatingin kay Celeste nang pumasok ito. Kilala nila si Hannah pero mapapansin mo ang kaibahan ni Hannah sa babaeng kapapasok lang ng conference room. Napapairap naman si Hannah dahil hindi niya alam kung paano niya ba ipapaliwanag sa mga BOD ang tungkol kay Celeste.
“Can you explain Miss Marquez what is happening? We are asking about Mia Moda not your—is she your twin?” hindi mapigilang tanong ng isang matanda. Tumikhim naman si Hannah saka siya tumayo sa harapan.
“Let me introduce myself,” si Celeste ang sumagot. Napalunok naman si Hannah dahil kinakabahan siya. Paano kung magsalita si Celeste at sabihin ang lahat ng tungkol sa kaniya?
“She’s my twin sister, meet Celeste Marquez.” Mabilis na pagpapakilala ni Hannah kay Celeste. Bahagyang naikuyom ni Celeste ang kamao niya. Kinikilabutan siya sa mga sinasabi ni Hannah. Kailan pa sila naging twin sister? Kung sabagay, sino bang maniniwala sa kanila na half-sister lang sila kung iisa ang itsura nilang dalawa?
“Katulad niyo nagulat din ako na si Mia Moda at ang twin sister ko ay iisa. Pitong taon kaming walang balita kay Celeste kaya hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya. We didn’t know that she and the famous Mia Moda are the same person. She is my older sister, Celeste.” Dagdag na wika ni Hannah, pansin ni Celeste ang paglalaro ni Hannah sa mga daliri niya kaya nararamdaman ni Celeste ang takot na nararamdaman ni Hannah ngayon.
Napangisi na lang siya dahil mas nag-eenjoy siyang makitang natataranta si Hannah. Napapataas na lang ng kilay si Celeste.
‘Sige, hahayaan kita sa gusto mong gawin Hannah, sa ngayon. Ienjoy mo muna ang pagiging kambal nating dalawa dahil oras na nalaman ko kung anong tunay mong dahilan para gayahin ang mukha ko sisiguraduhin kong mawawala ang lahat ng meron ka.’ wika ni Celeste sa isipan niya.
Ngumiti naman si Celeste nang mabaling ang paningin sa kaniya ng mga board of directors.
“Hindi ko akalain na pinagpala sa mga anak si Mr. Marquez. Sinong mag-aakala na magiging isang sikat na designer ang panganay niyang anak habang ang pangalawa ay CEO ng kompanya? How lucky he is. Anyway, nice to meet you, Miss Celeste. Mabuti at napili mo pa ring magtrabaho sa family business niyo kahit na sikat na sikat ka na sa iba’t ibang bansa.” Natutuwang wika ng isang lalaki. Ngumiti naman si Celeste at tinanggap ang nakalahad na kamay ng matanda.
Napapairap naman si Hannah dahil sa nakikita niya mukhang mabilis na nakukuha ni Celeste ang loob ng mga BOD ng kompanya.
“Ikinagagalak ko rin na makilala kayong lahat. Shall we start?” aniya na mabilis namang sinagot ng mga board of directors. Nagsimula naman na sila sa meeting nila at natigil na lang yun nang pumasok si Maximus.
“Max,” mahinhin na tawag ni Hannah kay Maximus. Tumayo si Hannah saka niya sinalubong si Maximus pero blangko naman itong naupo sa upuan na katapat ni Celeste. Napangiti naman si Hannah dahil naupo si Maximus sa tabi niya.
“Mr. Lim,” anas ng mga BOD sa kaniya.
“Just continue with your meeting, don’t mind me here.” blangko niyang saad. Muli namang nagsalita si Celeste na para bang wala ang presensya ni Maximus sa buong kwarto. Bahagyang ngumisi ang labi ni Maximus dahil sa lahat ng taong nakilala niya si Celeste lang ang tila hindi tinatamaan ng charisma niya o ang nakakaintimidate niyang tingin.
