Share

Chapter 9

"Bumalik kayo agad bago dumilim. And CJ, know your limitation. Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin," istriktong wika ng dad ni Caren. 

Natatawa na lang si Caren sa kanyang dad dahil halos kanina pa itong nagsasalita mula ng makababa sila para mag-breakfast. At ngayon ngang magsisimula na silang kumain ay hindi pa rin ito tapos sa mga dapat at hindi dapat gawin ni Jayvee. May nalalaman pa ang mga itong limitations na hindi na lang niya binigyang pansin dahil kay Jayvee naka-sentro ang atensyon niya.. sa ginagawa nitong pagsisilbi sa kanya.

"Yes po, Ninong. Ako na po ang bahala kay Kulot," sagot ni Jayvee sa dad niya habang abala ito sa pag-aasikaso sa kanya. 

Halos hindi na siya gumagalaw buhat nang makaupo siya sa harap ng hapag kainan dahil si Jayvee ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Namumula ang mukha niya dahil sa ginagawa nito pero parang wala lang iyon sa kanyang magulang dahil nakangiti pa ang mom niya habang pinapanood ang ginagawa ng binata.&nb
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status