Share

Chapter 4

"Y-your a what?" gulat at hindi agad makapaniwalang anas ni CJ sa narinig sa dalaga. Baka nagkakamali lang siya ng dinig sa sinabi ni Caren kaya gusto niya muling marinig mula sa bibig ng dalaga ang huling sinabi nito.

"I'm a nympho," pag-uulit ni Caren at doon niya nakumpirma na hindi siya nagkakamali ng dinig kanina. Gulat at bumukas ang bibig niya sa nalaman pero agad din siyang nakabawi ng marinig niya ang pinipigilang paghikbi ng dalaga. At parang may mabigat na dumagan sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Caren.

"Ssshh.. Stop crying, baby. Your secret is safe with me at pangako sa tabi mo lang ako kahit anong mangyari. You can trust me pagdating sa bagay na 'yon at hindi ko sasamantalahin ang sitwasyon mo. Pwede mong sabihin sa'kin lahat ng problema mo at hangga't makakaya ko tutulungan kita ng walang ano mang kapalit na hihilingin," puno ng sinsiridad na anas niya sa dalaga as he hushed her. Unti-unting kumalma ito buhat sa pag-iyak at bahagyang ngumiti sa kanya. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay nasilayan niya muli ang magandang ngiti ng dalaga.

"Salamat, Jayvee.. At panghahawakan ko ang mga pangako mong ‘yan," anas ni Caren at sumilay ang ngiti niya sa sinabi ng dalaga. Sobrang saya niya dahil nakuha niya ang tiwala nito at gagawin niya ang lahat para hindi masira iyon. 

Pero ang gumugulo naman ngayon sa isipan niya ay kung bakit nagkaganon ang dalaga. Kung bakit ito naging isang nympho? Nagkaroon ba ito ng masamang karanasan noon? Ang alam niya kasing dahilan kung nagkakaganon ang isang tao ay dahil sa nagkaroon ito ng dark past about sex or minsan base din sa mental and emotional condition. It's a complicated condition na minsan ay naagapan pa ng mga psychiatrist pero ang kadalasan ay hindi na. Isang karamdamang kakaiba at hindi biro ang magkaroon ng sakit na iyon.

At hindi niya mapigilan ang humanga sa dalaga dahil nakakaya nitong labanan iyon. Kaya pala pansin niyang hindi ito lumalabas ng bahay at ngayon alam na rin niya ang dahilan kung bakit hindi siya nito hayaang pumunta ng bahay o makalapit dito. Dahil isa siyang lalaki at baka pag sinumpong ito ng sakit nito ay hindi niya mapigilan ang sariling angkinin ang dalaga dahil parang nag-iiba ang katauhan ni Caren at napapalitan iyon ng babaeng sabik at uhaw sa sex. At hindi niya rin mapigilan ang sariling makaramdam ng awa sa kalagayan ng dalaga. Dahil parang hindi nito nararanasan ang normal na buhay dahil sa kakaibang sakit nito. Isa iyong malaking hadlang sa kasiyahan ng dalaga at gagawin niya ang lahat para kahit papaano ay matulungan niya ito.

"But how did you get that kind of sickness, Caren? Since when and why?" tanong niya dito sa gitna ng namamayaning katahimikan sa pagitan nila ng dalaga. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at alam niyang hindi pa ito handang sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya ito dahil alam niyang napakahirap balikan ng isang alaala lalo na kung napakasama at napakasakit no’n. Pero syempre mas masakit pa ring balikan kahit sa alaala lang ang taong dahilan ng sakit na iyon. At baka pag nalaman niya kung sino ang taong iyon na gumawa no’n sa dalaga, baka pagbayarin niya iyon sa mismong mga kamay niya.

"Sorry pero ayaw ko munang balikan ang masamang nangyari sa akin noon. Halos gabi-gabi akong binabangungot ng masamang alaalang iyon at—"

"It's okay, baby.. Naiintindihan ko at hindi kita pipilitin tungkol sa bagay na 'yon. But always remember na nandito lang ako para makinig sa'yo, para damayan ka at para tulungan ka. Makakaasa ka na kahit anong oras ay pwede mo akong lapitan. I'm just one call away my Kulot," pagputol niya sa sasabihin nito dahil ramdam niyang tila nahihirapan itong sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya iyon.