Diretso lang ang pananalita ni Celeste at kahit na magsalubong ang mga tingin nila ni Maximus habang nagsasalita siya wala siyang pakialam. Patuloy ang pagpapaliwanag niya sa plano ng kompanya at sa lahat ng dinaluhan ni Maximus na meeting ng kompanya ng mga Marquez ay ngayon lang siya nakinig.
Bakit pakiramdam niya, mas tinatamaan siya ng charisma ni Celeste lalo na sa paraan ng pananalita nito. Masyado siyang maawtoridad magsalita at para bang kahit sino ay mapapasunod. Palihim namang tiningnan ni Hannah si Maximus at nagngitngitngit na ang mga ngipin niya ng makita niyang mariin na nakatitig si Maximus kay Celeste.
Iisa nga ang mukha nila pero malaki ang pagkakaiba nilang dalawa. Ipinanganak talaga si Celeste para sa negosyo samantalang siya ay kailangan pa niyang pag-aralan ang lahat para lang makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid niya lalo na ang atensyon ni Maximus pero walang kahirap-hirap na ginagawa ni Celeste ang gusto niya.
“Gusto mong makabili ng mga mamahaling fabric pero alam mo na ba ang kalagayan ng kompanya ngayon? I wants your plan, Miss Marquez but I don’t think na kakayanin yan ng funds na meron pa ang kompanya.” Saad ng isang babae. Napatigil naman sa pagsasalita si Celeste.
“Bakit naman hindi kakayanin? Malaki ang funds ng kompanya at kahit anong fabric ay kaya pa niyang bilhin.” Anas niya naman.
“Ngayon ka pa lang magtatrabaho sa kompanya Celeste kaya paano mo malalaman na malaki ang funds ng kompanya? Pitong taon mong pinabayaan ang kompanya, umalis ka na parang walang pakialam tapos babalik ka na para bang alam mo ang lahat ng nangyayari sa kompanya?” sinusubukan ni Hannah na ipahiya si Celeste ng hindi nagmumukhang ipinapahiya nga niya ito.
“Umalis ako na maunlad pa ang kompanya Hannah, kahit na hindi pa ako nagtrabaho rito alam ko na ang nangyayari at alam ko kung ilan ang kinikita ng kompanya dahil alam ko naman na alam mong matagal akong nanatili sa kompanya kahit na hindi ako naging empleyado rito. Sasabihin ko pa ba sayo ang dahilan at kung bakit marami akong nalalaman sa kompanya?” nagbabanta ang tinig ni Celeste kaya napalunok si Hannah.
Gustong ipahiya ni Hannah si Celeste pero masyadong matalino si Celeste dahil marami siyang pwedeng ibatong salita kay Hannah.
“Hindi na gaya ng iniisip mo ang kompanya Celeste. Marami na ang nagbago simula ng mawala ka.” tanging wika ni Hannah kaya napakunot ng noo si Celeste.
“What do you mean?” tanong ni Celeste pero hindi si Hannah ang sumagot.
“Sa nakalipas na taon sinusubukan ng kompanya na umangat pa. Naniniwala kami kay Hannah na magagawan pa niya ng paraan ang kinakaharap ng kompanya dahil kung patuloy na paliit nang paliit ang kita ng kompanya possible ring magpull out na ang lahat ng mga shares nila.” Sagot ng isang babae. Matalim na tiningnan ni Celeste si Hannah, ang akala ni Celeste ay mapapangalagaan niya ang kompanya pero nagkamali pala siya.
Inagaw nila ang kompanya mula sa kaniya tapos ganito lang ang gagawin nila sa kompanyang itinayo ng kaniyang ina?
“Okay then, I will use my own money to buy all the fabric I said earlier.” Walang pagdadalawang isip na saad ni Celeste. Naningkit naman ang mga mata ni Maximus dahil nakikita niya kung gaano kadesidido si Celeste para sa plano niya.
“Kung ilang taon ng nahihirapan ang kompanya, let me do my job.” Dagdag pa ni Celeste habang nakatingin siya kay Hannah. Natuwa naman ang mga board of directors dahil mukhang dumating na ang pag-asa ng kompanya.
