Share

Ika-Dalawampung Kabanata

Tanging ang itim lang sa aking mata ang nai-gagalaw ko ngayon. Para baga akong nagkaro'n ng stiff neck na hindi ko magawang i-kilos ang leeg ko pakaliwa o kanan.

Lulan ako ngayon ng sasakyan ni Lance matapos niyang magtungo sa bakeshop ko. Himala ang nangyaring ito, oo, minsan good siya sa akin lalo no'ng nasa honeymoon state kami. Pero pagkatapos naman no'n ay wala na, lalo nang makauwi kami't muli niyang masilayan ang 'mahal' niya.

Hindi ako nagseselos o kung ano pa man lalo't hindi ko naman dapat na maramdaman ang bagay na 'yon. It's just that, naiinis ako, kasi naman 'di ba dapat nakatutok siya kahit sa anak niya na lang niya—pero ano ang ginagawa niya? Nakikipaglandian.

Seryoso ang mukha ni Lance habang diretso ang tingin sa unahan ng kalsada. Naka-side view na naman siya, tsk, kahit na sa peripheral view lang ay kitang-kita ko ang bossy at maamo niyang mukha.

"Sa'n tayo pupunta?" Hindi na ako nakatiis, itinanong ko na 'yon sa kaniya.

"Saan mo ba gusto?"

Nalaglag ang panga ko sa sagot niyang 'yon. Nag-aaya tapos hindi naman pala alam kung saan pupunta. Gosh.

Hindi ako sumagot, imbes ay inirapan ko lang siya. Ayan! Nadadala na naman ako ng mood swings ko, gusto ko na lang siyang saktan ngayon.

"Wala kayong time with each other ngayon ng—"

"Let's not talk about any other things wife, ayokong masira ang mood ko."

Ha?

Agad akong napalingon sa kaniya. Nakataas ang isa kong kilay habang nangungunot ang noo. Ano't wife na naman ang tawag niya sa 'kin, may saltik na naman ba siya?

"Whatever," sagot ko. Itinuon ko na lang ulit ang aking paningin sa unahan, nakatuon sa mga sasakyang nasa unahan namin ang aking mga mata.

Malamig na samyo ng hangin ang sumalubong sa akin paglabas ng sasakyan. Matapos naming dumaan sa drive thru at um-order ng makakain ay bigla akong nakatulog sa tagal ng pagmaneho ni Lance. Gabi na pero balak pa rin niyang gumala?

"Wow . . ." Naibulalas ko kasabay ng pagyakap ko sa aking sarili. Hindi ata ayon ang suot kong outfit para sa lugar na 'yon. Isinasabay kasi ng alon ng dagat ang malamig na hininga ng hanging humahaplos din sa kaniya.

Napalinga ako sa kaliwa't kanan ko, wala kami sa beach pero natatanaw namin ang dagat. Para akong nasa itaas ng bangin, na hindi naman.

"Good thing your awake now." Boses 'yon ni Lance. Hindi na niya suot ang kaniyang black suit at tanging ang puting pang-ilalim na damit na lang ang bumabalot sa kaniya, paired with his black pants.

"Wear this one." He was pertaining to his black suit.

"Hindi na—"

Balak ko pa sanang tumutol pero huli na't siya na ang kusang nagsukbit no'n sa akin. Umaarte pa ako eh, kahit medyo nilalamig naman na talaga.

"At ano naman ang ginagawa natin rito sa dis oras ng gabi?" Curious ko na tanong sa kaniya.

Hindi siya kaagad tumugon, bagkus ay binigyan lamang ako ng tinging hindi ko maipaliwanag kung para saan. He then blink. And gave me a simple smile.

Mas lalo pang nangunot ang aking noo sa inasal niyang iyon, hindi ko alam kung may nakain ba siyang masama o baka naman nabagok ang ulo sa trabaho't biglang nagbago ang ihip ng hangin sa lalaki na katabi ko.

"Puwede ba Lance? Tigilan mo 'ko sa ganiyan mong arte ha? May nangyari bang hindi maganda? Na-engkanto ka ba o ano? Kaninang umaga lang halos isumpa mo 'ko sa galit mo tapos ngayon bait-baitan ka?" Nameywang ako habang nagtatanong sa kaniya. Humagalpak naman sa tawa si Lance na sumulyap sa akin.

