Share

Chapter 30

NANG makalapit sa akin si Kuya ay agad niya akong hinila palapit sa kaniya para yakapin nang mahigpit. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinuri kung may problema ba sa akin.

"Ayos lang ako, Kuya." Sabi ko sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata at may pag-alalang tiningnan ako.

"I'm sorry." Sabi niya at muli akong hinila payakap sa kaniya. "Dapat ay sinamahan na lang kita, hindi sana nangyari ang bagay na 'to." Dagdag niya. Yumakap ako sa kaniya pabalik at hinagod ang likod niya.

"Dahlia a-anak... Saan ka ba nagpupunta ha?" Rinig kong sabi ni Mommy. Humiwalay ako kay Kuya at tiningnan si Mommy na ngayon ay naliligo na rin sa ulan para makalapit sa akin at para yakapin ako.

"Sa mall lang naman po." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?" Tanong ni Kuya. Nahihiya naman akong kumamot sa batok ko bago sumagot.

"There's a boy who grabbed it and took it away from me. Hinabol ko siya tapos eto nakarating ako dito." Sagot ko at nakitang nanlaki ang mata niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status