“Let me give you a capital just tell me exactly how much capital you need.” Seryosong saad ni Maximus na ikinalingon ng lahat sa kaniya. Mas lalong nagkaroon ng pag-asa ang mga BOD ng kompanya dahil ngayon lang nagsalita at sumang-ayon si Maximus sa mga plano ng kompanya.
Magaling si Maximus pagdating sa larangan ng negosyo kaya kung pinagkakatiwalaan ni Maximus si Celeste mas magtitiwala ang mga BOD.
Gulat din na lumingon si Hannah kay Maximus dahil ni minsan hindi siya sinuportahan ni Maximus pagdating sa mga projects niya. Binibigyan naman siya ni Maximus ng pera para sa kompanya pero never siyang sinuportahan ni Maximus sa mga projects niya.
Hindi na maiwasan ni Hannah na magselos kaya napapahalukipkip na lang siya sa kinauupuan niya. Seryosong sinalubong ni Celeste ang mga mata ni Maximus na tila ba sinusubukan niyang basahin ang iniisip ni Maximus dahil hindi siya nakikipagbiruan pagdating sa negosyo.
Sa kauna-unahang pagkakataon si Maximus ang unang umiwas ng tingin kay Celeste dahil para bang dinadala ka niya sa ibang dimension.
“Thank you for supporting me, Mr. Lim. I really appreciate it and I hope you keep your promise, and you have your one word. That’s all, meeting adjourned.” Saad ni Celeste saka niya kinuha ang bag niya at nauna nang lumabas ng conference roon.
Naging maingay naman na ang mga board of directors dahil pinag-uusapan na nila ang magandang plano ni Celeste. Ngayon lang naging maingay ang meeting nila lalo na ang mga BOD pagkatapos ng meeting. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi nila at para bang naiisip na nilang magiging matagumpay ulit ang kompanya dahil kay Celeste.
Inis na sinundan ni Hannah si Celeste. Nagmamadali naman si Celeste dahil may kailangan pa siyang puntahan nang bigla siyang hilain ni Hannah.
“What the hell is your problem?!” inis na saad ni Celeste nang hilain siya ni Hannah.
“Alam mo, kahit kailan pabida ka talaga eh. Nagpapasikat ka na naman sa kanilang lahat. Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa kanila? Alam mo naman na imposible ang plano mo dahil hindi ganun kadali mabawi ang lahat! Nagpapasikat ka ba dahil nandun si Maximus?” hilaw na tinawanan ni Celeste si Hannah.
“Anong tingin mo sa’kin, cheap? Hindi ako magpapasikat para lang kay Maximus. Sayong sayo na ang boyfriend mo at hindi ako nagpunta rito para agawin sayo ang boyfriend mo dahil alam mo ang totoong dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon sa kompanya. Imposible sayo ang lahat dahil aminin na natin na wala ka naman talagang alam sa pagpapatakbo ng negosyo at wala kang alam sa pagdedesinyo, wala kang alam sa fashion, Hannah. Hintayin mo na lang ang muling pagbulaklak ng Celestial Elagance dahil ang totoong ugat ng kompanyang ito ay dumating na. Sa halaman, hindi ito mabubuhay kung wala ang mga ugat lalo na kung pekeng ugat ang nakalagay dahil kahit anong dilig mo, kahit anong pag-aalaga ang gawin mo hindi yun mamumulaklak at mabubuhat. Ikaw ang tinutukoy kong peke sa isang halaman.” Nakangising saad ni Celeste.
Sa sobrang inis ni Hannah ay sinampal niya si Celeste. Nagngitngit naman ang mga ngipin ni Celeste kaya sinampal niya rin pabalik si Hannah na siyang nakita ni Maximus.
“Miss Marquez, what do you think you’re doing?!” anas ni Maximus. Nagtiim ang bagang niya ng makita niyang sinampal ni Celeste si Hannah. Nagpaawa effect naman si Hannah na para bang siya ang biktima at si Celeste na naman ang masama.