"You're crazy," sagot niya. "As I've said I just want to say sorry . . . and unwind, and clear through. Naisip kita bigla . . . So I fetched you, at isa pa, my mom always nags me about you and she's planning to visit us tomorrow so kailangan kitang mai-uwi sa bahay. ASAP."

WOW ha, so dahil lang pala do'n kaya niya ako naalala? Kaya siguro panay ang lunok niya ng laway kasi labas sa ilong naman ang pinagsasabi niya kanina.

Hindi ako sumagot pero gusto ko sanang itapon sa kaniya ang word na, "WHATEVER". Kainis e.

"And to clear our misunderstanding," dugtong niya pa.

Doon na ako napatawa sa sinabi niya. "Hello? Walang gano'n Lance, you were right from the very start, everything was just beacause of our deal. Hintayin na lang natin na makalabas si baby, para bumalik ang lahat sa dati. Ako, as a shop owner at ikaw bilang bussiness man. Me as loveless, at ikaw as secretly affairing with you friend." Deklara ko rito.

"It's really a misunderstanding, I knew it."

Mas nangunot pa lalo ang noo sa muli niyang pagbanggit sa 'misunderstanding' word, napapano ba siya?

Umirap ako sa harapan niya imbes na sumagot pa, parang kanina lang hinihila hila niya lang ako tas nagagalit siya na parang leon.

'Ah! Baka nabasted—ay wait, baka nga hindi fake news ang ibinalita ni Nanci sa akin.

Totoo nga kaya na balak nang magpakasal ng Jeyn na 'yon sa kapwa niya showbiz personality? Kaya ba ganito ang trato ni Lance sa akin kasi nasasaktan siya tapos ay ayaw niya lang ipahalata. So he is having time with me—and to his heir? Pathetic me.

Malayo ang tingin ni Lance, nasa kabuuan ng dagat na may kadiliman. Katulad ko, isinasabay rin ng pagsamyo ng hangin ang buhok niyang medyo makapal na. Maganda talaga ang facial features ni Lance kahit na naka-side view. Napahawak ako bigla sa tiyan ko, nawa'y maging kamukha niya si baby, para naman may anak akong guwapings o kaya'y beauty queen.

Minabuti kong 'wag na lang magsalita pa o makipagsagutan sa kaniya. I-moment niya na lang muna ang gabi na 'to, bukas na lang ako mag-iinarte.

"I have a question," buong-buo ang boses ni Lance na nagtanong sa akin. Nilingon ko naman siya na nakataas ang aking mga kilay, waiting for his question. "

"Ano 'yon?"

"Do you prefer loving someone na mahal mo na from the start, kahit pa sabihing hindi ka naman din sigurado kung ang nararamdaman niyo ay parehas. Or do you prefer to give others a chance . . . Na makapasok sa buhay mo? Lalo na kung mas umaayon ang situation sa tao na 'yon?"

I was dumbfounded to what he said, hindi ko alam kung may pinanghuhugutan ba siya sa tanong niya o sadyang random lang 'yon na pumasok sa utak niya.

"Uhm. Well, for me . . ." I look at him. His eyes showed loneliness, he even blinked several times in front of me. He seems hiding something in betweens his eyes.

"It depends on the situation, at saka hindi ko rin masabi, saka ko na sasagutin ng maayos kapag nando'n na ako sa sitwasyong gano'n.' Iniiwas ko ang tingin sa kaniya't sa kalangitan na lang tumitig. Napapalibutan ng mga bituin ang kalangitan, at sa gitna nila'y bilog na bilog ang malaking buwan.

"Okay." 'Yon lang ang sagot ni Lance sa akin.

Namuo na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang naririnig ko ngayon ay ang pagbigwas ng tubig alat at ang pagdaan ng hangin sa 'king mukha.

"Ano bang tumatakbo sa utak mo sa oras na 'to?" Hindi ko kayang manahimik na lang kaya naman nagtanong pa rin ako kay Lance. He seem so serious while his eyes is in the beautiful dark scenery.

