Share

Kabanata ika-labing siyam

"Hello, Nanci." Bungad ko kaagad sa babaeng sumagot sa kabilang linya. "Ah, oo puwede mo bang i-send sa akin 'yong pina-check ko sa 'yong papers. Oo 'yon nga. Okay sige, asahan ko ngayong umaga."

Tinawagan ko ang assistant kong si Nanci, I'm not in the good mood sana ngayon para sa gawaing trabaho pero wala akong magagawa. This thing is my passion, kaya naman kahit masama ang loob kong tuloy pa rin ang laban. Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang biglang maalala na itanong sa kaniya kung kailan ba talaga siya makakapasok.

Aba! Sabi niya kahapon na ngayon ay magduduty na siya as assistant ko, pero wala naman nangyari, absent pa rin siya.

"Siguraduhin mo na papasok ka na bukas, dahil kung hindi'y sisante ka na." Tinakot ko siya para naman masindak sa akin, kunwari'y galit ang tono ng boses ko.

Tuluyan ko nang ibinaba ang cellphone ng makapag-paalaman na 'ko sa kaniya. Sunod kong binuksan ay ang laptop ko't nagsimulang tignan ang kopya ng pastry supplies na kailangang ipa-deliver. Napakarami palang kulang para sa buwan na 'to, dapat ay maasikaso kagaad upang maagapan kung sakaling walang stock sa pinakasupplier namin.

Itinutok ko na ang aking paningin sa monitor ng laptop, I typed in the things I needed to sent. Subalit napatigil din ako sa ginagawa ng biglang sumagi ang mukha ni Aldrin sa isipan ko. 'Yong pag-ilag-ilag niya sa bulak na may 'alcohol', well same old Aldrin. Ngunit iniling-iling ko rin kalaunan ang aking ulo nang mapagtanto na napapangiti ako sa gano'ng isipin. Shocks!

Muli'y ibinaling ko ang aking paningin sa harapan, nag-type ako, ngunit bakit ang pangalang 'Lance' ang naisulat ko?

Erase. Erase. Erase.

Inalis ko na lamang pansamantala ang pagkakadiin ng aking mga daliri sa keyboard at isinandal ang likuran sa gumagalaw na silyang pang-opisina.

"Ano ba naman 'tong nangyayari sa 'kin?" Napabuntong-hininga pa ako. "Pinaparusahan ba ako sa mga pagsagot-sagot ko kay mama noong bata pa ako? Ba't kailangan kong ma-stress sa buhay ngayon?"

Marahang ipinikit ko ang aking mga mata, nag-isip ako ng mga masasayang alaala, para naman makapampante ang utak ko. Naparanoid ako bigla kaiisip sa mga bagay na nangyari lately, una'y ang pakikipagkita ni Lance sa babaeng laman naman talaga nh puso niya, pangalawa, ang pagsulpot bigla ni Aldrin at pangatlo ang tambak na trabahong kailangan niyang mapunuan.

Itinuwid ko ang pagkakaupo't sinipat ang mukha sa maliit na salaming nakapatong sa gilid ng kaniyang lamesa, sa likuran ng nameplate na nakapatong ro'n.

'Hey! Lumalaki na ang eyebags ko, kainis.'

I was then examining may face when a sudden knock interrupted what I am doing.

It was Karin.

"Ma'am, my delivery para sa 'yo."

"Delivery?" Salubong ang mga kilay ko na napatanong sa kaniya. I'm not expecting any delivery for this day.

Inilapag niya ang paperbag sa lamesa ko't sinabi na siya na ang pumirma sa received papers. Nagpaalam din kaagad si Karin, tumango ako bilang tugon sa kaniya.

Bumulaga sa akin ang sangkaterbang pagkain nang buksan ko ng dinala ni Karin sa akin, as in marami. Isa-isa ko 'yong inilabas, grabe, nakakatakam ang ganitong mga pagkain. Maya-maya'y biglang nag-alburoto ang aking tiyan, nasapo ko 'yon, oo nga pala hindi ako nakakakain kanina gawa ng pagdating ni Lance sa Condominium at naabutan nito si Aldrin na naroon.

Huli kong nailapag sa mesa ay ang nasa karton na gatas, sinipat ko ng mabuti 'yon, isang sikat na brand na para sa buntis ang content na gatas.

"Hindi naman ako umiinom nito," nasabi ko. Sa lahat ng kailangan ko sa pagbubuntis ay ang gatas na 'yon ang hindi ko talaga bet. From vitamins to diet, lahat naman 'yon ay sinusunod ko, ekis lang talaga sa isang 'to.

"Ano, ngayon magpapadala siya ng pagkain? Aamuhin ako? Naku! Masiyadong pakitang-tao—" Natigilan ako sa pagsasalita nang may madampot na maliit na piraso ng papel galing sa loob.

Kinabahan ako't napalunok ng laway nang mapagtanto kung kanino galing ang pagkain, at hindi 'yon galing sa asawa ko.

"Ano bang trip ng lalaki na 'yon? Nakulangan ba sa natanggap na suntok galing kay Lance?"

Napapatagsik pa ako habang iniisip kung ano'ng problema ni Aldrin at nagpadala ng makakakain. Ano'ng motive niya?

Hindi pa ba sita nakaka-move on sa akin?