Nasagot ang mga katanungan sa isipan niya pero hindi niya alam kung bakit parang gusto pa din niyang mapalapit sa dalaga. He has this feeling inside na gusto niyang alisin lahat ng takot at sakit sa mata nito. Gusto niyang ikulong si Caren sa mga bisig niya para maramdaman nitong kasama at karamay siya nito kahit sa anong bagay. Na mayroon itong isang kaibigan na Carl Jayvee ang pangalan na handa itong damayan at tulungan.

Gusto niyang alisin lahat ng masasamang alaala nito at palitan iyon ng mga masasaya at bagong alaala kasama siya.

Lumipas pa ang mga araw at maagang umalis si CJ sa bahay ng magulang para mag-enroll. Sinulyapan pa niya ang balcony ng kwarto ng dalaga bago siya umalis pero wala pa ito doon. Maaga pa naman at isang oras pa bago ito lumabas doon base sa usual time na nakalkula niya sa araw-araw na sinusubaybayan niya ang bawat galaw ng dalaga. 

Malawak na lang siyang napangiti ng rumehistro ang magandang mukha nito sa isipan niya at parang wala sa sariling sumakay ng kanyang sasakyan. Babalik na lang siya agad mamaya pagkatapos niyang mag-enroll para masilayan niya muli si Caren. Para makipag-kwentuhan muli sa dalaga, para masilayan ang ngiti at marinig ang pagtawa nito.

Kadalasan ay nauubos ang oras nila ni Caren habang nag-uusap at nagtatawanan lang sila sa balcony. Parang hindi niya napapansin ang paglipas ng bawat oras kapag kasama niya ang dalagang kaibigan niya. Hindi naman lingid sa magulang ni Caren ang namumuong magandang ugnayan nila ng dalaga bilang matalik na magkaibigan at suportado naman sila ng magulang nito. Masaya ang mga ito dahil sa wakas ay bumalik ang saya at sigla kay Caren. At proud siya dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit unti-unti bumabalik ang masayahing dalaga.

Hanggang sa mabilis na dumaan ang mga araw hanggang sa naging buwan iyon. Naging matalik silang magkabigan pero nanatili silang magka-agwat sa isa't-isa. Tanging sa balkonahe lang ang pinaka-malapit nilang nagiging distansya at kuntento sila sa ganon. At natatawa na lang siya kapag naiisip niyang sa balcony nagsimula ang kanilang friendship at lumipas na ang ilang buwan pero nandoon pa rin sila. Sa balcony kung saan nagsimula ang lahat sa kanila bilang isang malapit at matalik na magka-ibigan.

Masayang nagtungo sa balkonahe ng kanyang kwarto si CJ at inasahan na nandoon na si Caren sa mga oras na iyon. Kagagaling lang niyang school at maagang natapos ang klase niya kaya gusto niyang ubusin ang natitirang oras niya sa maghapon sa pakikipag-usap sa dalaga dahil ilang araw ng maikling oras lang silang nakakapag-kwentuhan. At hindi niya itatanggi na namimiss na niya ang dalagang kaibigan.

Pero napakunot ang noo niya ng hindi niya doon nasilayan si Caren. Nagtaka siya dahil sa ganoong oras ay naroon na dapat ang dalaga pero bakit wala ito ngayon do’n. Naghintay pa siya doon ng ilang minuto at bahagyang sinilip ang bintana ng kwarto ng dalaga subalit hindi niya makita ang loob no’n dahil natatakpan iyon ng kurtina. Nakasarado naman ang sliding glass door ng balcony nito at hindi rin niya masilip doon ang loob ng kwarto ng dalaga. At hindi niya mapigilan ang mag-alala dahil nababaguhan siya kung bakit wala sa balcony ang kaibigan sa ganoong oras.

Hindi na siya nag-abalang magpalit pa ng kasuotan at mabilis siyang bumaba ng kanyang kwarto. He's just wearing his boxer shorts and his white sando na kalimitang suot niya pag nasa bahay. Hindi siya mapakali habang hindi niya nasisilayan ang dalaga kaya nagdesisyon siyang pumunta sa kabilang bahay.

"Good afternoon po, Ninong. Itatanong ko lang po kung nasaan si Kulot. Hindi po kasi siya lumalabas ng balcony ng kwarto niya," magalang na anas niya sa kanyang Ninong Carlo na natagpuan niya sa living room at parang hindi rin ito mapakali tulad niya.

