ISANG linggo na ang nakalipas simula noong hindi ko tinantanan si Nathan. Palagi ko siyang hinahabol at sinusundan kahit saan siya magpunta. Hindi ko naman binibigyang pansin ang pagka-inis niya sa akin kasi ginagawa ko lang ang gusto ko.Masyado akong na-excite sa ginagawa ko at hindi ko napansin na isang linggo ko na rin pa lang hindi nakikita at nakaka-usap si Baste. Nasaan na kaya 'yon? Hindi ko man lang nakita ang anino niya kahit saan."Macy?" Pagtawag ko sa kaniya. Iniwan niya muna si Dustine bago lumapit sa akin."What?" Tanong niya."Nakita mo ba si Baste?" Tanong ko sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng kilay bago sumagot. Problema na naman nito? Nagtatanong lang ako tas magtataray na."Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?" Sarkastiko niyang sabi at iniwan ako.Luh? Parang nagtatanong lang naman. "Nandoon sa cafeteria, kumakain mag-isa." Sabi sa akin ni Jacob na biglang sumulpot sa tabi ko. Nagpasalamat na lang ako at umalis na sa tambayan.Nang makapasok ako sa cafeteri
NAGLALAKAD ako ngayon papuntang room namin na mag-isa. Hindi sumabay sa amin si Baste at hindi ko alam kung bakit. Simula kasi noong nakilala ko siya, palagi ko na siyang nakakasama pero nitong mga nakaraang araw lang ay parang iniiwasan na niya ako.What could be the reason?Nang makapasok ako sa room namin ay wala pa din siya. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at saka umupo. "Hi, Dahlia." Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Naka-upo siya ngayon sa upuan ni Baste habang nakangiting nakatingin sa akin. Binaba ko muna ang bag ko bago sumagot."Hi." Nakangiting bati ko pabalik."Gusto ko lang sanang tanungin kung wala na ba kayo ni Nathan?" My mouth can't speak a word when she asked me that question. It literally caught me off guard.I don't know what to answer kasi hindi ko rin naman alam kung mayroon ba talagang kami o wala kasi in the first place ako lang naman ang nag-assume na kami talaga. Pinilit ko lang naman ang nararamdaman ko para sa kagustuhan ko pero kung ang totoo ang
WALA kaming pasok ngayon at nandito ako sa bahay habang nanonood ng TV. Katabi ko si Kuya, he said na wala siyang gagawin at naisip ko na baka pwede naman kaming mag-bonding tulad ng ginagawa namin dati, tutal ay matagal din naming hindi nagagawa ang bagay na 'yon."Kuya?" Pagtawag ko sa kaniya. "Hmm?""Let's go outside, Gala tayo. I miss our bonding together." Sabi ko at hinarap siya. Mahina siyang tumawa bago ako sinagot."Why? Ayaw mo ba na dito na lang tayo sa bahay? Pwede naman na kahit dito na lang." Sagot niya na ikinanguso ko lang."It's so boring here kaya! Ano gagawin natin dito? Manonood lang ng movie tapos naka-upo lang tayo at walang ibang ginagawa? Ang old na ng taste mo." Sabi ko sa kaniya na naging dahilan upang guluhin niya ang buhok ko. Hinipan ko lang ang buhok na nakaharang sa mukha ko at saka ngumuso nang marinig ko siyang tumawa."Ayon din naman ang ginagawa natin dati." Sagot niya. "Ano ba ang gusto mo? Sa labas tayo?" Tanong niya sa akin. Napaisip muna ako kun
NAGISING ako sa hindi ko alam na lugar. Madilim na at alam kong nag-aalala na sa akin sila Mommy. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko nang nasa gilid ako ng tulay. "Where am I? Did I sleep on street?" Tanong ko sa sarili ngunit agad din akong nakaramdam ng takot nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina. 'Yong mga lalaki na balak akong galawin pero may nagligtas sa akin.Tinakpan ko ang sarili ko at napagdesisyunang umalis na at hanapin ang daan pauwi sa amin. "Gusto mo bang mapahamak ka ulit, hija?" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang taong nagsalita. It's an old man holding a plastic of bread and a water. Ang damit niya ay butas butas na rin at ang dumi dumi niya kung titingnan. Umupo siya sa kung saan ako nakahiga kanina at inabot sa akin ang dala dala niya."Alam niyo po ba kung saan ang daan paalis sa lugar na 'to? I need to go home, my families don't know where am I." Sabi ko sa kaniya at lumapit saka umupo sa tabi niy
NANG makalapit sa akin si Kuya ay agad niya akong hinila palapit sa kaniya para yakapin nang mahigpit. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinuri kung may problema ba sa akin."Ayos lang ako, Kuya." Sabi ko sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata at may pag-alalang tiningnan ako."I'm sorry." Sabi niya at muli akong hinila payakap sa kaniya. "Dapat ay sinamahan na lang kita, hindi sana nangyari ang bagay na 'to." Dagdag niya. Yumakap ako sa kaniya pabalik at hinagod ang likod niya."Dahlia a-anak... Saan ka ba nagpupunta ha?" Rinig kong sabi ni Mommy. Humiwalay ako kay Kuya at tiningnan si Mommy na ngayon ay naliligo na rin sa ulan para makalapit sa akin at para yakapin ako. "Sa mall lang naman po." Sagot ko sa kaniya."Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?" Tanong ni Kuya. Nahihiya naman akong kumamot sa batok ko bago sumagot."There's a boy who grabbed it and took it away from me. Hinabol ko siya tapos eto nakarating ako dito." Sagot ko at nakitang nanlaki ang mata niya.
