Mavis is staring blankly at the ceiling of her room. Mataas na ang sikat ng araw pero nanatili pa rin siya nakahiga sa kama niya. Nakasabog ang mahabang buhok niya sa unan at nakababa ang kamay niya sa magkabilang gilid niya. Ang kumot niya ay magulong nakatakip sa katawan niya.She felt cold, figuratively. Nababalot ng lamig ang puso niya. Narinig niya ang marahang pagkatok sa pintuan ng silid niya pero nanatili siyang walang kibo. Nanatiling nakatulala pa rin."Señorita Mavis?" She heard aling Mara's voice on behind the door. Muli itong kumatok. "Papasok ako," paalam nito, makalipas ang ilang sandali nang hindi pa rin siya sumasagot. Bumukas ang pinto ng silid pero hindi pa rin siya lumingon don. Wala pa ring kibo at nakatanaw pa rin sa kisame."Señorita...." nag-alalang tawag nito sa kanya. Narinig niya ang paglakad nito palapit sa kanya. "Tanghali na, wala ka bang gagawin ngayon?" marahang sabi nito.Hindi siya sumagot. Bumuntong-huminga ito at lumagpas sa kama niya. Tumungo ito
Pumiglas siya sa hawak nito sa kanya nang hindi pa rin ito kumilos para bumaba sa kabayo niya. Mahina itong napamura nang muntikan na siyang mahulog nang lumuwag ang hawak nito."Mavis, stop moving baka mahulog ka.""I said get down!""I'll take you home—"Hindi nito natapos ang sasabihin ng itulak niya ito. Muling lumuwag ang hawak nito sa kanya. Bumaba siya ng kabayo niya nang makawala sa hawak nito. Bumaba ang tingin nito sa kanya. She glared him."Sa'yo na ang kabayo na yan tutal ayaw mo namang bumaba diyan," sabi niya at tinalikuran na ito."Mavis!" tawag nito sa kanya. Narinig niya ang pagtalon nito mula sa kabayo niya at mabilis na paghabol sa kanya.Hinablot nito ang braso niya para pigilan siya. Marahas na binalingan niya ito at walang pasubaling sinapak ito sa mukha na ikinabitaw nito sa kanya. Sapo ang pangang napatingin ito sa kanya. Kanina niya pa gustong gawin iyon. Hindi, mali... una pa lang ay gusto na niyang gawin iyon rito matapos niyang malaman ang katotohanan. Hi
"Sigurado ka ba rito señorita? Talagang makikipagkita ka sa kay chairman Resalde?" Bakas ang pag-alala sa boses ni aling Mara habang nakatingin sa kanya. She keep brushing her hair as she nodded at her. Bumuntong-hininga ito at mas lalong lumala ang pag-alala. Nakatayo ito sa likuran niya at nakatingin sa repleksyon niya sa salamin."But atleast bring a bodyguards," kumbinsi nito.Binaba niya ang hairbrush at tuluyan nang humarap rito. "I don't need it. I can handle this," seryosong sagot niya.Muli itong bumuntong-hininga. Tipid siyang ngumiti rito pero hindi matanggal-tanggal ang pagkakunot ng noo nito. "Don't worry, aling Mara. Sa El Dorado naman kami magkikita. The place is safe.""Ligtas ang lugar pero hindi ang taong kikitain mo señorita."Mahina siyang tumawa. Mas lalo tuloy dumami ang wrinkles nito dahil sa pagkunot ng noo. Maya-maya'y unti-unting nabura ang tawa at ngiti niya. Sumeryoso siya habang ang ginang ay hindi pa rin matanggal ang pag-alala. "Hindi din naman siya
Nagising si Mavis sa init ng sikat nang papalubog na araw na tumatagos sa glass wall na nakapagitan sa silid at balkonaheng karugtong ng silid niya. Gumalaw siya at naramdaman niya ang pagkalaglag ng kumot na nakapatong sa kaniyang katawan. Nang imulat niya ang mga mata niya ay agad na bumungad sa kanya ang pamilyar na kisame ng silid niya. And then she remembered what happened at mabilis siyang bumalikwas ng bangon. Malakas ang tambol ng dibdib niya nang igala niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Mag-isa lang siya sa silid. Ang puting kurtina sa bintana ay marahang iniihip ng hangin. Mula sa labas ay naririnig niya ang mga abalang yabag at boses. Habol niya ang kaniyang paghinga habang bumabalik sa isip niya ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay.Her parents! Ang mama't papa niya... nakita niya ang mga ito. They were there!Napalunok siya. Mabilis na hinawi niya ang kumot sa katawan niya at bumaba ng kama. Suot niya pa rin ang bestida na sinuot niya sa pakikipagkita sa kay c
