Share

Chapter 40

Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.

Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.

Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status