"Nabanggit na ba niya sa'yo ang tungkol sa sakit niya?" mahinang anas ng ninong niya at tumango naman siya.

"She's inside her room. At sinusumpong na naman siya ng sakit niya," dagdag nito at bahagya siyang natigilan. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa kaibigan at alam niyang gano’n din ang nararamdaman ng ninong niya dahilan kung bakit hindi ito mapakali. Malakas na kumabog ang dibdib niya dahil kinakabahan siya para sa kaibigan.

Alam naman niyang hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi ito sinusumpong pero iyon ang unang beses na nalaman niyang sinusumpong ang dalaga ng mga oras na 'yon. Ang alam niya ay nagkukulong lang si Caren sa kwarto nito hanggang sa lumipas ang pag-iinit ng katawan na nararamdaman nito. At alam niyang sobra hirap iyon para sa kaibigan. Sobrang nahihirapan na ito dahil sa dulot ng hindi pangkaraniwang sakit nito at wala siyang magawa para damayan ito sa mga oras na iyon. Kahit na gustong-gusto niya itong yakapin at ikulong sa mga bisig niya.

"I'm worried sa anak ko, CJ. Pansin namin na these past few weeks ay matagal bago mawala ang init na kanyang nararamdaman. Dati ay isa o dalawang oras lang kapag sinusumpong siya pero ngayon umaabot na iyon sa lima hanggang anim na oras," wika ng ninong niya sa nag-aalala at nababahalang tono. Parang nanghihinang napaupo siya sa kaharap nitong sofa at bumukas ang bibig niya sa sunod na sinabi nito.

"She's always calling your name kapag sinusumpong siya and she's also crying. Sobrang sakit para sakin na naririnig ko siyang umiiyak at hindi ko man lang siya magawang mayakap dahil kahit sarili niya akong ama, hindi niya magawang kuntrolin ang gusto ng katawan niya. Kaya hindi ko man lang siya magawang malapitan kapag kailangan niya ng karamay once na sinusumpong siya," his ninong added kaya mas lalo siyang naawa sa dalaga. Mag-isa nitong hinaharap ang sakit nito at alam niyang sobrang hirap no’n para kay Caren.

"P-pwede po ba akong pumasok sa loob ng kwarto ni Kulot? Pangako po, wala po akong gagawin sa kanya," nagbabakasakaling anas niya.

"May tiwala ako sa'yo, CJ. Pero sa sakit niya wala akong tiwala. Baka hindi mo mapigilan ang sarili mong angkinin siya dahil ibang-iba ang anak ko kapag sinusumpong siya. Hindi mo makikita sa kanya ang normal na Caren. Hindi mo makikita sa kanya ang kaibigan mo," his ninong said.

"Alam ko po ‘yon, Ninong. At makakaasa po kayong hindi ko sasamantalahin iyon. Pipigilan ko po ang sarili kong magpadala sa gusto niya pero hindi ko po itatanggi na baka maapektuhan ako sa anak niyo. Pero pangako po, hanggang doon lang iyon at gusto ko lang pong tulungan si Kulot. Alam ko pong isang malaking tukso ang anak niyo pero lalabanan ko po iyon alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Caren. Magtiwala po kayo sa'kin Ninong," determinadong anas niya dahil gustong-gusto niyang matulungan ang kaibigan. Nagpakawala ng buntong-hininga ang ninong niya at napangiti siya ng tumango ito.

"Sige, hijo. Magtitiwala ako sa'yo pero pakiusap gawin mo ang lahat para pigilan ang sarili mong patulan ang lahat ng gagawin niya. Pwede mong gawin ang lahat ng alam mong makakatulong sa kanya pero huwag mong gagalawin ang anak ko. Ayaw kong tuluyan siyang masira dahil sa sakit niya," may pakiusap na anas ng ninong niya at kita niya ang sobrang pagmamahal at pag-aalala nito para kay Caren.

"Pangako po, Ninong," seryosong saad niya bago sila sabay na tumayo at naglakad para umakyat sa hagdan. Hanggang sa makarating sila ng tapat kwarto ng dalaga kung saan naghihintay ang mommy nito. At buhat sa labas ng kwarto ni Caren ay naririnig niya ang mahinang pag-iyak ng dalaga habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status