TRIGGER WARNING!—"AHHHH!"Napatingin ako sa sahig nang mahulog ang naputol kong buhok dito. Nanginginig kong tiningnan si Nathan na gulat na gulat na nakatingin sa akin."Y-youre b-back... " Nanlaki ang mata ko nang bitawan niya ang hawak niyang kutsilyo at niyakap ako ng mahigpit. "Helena, b-babe, b-binalikan mo ako... " Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa ginawa niya.I have to admit that, nag-expect ako na ako ang tinutukoy niya pero nang marinig ko pa ang sinabi niya ay doon ako nagising sa katotohanan na hindi nga pala ako ang gusto niya, ang hinahanap niya at ang hinihintay niya.Because I will never be Helena."N-nathan... " Pagtawag ko sa kaniya.Sa isang iglap lang ay nabalik siya sa reyalidad. Tinulak niya ako palayo sa kaniya dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabuti na lamang at katabi ko lang ang pader para ito'y sandalan."What are you doing here!" It's not even a question. The way he said those words in front of me made a strain in my heart. What would I expe
Nang maikalma ako ni Kuya ay tinayo niya ako't inalalayan sa paglabas ng banyo ko at pinaupo sa dulo ng aking kama. Bumalik siya sa loob ng banyo at lumabas nang may hawak na tuwalya.Bagama't hindi nagsasalita, alam ko at ramdam ko ang nanahimik ngunit nagliliyab niyang puso. Marahil ay dahil sa kaniyang nalaman. Kahit ako ay magagalit.Isang taong akala kong walang gagawin sa akin na masama ay isa rin palang taong bumaboy sa akin. Isang taong minahal ko lamang ng lubos ngunit bakit ito ang ibinato sa akin ng tadhana? Kapalaran ko na ba ito o baka naman ay karma ko na dahil sa mga ginawa ko?Gusto ko lang humingi ng kapatawaran sa aking mga nagawa pero may kapalit pala ang paghingi ko ng tawad. Bakit? Bakit ito nangyari sa akin? Ano ang nagawa ko upang gawin niya sa akin ang bagay na 'yon?Kung kasalanan ang magmahal, sana ay hindi ko na lang ginawa. I just want to feel loved, to be appreciated by the person I love, to be seen, to be looked at and to be admired but none of it was giv
Ilang linggo na ang nakalipas at naghahanda na ako para sa aking pag-alis. Hindi pa naman ngayon pero inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko para handa na ito sa araw ng pag-alis ko.Napagdesisyunan kong doon na lang ituloy ang pag-aaral ko at kapag nakatapos na ako at nakapag-graduate na, sasabihin ko kay Daddy na handa na akong pamunuan ang kumpanya.Alam kong maraming pagbabago ang magaganap pero hindi ko na alintana iyon lalo na't gusto ko ring makalimot sa mga nangyari sa akin dito. It may be hard but I'm willing to take risk.I want to forget and live again as the new Dahlia, and in the future I will be strong and brave to whatever the future will give me. I promise that I will never be weak again and no one will break me like how they've wanted. I will not let any man to destroy me just because I'm too good at them, no one will take advantage of me again. I will stand firm and ready to face all the situations.Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko ay umupo ako sa gilid