Nang makabalik si King ay tulog pa rin si Anastacia. May dala na siyang kasuotan para mamaya sa subastahan. Hindi naman niya puwedeng hindi puntahan si Kristelle. Kung gusto niyang protektahan si Anastacia ay kailangan niyang iwasan ang kanyang ama na makilala o matuklasan man lang ang tungkol dito.
Nakaligo na uli siya nang makalabas siyang gising na si Anastacia at nakahain na ang mga kakainin nila. Nakabihis lamang ‘to ng roba.
“Kumain na muna tayo.” Nakangiting baling nito sa kanya. “Mukhang mahaba ang oras na nakatulog ako, pasensiya ka na, naghintay ka ba nang matagal, mahal?”
Namula sila pareho. Mukhang hindi pa rin sanay sa tawagan.
“Hindi naman, kadarating ko lang din, m-mahal.”
Nagkangitian sila sa huli dahil halatang naiilang sila.
Pumunta na sila sa hapagkainan at kumain.
“Napansin ko, masasarap ang mga pagkain sa Freed Market,” sabi ni Anastacia.
“Ginto an
“Anastacia, Anastacia, Anastacia…”Paulit-ulit kong tawag sa ‘king sarili.Narito ako malapit sa lababo.Nagsusuka na ‘ko dahil sa dami nang iniisip ko.Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng Young Master pero inaasahan ko nang may mangyayari sa kanila nang babaeng makakasama niya.Noon naman ay tanggap ko ang set-up na ‘to, bakit ngayon ay parang hindi ko na matanggap?Pero ayokong maging pabigat sa kanya. Ayokong maramdaman niyang mahirap ang magiging relasyon namin.Nang makaligo ako ay nag-init ako ng tubig at nagkape na lamang muna. Mabuti at kumpleto ang mga kagamitan dito sa loob ng panuluyan.Napansin kong lumalakas ang ulan sa labas. Mas nagiging malamig at nakakapag-isa ang pakiramdam.Ngumiti na lamang ako at pinipilit maging positibo ang aking sarili. Ayoko nang mabuhay sa takot, negatibo, at kung ano-ano pang makasisira sa ‘king nararamdaman.Tuma
KING“Naging Vampire Hunter ako para ipaghiganti ka. Ginawa ko ang lahat makahawak lang nang sandata’t makapasok sa battle ground dahil sa ‘yo. Pero ngayong narito ka, buhay, maghihintay na naman ako sa isang tabi? Paano kung wala na ‘kong hihintayin? Iyon na lamang ba ang palaging ganap ko? Hindi mo ‘ko kailangan protektahan! Kakayanin ko ang sarili ko! Mamili ka, magsasama pa rin tayo o maghihiwalay na tayo?!”Nabigla ako sa sinabi ni Anastacia. Hindi ako kaagad nakaimik. Parang iyong mahinay na babaeng nakilala ko na tila hindi marunong sumigaw ay malakas ang boses ngayon at hinahamon na ‘ko nang hiwalayan.Huminga ‘ko nang malalim at naupo.Naihilamos ko ang palad ko sa ‘king mukha.“Hindi ko na kayang mawala ka uli, hindi ko na ‘yon kakayanin.”Narinig kong sabi niya, madalas niya ‘yong sabihin at tuwing
Pagod ako sa totoo lang, iyong pagod ko kinabukasan ay naging matinding lagnat.Nag-alala siya sa ‘kin kaya nagpatawag siya ng mediko, kaagad naman akong binigyan ng gamot na maiinom. Kakaiba ang gamot at mediko nila, tila ‘yon isang sorcerer kung manamit. Pero hindi naman ako nagdududa sa lalaking ‘yon.“Pasensiya ka na, hindi tayo nakalabas,” sabi ko. Nahihiya ako dahil parang napakahina naman nang katawan ko. Samantalang sanay na sanay na naman ako sa bigat ng gawain.Naupo siya sa gilid ng kama. Katatapos niya lang din naman na ihatid ang lalaking manggagamot.“Ako ang may kasalanan, napuwersa kita nang husto.” Nag-aalalang hinaplos niya ang mukha ko.“Masasanay rin ako, hindi mo kailangan ihingi nang tawad kung hindi mo naman ako pinilit.”“Pero nasaktan pa rin kita—”“Pero mas lamang ‘yong naibigay mo sa ‘kin kesa sa sak
Nasa hapagkainan kami na mayroong napakaraming pagkain. Lahat ‘yon ay espesyal at makikita lamang sa hapagkainan nang napakayamang tao. Dahil hindi lang ‘to basta-basta.“Hindi naman natin kayang ubusin ‘yang lahat,” sabi ko.Nangiti siya. “Huwag kang mag-alala, ang mga puwede pang kainin ng iba ay ipamimigay natin sa nangangailangan. May lugar dito ng mga outcast, gusto ko lang matikman mo rin itong mga gusto kong kainin. Hindi ko lang napansin na ganito na pala karami ang lahat ng na-order ko.”Hindi ko alam kung totoo ‘yon pero natuwa naman ako na may makikinabang sa masasarap na pagkaing ito. Sobra-sobra ito, pang fiestahan na nga ito.Napakaliwanag nang lugar, mayroong tumutugtog na musiko at tila talaga kami nasa ulap.Masaya kaming kumain at nagkuwentuhan. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Iyong bagong siya.Kung tutuusin, tila mas makulay ang buhay niya rito sa bagong