“Ganiyan ka ba magmahal sa kakambal mo? Bakit Kailangan mo pa siyang sampalin kung pwede naman kayong mag-usap ng mahinahon?” wika nito, nagtago naman na si Hannah sa likod ni Maximus na para bang kinatatakutan niya na si Celeste.
Napapangisi naman si Celeste na mas ikinakainis naman ni Maximus dahil para bang walang pakialam si Celeste kahit sino pa ang kaharap niya. Matapang na tiningala ni Celeste si Maximus para salubungin ang mga tingin nito.
“Kilala mo ba talaga ang girlfriend mo Mr. Lim? Huwag mo akong tataasan ng boses mo kung hindi mo alam kung anong totoong nangyari. At oo, ganito ako magmahal sa kakambal ko.” diniinan pa ni Celeste ang salitang kakambal saka niya tiningnan si Hannah.
Ngumisi lang naman si Hannah kay Celeste dahil hindi naman siya nakikita ni Maximus.
“Anyway, wala akong panahon para makipag-usap sa inyong dalawa. Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari at wala rin naman akong panahon na ikwento pa. Go to the cctv room and check it for yourself.” Matapang niyang wika.
“I don’t need to, I trust Hannah than you dahil pitong taon ko na siyang kasama.” Nagkibit balikat lang naman si Celeste dahil hindi niya naman pinipilit si Maximus na paniwalaan siya.
“Okay, whatever.” Tanging wika ni Celeste saka siya umalis. Tiningnan naman ni Maximus ang pisngi ni Hannah at dahil maputi ito makikita mo ang bakas ng mga daliri ni Celeste.
“Go to the clinic, now.” Maawtoridad na saad ni Maximus.
“Saan ka pupunta?” kuryosong tanong ni Hannah.
“I just need to talk your twin.”
“What?” nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil bakit kailangang kausapin ni Maximus si Celeste? Anong gusto niyang sabihin dito? “Pero anong sasabihin mo sa kaniya?”
“Just go to the clinic at lagyan mo ng ice ang pisngi mo.” utos ni Maximus at umalis na para sundan si Celeste samantalang si Hannah naman ay napapadabog na lang na sumunod.
Gusto niyang sundan si Maximus pero alam niyang magagalit sa kaniya si Maximus kapag nakita siya na sumusunod.
“Bakit ba kasi nandito pa yang babae na yan!” naiinis na namang wika ni Hannah, wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ni Maximus.
Palabas na ng lobby si Celeste nang maabutan siya ni Maximus.“Ano na naman ba?!” galit nang sigaw ni Celeste saka niya tiningnan kung sino ang humila sa kaniya. Kunot noo niyang tiningnan si Maximus. “What do you need? Bakit ba habol kayo nang habol?! Sinasayang niyo ang oras ko.” naiinis niya ng saad dahil kanina pa dapat siya nakaalis kung hindi lang siya pinipigilan ni Hannah at ni Maximus.“Let’s talk but not here,” Maximus said in his serious tone saka niya hinawakan sa kamay si Celeste pero inalis ni Celeste ang pagkakahawak ni Maximus sa kaniya.“Wala akong oras makipag-usap sa katulad mo at wala akong dahilan para kausapin ka. Now, let me go! Ano bang problema niyong dalawa ni Hannah?! Gusto ko lang umalis pero para kayong mga tuta na sunod nang sunod sa’kin.” Nagtiim ang bagang ni Maximus dahil ang lakas ng loob ni Celeste na sigawan siya at sa public place pa?“Don’t hurt Hannah again, Miss Marquez. Tandaan mo, binayaran lang kita para maging designer ng kompanya.” Seryoson
