Share

Memorable

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Nanatiling nakabukas ang labi nito habang sinusuyod ng tingin ang mukha niya. Hindi niya mabasa ang sumasayaw na emosyon sa madilim na kulay na mga mata nito. Nanatili ang maaliwalas na ngiti niya habang pinagmamasdan ito.

Titig na titig ito sa kanya. Pinagmamasdan siya na para bang may kakaiba sa kanya. Sinusuyod siya nito ng tingin at palipat-lipat sa buhok, mata at nakangiting labi niya ang tingin nito.

"You tied up your hair...," puna nito.

Nakagat niya ang ibabang labi niya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa pinuna nito. Ano naman ang sasabihin niya na naalala niya ito kanina kaya tinali niya ang buhok niya dahil sa sinabi nito? Hoping that he will like it.

Mas napatitig ito sa kanya. Ilang sandali lang itong namamanghang nakatingin sa kanya na tila ba namamalikmata bago dahan-dahang umangat ang gilid ng labi nito para sa isang matamis na ngiti.

Napahawak siya sa strap ng sling bag niya sa harapan.

"You look more pretty," puri nito hab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status