Ibinalik ni King si Anastacia kila Marina at bumalik na rin sa kanila. Ang plano niya sanang isang linggong kasama si Anastacia ay nahinto dahil baka makahalata si Kristelle. Palagi siyang nagtitiim-bagang kapag naaalala niya na kailangan niyang isikreto si Anastacia at ang relasyon nila sa paraang hindi niya dapat sinasabi kay Anastacia.“Bakit nagbalik ka kaagad? Akala ko ay matatagalan ka?” tanong ni Dark sa kanya nang pumasok siya sa entertainment room.“Naroon si Kristelle, nakita niya kami.” Mahinang tugon ni King. Naupo ‘to katabi ni Dark.“Kaya pala mukhang papatay ka ngayon,” natawa ito.“Nasaan ‘yong dalawa?”“May ipinagawa sa kanila si ama. Pero mabuti nga at bumalik ka dahil hinahanap ka niya.”“Anong sinabi ninyo nang hinahanap ako?”“Si Stefan ang sumagot, sabi niya’y nagliliwaliw ka lang dahil nababagot ka na. Pero sabi
“Aaaaaaaah!” Nahila ni Vince ang braso na nakagapos nang malalaking bakal.Hubad ang pang-itaas niya at panay ang hampas nang latigo sa kanyang katawan.Duguan at sugatan na rin siya pero para pa rin siyang hayop na sasagpang ano mang oras kung makakawala ito nang biglaan.“Master, narito ang Vampire Hunter na sinasabi namin sa ‘yo na hindi namin mapatay dahil may potensiyal siya.”Sa labas nang selda ang boses na ‘yon.“Dalhin ninyo siya sa ‘kin sa loob dahil hindi ko gusto ritong makipag-usap.”Umalis si Don Felipe kasama ang dalawang grupo nang guards nito.Ibinaba ng malalaking bampira si Vince sa pagkakagapos. Dahil nanghihina na rin nagawa na ‘tong hilahin matapos iposas ang palad.Lalong nagalit si Vince nang makita ang mga kasamahan niyang pinahirapan din sa iba’t ibang selda. Ang iba’y halos minuto na lamang ang itatagal. Sa galit niya’y naga
Nakabalik na si Stefan at Grim.Sakto ring nakauwi si King dahil mayroon pa lang handaan ang ama.“Nakakalimutan ko talaga taon-taon ang araw na ‘to,” sabi ni Stefan.Naroon sila sa paborito nilang silid.“Ano ba uli ang mayro’n ngayon? Baka bigla akong magkamali,” sabi ni Grim, mukhang nalimutan din.“Kamatayan nang tunay niyang anak na si Drake. Naging bihag siya at pinatay. Seven years ago no’ng mangyari ‘yon, madalas pinagdiriwang niya ‘yon nang masaya at isang handaan. Pero tayo lang mga anak-anakan niya,” sabi ni Dark.Alam din ni King ‘yon, hindi niya lang napansin ang araw dahil sa dami nang kanyang iniisip.Mas lalo pang dumami ang isipin niya. Kailangan niya na talagang seryosohin ang pagtakas o mas mahihirapan lamang si Anastacia sa kanya.“Parang palagi kang problemado? Iyan talaga ang mahirap kapag may babae,” sabi ni
**"King! King! King!" Masayang tumatakbo si Stefan."Saan ka galing?" tanong ni Stefan."Galing ako sa misyon." Sagot ni King sa kapatid."Nariyan pala 'yong babae mo," sabi pa ni Stefan. "Kristelle ba 'yon?"Tumango si King."Bakit may mga sugat ka?" tanong ni Stefan."Sa Gongora ako pumunta.""Pinadala ka ni ama do'n?!" gulat na tanong nito. Naroon sila sa pasilyo."Pagpahingahin mo nga muna ako.""Anong sasabihin ko kay Kristelle? Ilang oras na siyang narito.""Magpapahinga lang ako, kung gusto niya pumunta siya sa kuwarto ko habang nagpapahinga ako.""Wow! Taktika mo rin, eh! Sige-sige!" Dumiretso si King sa kanyang kuwarto. Naglinis muna siya at lumabas ng nakaroba. Tinuyo na niya ang sarili sa paliguan.Nang lumabas siya'y naroon na si Kristelle. Hindi niya nilock ang pintuan para rito. Ngiting-ngiti ito."Sinabi lang ni Don Felipe na parating ka na." Sa kama kaagad ito naupo.