Pinalis ni Celeste ang mga luha sa mga mata niya at tiningnan ang kaniyang ama na hindi magawang makatingin sa kaniya.“Hindi ko alam kung anong sinabing dahilan ni Hannah para payagan niyo siya sa gusto niya. Sana inisip niyo kung anong mararamdaman ko. Kung sabagay, kahit ano namang gawin ko, kahit anong sabihin ko sa inyo pinayagan niyo na si Hannah sa gusto niya. Gusto ko lang bigyan niyo ako ng maganda at katanggap-tanggap na dahilan kung bakit ginaya ni Hannah ang mukha ko. What is her valid reason dad?” hindi pa rin makaimik si Logan sa anak niya dahil maging siya hindi niya alam ang dahilan ni Hannah kung bakit kinailangan niyang gayahin ang mukha ni Celeste.Gustong sabihin ni Logan na hindi siya sumang-ayon sa gusto ni Hannah pero wala na siyang nagawa ng malaman niyang nakapagparetoke na siya. Iniwas niya ang paningin niya sa anak niya. Pitong taon niya itong hindi nakita at nakasama tapos mag-aaway pa sila sa muli nilang pagkikita.“Hindi ko alam na nagbalik ka na pala at
Abala si Celeste sa pagcocompute ng mga magagastos niya kapag sinimulan niya na ang pagproduce ng mga new items nila. Alam niyang malaki na ang nacocompute niya kahit na wala pa siya sa kalahati. Hindi naman niya problema ang capital dahil nangako si Maximus na siya ang gagastos sa capital na kailangan nila.Kinagat niya ang dulo ng ball pen niya habang inaalala niya kung ano pa bang kailangan niya nang may kumatok sa pintuan niya.“Come in,” wika niya rito nang hindi nililingon ang pintuan. Pumasok naman ang secretary ni Maximus.“My name is Carter Rosales, ma’am, I’m Mr. Lim's secretary. Pinapunta po niya ako rito para sunduin kayo. Kailangan niyo raw pong pag-usapan ang tungkol sa capital na kailangan niyang ilabas.” Saad nito, tumango naman si Celeste dahil nakaready na rin ang mga materyales na kailangan niyang bilhin.Kinuha niya ang bag niya saka siya sumunod kay Carter. Lahat ng mga empleyadong nakakasalubong niya ay yumuyuko pa rin sa kaniya dahil sa pag-aakalang siya si Hann
Hindi nawawala sa isip ng magkakapatid ang mukha ni Maximus kaya ng sila lang ang naiwan sa bahay habang ang yaya nila ay naghahanda ng pagkain nila inilabas ni Maxwell ang isang magazine saka niya ibinaba sa center table.Pare-pareho nilang tinitigan iyun.“Kahit saang anggulo ako tumingin, magkakamukha talaga kayong tatlo. Kuya Zach, look at him kapag nakakunot ang noo niya parang ikaw. Pareho kayong seryoso at kapag naging seryoso na rin si Kuya Max para na kayong mga pinagbiyak na bunga. Posible bang siya ang daddy natin?” saad ni Luna habang tinitingnan niya ang mga kuya niya at ang mukha ni Maximus na nasa magazine.“Gusto ko rin sanang umasa na siya nga ang daddy natin Luna pero base sa naresearch ko online he’s a powerful business man. Kahit sino kinatatakutan siya at walang nagtatangkang banggain siya. Mukha kasing hindi siya kilala ni mommy.” anas naman ni Maxwell.“Why don’t we ask mom about him? Subukan lang natin. Gusto ko na talagang makilala si dad, gusto ko ng maranasa
Dumiretso na si Celeste sa bahay nila. Pagkababa niya ng kotse niya ay nakilala na siya kaagad ng guard na matagal ng nagtatrabaho sa pamilya nila.“Celeste? Ikaw ba yan?” pagkokompirma nito dahil alam ng guard na kanina pa nakauwi si Hannah.“Kuya Migs, Kamusta?” nakangiting tanong ni Celeste. Masaya siyang kahit matagal na siyang wala sa bahay ay hindi pa rin nawawala ang mga dati pa rin nilang tauhan.“Ikaw nga, hindi ko makakalimutan ang malaanghel mong boses.” Natutuwang saad naman ng guard at niyakap si Celeste. Namiss ni Celeste ang mga taong nakasama niya ng maraming taon. Kumalas din kaagad sa pagkakayakap ang guard at hindi makapaniwalang nakatingin kay Celeste.“Lalo kang gumaganda ah, nagiging kamukha mo na ang mommy mo. Alam mo kahit anong pagpaparetoke ang gawin ng kapatid mo hinding hindi niya magagaya ang original.” Natawa na lang si Celeste sa sinabi ng guard nila.“Ayaw niyo nun palagi niyo akong nakikita sa mukha ni Hannah.” Napailing naman ang guard dahil kahit mat
