Share

Chapter 42

Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren. 

Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.

Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status