"Some things that I've hard to figure out," he said.

"Like what?"

"Well, like . . ." He paused. "I don't wanna talk about it," biglang segunda niya.

The heck? Ang arte talaga.

"Bahala ka nga, alam mo ang mabuti pa, umuwe na lang tayo. Tara na, pagabi na mas'yado at malamig na dito oh baka magkasipon pa tayo—"

Napapitlag ako't hindi na naituloy pa ang sinasabi ng biglang naramdaman ko ang kamay ni Lance sa braso ko. Bumili ang tibok ng puso ko sa sobrang pagkagulat.

Du-dug-du-dug.

At saka ko narealize na nasa matigas na dibdib na niya ang aking mukha, nakapulupot ang kaniyang braso sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan niya na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Ah! Epekto lang ng sobrang pagkagulat ko.

"L-lance?"

"Please be my comfort zone, kahit ngayon lang. I feel wasted and broke. I feel like I was about to die."

Dama ko ang paggaralgal ng boses ni Lance, hindi ko makita ang mukha niya kaya hindi ko rin masabi kung umiiyak ba siya o ano. But him being a Benedicto, I knew he won't cry.

"Can you make another deal with me, wife?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa tinuran niyang 'yon, pinilit kong kumawala sa yakap niya pero hindi ko nagawa dahil sa mas lalong paghigpit ng pagkakakapit nito.

"Lance." Malumanay lamang ang boses ko nang tawagin siya.

"Can you please teach my heart to love you? Protect you? And dream the rest of my life with you? I hate being dump and unloved . . ."

Hindi ko alam kung ano ang dapat na i-react sa pinagsasabi niya ngayon. Pakiramdam ko kasi'y pinagloloko niya lang ako.

"I was useless, I think," dugtong niya.

"Pathetic . . ."

"Coward."

Napalunok ako ng laway sa nangyayari, minsan ko nang na misjudge si Lance dahil sa hindi niya magandang ugali, 'minsan'. Pero hindi rin naman ako gano'n kasamang tao para hindi makaramdam ng pagka-awa sa mga sinasabi niya. May iba pa palang dahilan ang pagiging 'ibang' Lance Asmael niya. Siguro'y na-ti-trigger lang ng kung ano man ang pinagdaanan o pinagdadaanan niya. Kailangan ko lang ata na mas makilala siya para maintindihan ko ng lubusan kung bakit sa ganitong tao.

"Uhm. Lance," tinawag ko ang pangalan niya.

Pagkatapos ay dahan-dahan kong pinadapo sa kaniyang likuran ang aking mga palad, ti-nap ko nang mahina ang kaniyang likuran para bigyan siya ng kaunting 'comfort' na mukhang kailangan nga niya ngayon.

"Okay lang 'yan, 'wag kang mag-alala, nandito naman ako . . . I mean kami ng baby mo. Puwede tayong maging mabuting magkaibigan, hindi ba?"

Hindi siya sumagot sa tinuran ko, nanatili lang kami sa gano'ng posisyon. Ako na nakayapos na rin sa kaniya.

"Don't worry, hindi ako mawawala sa tabi mo, kahit ano pang mangyari." Wait, ba't ko sinasabi ang mga bagay na 'to? Baka mamaya'y hindi ko rin mapanindigan.

Pinagpatuloy ko lang ang paghagod sa likuran niya, hindi ko na nadarama ang malamig na kapaligiran dahil sa init na nanggagaling sa katawan ni Lance.

"Moon," sambit niya.

"Ha?"

"Maaari bang Moon ang i-pangalan mo sa kaniya?" mabilis ko namang naintindihan ang tinutukoy niya dahil sa pagdako ng kaniyang mga mata sa aking belly. So, gusto niya na Moon ang ang maging pangalan ng bata? Nagbibigay ba siya ng full interest sa kaniyang future na tagapagmana?

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabing 'yon ni Lance, pero hindi rin maipagkakaila na ang cute niyang tignan sa mga oras na 'to kahit na drama king siya. 

"Magandang pangalan 'yan, sige, kung 'yan ang gusto mo." Ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi ba?

"Moon Laurice."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status