Buong tapang na sinalubong ni Celeste ang madidilim na mga mata ni Maximus para bang wala man lang siyang nararamdaman na takot dito.“Tama naman si Celeste, Hannah. Wala pa rin ba kayong balak na magpakasal ni Maximus? Pitong taon na rin kayo.” Dagdag pa ng kaniyang ama. Bahagya namang tumawa si Hannah.“Dad, hindi naman natin kailangang ipressure si Max. Alam naman natin kung gaano siya kabusy sa mga business niya at ganun din ako. Darating din po kami diyan, right Max?” baling niya kay Maximus na nananatiling blangko ang mukha.Kumain lang ng dessert si Maximus at hindi sinagot si Hannah. Hindi niya gusto kung anong pinag-uusapan nila ngayon. Sa pitong taon nilang magkasama ni Hannah ito pa lang ang pangatlong beses na bumisita siya sa bahay nila.“Wala naman masama kung gusto naming malaman kung kailan niyo balak magpakasal tutal pareho naman na kayong nasa tamang edad.” Ani pa ni Celeste.“Kung ganun, bakit hindi mo muna unahin ang sarili mo?” sabat na rin ni Maximus habang marii
Hinihilot ni Maximus ang sintido niya nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya.“Sinabi ko nang walang papasok nang hindi kumakatok diba? Gaano ba kahirap intindihin ng sinabi ko?” mainit na naman ang ulong wika ni Maximus. Nagtatawa naman ang dalawang kaibigan niya na siyang mga pumasok.“Ang aga-aga ang init ng ulo natin ah,” wika ni Giovanni. Nilingon naman kaagad ni Maximus kung sino ang pumasok ng office niya. Napaayos siya ng upo ng makita niya ang dalawa niyang kaibigan.“Anong ginagawa niyo rito?” blangko niyang tanong.“Hindi mo man lang ba kami namiss?” anas naman ni Hunter kaya sinamaan siya ng tingin ni Maximus. Naupo na si Hunter at Giovanni sa sofa saka nila tiningnan si Maximus na parang araw-araw na lang ay dala-dala ang mundo.“Ilang buwan tayong mga hindi nagkita-kita tapos ganyan mo kami sasalubungin? Nakakasakit ka naman ng heart bro,” hinawakan pa ni Giovanni ang bandang dibdib niya na para bang nasasaktan talaga. Hindi naman pinansin ni Maximus ang mga kai
Sinundan ng tingin ni Maximus si Celeste hanggang sa makaupo ito sa isang VIP lounge. Napapakunot na lang siya ng noo dahil nagtataka siya kung anong ginagawa ni Celeste sa ganitong lugar kasama ang ilang mga lalaki. Humarap na si Maximus kung saan nakaupo si Celeste para malaya niyang makita ang bawat kilos ni Celeste. Nagtitinginan naman si Huter at Giovanni dahil seryosong nakatingin si Maximus kay Celeste. Kilala nila si Maximus, kahit na pitong taon niya ng nakakasama si Hannah wala kang makikitang paghanga sa mga mata niya para kay Hannah. Hindi lang nila maintindihan kung bakit nananatili pa rin si Maximus kay Hannah kung wala naman itong nararamdaman para sa kaniya. “Iba yung tingin mo sa kaniya ah, are you interested about her?” seryosong tanong ni Hunter kay Maximus. Nilagok naman ni Maximus ang alak na nasa baso niya bago niya tiningnan si Hunter. “I don’t have any reason,” tanging sagot niya kaya napapataas na lang ang kilay ni Hunter. Hinayaan na lang nila ang kaibigan