The next day, Mavis woke up brightly than before. Ramdam niya ang pagkawala ng mabigat na bagay na nakadagan sa puso niya. Hindi pa tapos ang problema, Russell Alejandro is still free. Pero ang kaisipan na kasama niya ang mama at papa niya ngayon, na buhay ang mga ito ang nagtanggal ng malaking bigat sa puso niya. Yon ang nagpahirap sa kanya sa mga nakaraang taon. And now that they're here, it feels everything fine kahit ang dami niya pang iniisip at may problema pa. She's happy... Time fly so fast. Ang pagpaplanong pakikipag-usap kay chairman Resalde at Cyrus ay hindi natuloy dahil sa biglaang problemang dumating. Rumsay was abducted by Russell Alejandro. Nagkagulo ang lahat. Nabuksan ang lahat ng mga nangyari five years ago sa media. She met Cyrus dahil katulad nga ng sinabi ng ama niya ay kakampi sila. He look better and fully healed when he show himself in their mansion with her father. Ramdam niya ang pagkabuhay ng puso niya nang agad na tumungo sa kanya ang mga mata nito at
"You have a luncheon meeting later with Mrs. Esguera. Magkikita rin po kayo ni ma'am Rumsay mamaya after lunch at may board meeting po six pm and also Ms. Jana Giordano requested you to be there in her party tonight and—" Itinaas niya ang kamay niya na ikinahinto ng sekretarya niya sa paglalahad ng mga appointment niya at mga gagawin niya. Napanguso ito at binaba ang notebook na hawak nito. Tumikhim ito. "And Mr. Servillon asked for the papers that he gave you last week, ma'am," patuloy nito bago tinikom ang bibig. Huminga siya ng malalim at napasandal sa swivel chair niya. Ipinatong niya ang ulo niya niya sa tuktok ng backrest ng swivel chair at napapikit. Damn! This is tiring. Umiinit na yata ang pwet niya dahil hindi man lang siya nakatayo dahil sa tambak na trabaho. Humugot siya uli ng malalim na paghinga. "I need a break!" mariing bulong niya. Nang idilat niya ang mga mata niya ay awtomatikong napatayo ng tuwid ang sekretarya niya. Napalunok ito nang masalubong ang tingin ni
"Hindi ko alam, Mavis. Why don't you ask Jana? I am sure na may alam siya sa kay Cyrus."Napabaling siya kay Rumsay na nagmamaneho patungo sa bar na gusto nitong puntahan nilang dalawa. Mariing kinagat niya ang ibabang labi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang puso niya. Hindi mawaglit sa isip niya ang email na natanggap. Halos masaulo na nga niya iyon dahil paulit-ulit niya iyong binasa kanina para siguraduhin na tama ang pagkakabasa niya sa nilalaman at pinanggalingan non.The letter is really came from Cyrus. And what the fuck was that? Marriage proposal? Is he an idiot?"Why did you suddenly ask?" kuryosong tanong ni Rumsay at sandaling bumaling sa kanya. Umiling siya. "I'm just curious..." pagrarason niya at nag-iwas ng tingin. Wala nang muling nagsalita sa kanila. Tahimik na nagpapatuloy sa pagmamaneho si Rumsay habang paulit-ulit niya namang iniisip ang email na natanggap. Mariing tinikom niya ang labi niya. Nakabalik na ba si Cyrus? Kung rito nga galing iyo
Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa lalaking nasa harap niya at mahigpit na nakapulupot sa beywang niya ang kamay. Ang kulay berde nitong mga mata ay tumitingkad kapag nadadaanan ng puting ilaw na umiikot sa buong dance floor. Ang galit at iritang nakita niya kanina sa mukha nito ay unti-unting nabubura at napapalitan ng paghanga at emosyong hirap siyang basahin habang nakatitig ito sa kanya. What was it? Pangungulila? Pagmamahal? She can't name it...Mas lumawak ang ngiti niya. Umangat ang kamay niya at pinulupot iyon sa batok nito na ikinatulos nito sa kinatatayuan, kita ang pagkabigla sa mukha nito. Bahagyang namilog ang mga mata nito, umawang ang labi nito nang tumingkayad siya at nilapit ang mukha rito. Tila itong nahipnostismo habang nakatitig sa kanya, tila lunod na lunod pero walang bakas sa mukha nito ang kagustuhang umahon.Nanlabo ang lahat sa paligid, nawala ang malakas na ingay, magulong mga tao at ang umiikot na paiba't ibang kulay. Biglang