Share

So Handsome

Walang nagawa si Mavis ng itulak siya papasok ni Rumsay sa tunnel. Halos mapasinghap siya ng mabilis siya dumulas don pababa, ramdam niya ang pagsunod ni Rumsay sa kanya. Bumagsak siya sa basurahan na punong-puno ng mga nagunting papel. Mabilis siyang tumayo don at tinanggal ang mga dumikit sa kanya. Hindi nagtagal ay sumunod sa kanya si Rumsay don. Tumayo ito at tinanggal ang suot na cap, tinanggal din nito ang mga nagdikit na papel rito.

Binaba niya ang hood niya pero pinanatili niya ang cap na suot niya. Napatingin siya sa kaharap niya. Seryosong-seryoso ito sa pagtatanggal ng maliliit na papel sa buhok nito. Dahil sa nakalaya ang buhok nito ay madali iyong nilipad ng ihip ng panggabing hangin.

"Paano mo nalaman na nandon ako?" Seryosong tanong niya habang nakamasid rito.

Nahinto ito. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay masama siya nitong tiningnan. Halata ang pagkapikon at hindi pagkatuwa sa kanya.

"Talagang tinanong mo pa yan. I saw you at the monitor of course!" Singhal ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status