Ay! Napasabunot ako sa aking buhok, nababaliw na ba siya kung gano'n?

Kailangan ko siyang makausap, one on one, dapat tigilan niya ang ganito, married na ako. But wait—narito na naman ako sa pagiging butihing asawa, kinausap ko ang aking sarili't pinaintindi na matatapos din ang role ko. Sooner or later ay maghihiwalay din kami, pinagalitan ko paulit-ulit ang sarili ko dahil parati ko na lang nakakalimutan ang bagay na 'yon.

I was about to get up, balak kong pumunta sa wash room nang maramdaman ang biglang pagsakit ng tiyan ko. Nasapo ko 'yon, at muling napaupo. Naku! Nag-aalburoto na ata ang anak ko dahil hindi pa siya nakakakain ngayong umaga. Nakangiwi na sinulyapan ko ang tumpok ng pagkain sa harapan ko.

Oo na, sige na, kakain na tayo.

Hindi na 'ko naghintay pa ng pasko't sinimulan ng lantakan ang pagkain.

Ini-unat ko ang aking mga braso paitaas nang matapos kong ma-compile ang monthly sales at expenses ng shop. It only means na makakauwi na ako, oh thank goodness.

Nagpaalam na kanina pa ang mga empleyado ko, naisara na rin ang bakeshop kaya sa likuran na lang ako daraan.

Yeah, it was nine in the evening, sobrang late na para sa isang buntis na kagaya ko. Nawa'y makatulog ako ng maaga ngayon at 'wag atakihin ng insomia. Kung no'ng nakaraan ay puro ako tulog ngayon ay hindi na, bigla ang pagbabago ng daily routine ko. Though mahilig pa rin ako'ng mag-isip ng mga walang kabuluhang bagay ay mas naging mataas naman ang work cells ko, siguro'y dala ng sobrang ka-praninang na rin.

Good thing at napaayos kaagad kanina ang baby SUV ko at nautusan si Manong Rudy na dalhin sa shop ang sasakyan, ayoko naman na ngayon ay mapapa-commute na nga ako. Chi-neck ko muna ang bawat locks na mayro'n ang store bago tuluyang umalis, mahirap na, baka manakawan pa 'ko.

Okay na, on guard and safe na to leave. Kinakapa ko ang susi sa loob ng dala kong mini bag nang may pares ng sapatos akong naaniag mula sa sulok ng mga mata ko.

Nagulantang nga ako nang mapagtanto sino ang nagmamay-ari niyon.

"Ay jusko!" Naisapo ko pa ang kamay ko sa aking dibdib. "Ano'ng ginagawa mo rito? Papatayin mo ba ako sa gulat, ha?" Bulyaw ko sa kaniya.

"Kanina pa 'ko naghihintay dito, you're not even picking up your phone," anito sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.

Ano naman ang gusto niyang palabasin ngayon?

Nagsimula akong maglakad palabas, dinaanan ko lang siya't tinungo ang kinapu-pwestuhan ng sasakyan ko.

"Just securing my property, baka may aso na nakabuntot sa lugar na 'to."

Ako naman ngayon ang magkasalubong ang kilay, ang nonsense ng sinasabi niya. At sa'n naman niya napulot ang gano'ng salita?

"Whatever, makakauwi akong mag-isa, hindi mo 'ko pasanin kaya 'wag ka mag-alala. We will be safe, go on with your life." Hindi ko siya nilingon habang nagsasalita ako, bahala siya, magalit ulit siya kung gusto niya, basta't sasabihin ko rin ang nais ko.

"I mean, with your lovelife." Dugtong ko.

"Would you please cut the nonsense? I'm not here to get a fight again, okay?" Ngayo'y nagawa kong tapunan siya ng tingin, seryoso ang bumabakas sa kaniyang mukha, ang mga mata niyang tila nagsasabi rin ng totoo.

Hinarap ko siya ngayon at pinag-cross ang mga braso sa isa't-isa. "Okay then, ano'ng purpose ng pagpunta mo? Ah, let me guess papauwiin mo na ako sa bahay mo kasi natatakot ka na mapagalitan ng mama mo—"

Hindi ko natapos ang pagsasalita nang saluhin niya ang sinasabi ko.

"I admit, that's one of the reason."

Binato ko siya ng napakatalim na tingin, see, 'yon talaga ang dahilan niya, hindi sincere.

"Pero, bukod do'n ay may iba pa. Well, I want to say sorry . . . I know everything was just fake. But still, I should think of what you may feel. Sorry for being to unreasonable . . ."

Nangunot pa ang noo ko sa mga sinasabi niya. Halatang pilit ang pag-sorry nito, panay kasi ang paglunok niya ng laway, na animo'y napipilitan na sabihin ang mha iyon sa akin.

Hindi ako umimik, nakatuon lang ang mga mata ko sa kaniya, kinakalkula ang mga gagawin niyang kilos.

"You know, I'm not good at this matter. Can we have a talk and discuss the further things? We just don't have that communication, kaya tayo nagkakaroon ng misunderstanding," anito. He is still wearing his corporate attire, maghapon din siyang babad sa trabaho pero parang hindi man lang siya na-i-stress.

"Misunderstanding?" Ulit ko.

He didn't answer me, instead he wear a simple smile na ngayon ko lang din nakita.

Well, talking will not be a bad idea for me.

Puwede naman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status