Flashback"At the exit of Cerro Roca, may itim na van na susundo sa iyo. Sumama ka sa kanila dahil sila na rin ang kukuha sa ama at kapatid mo. Ihahatid ka nila sa lugar kung saan mananatili kayo until I order you to leave soon. Kailangan ko lang siguraduhin na hindi kayo tatakas."Pinahid ko ang mga luha sa mata habang mataman na nakikinig kay Ymir. Nang masiguro kong mahimbing na na natutulog si Cholo ay umiskapo na ako patungo sa mansiyon ng mga Asturia. Ang bilin ni Ymir sa akin ay kakatagpuin niya ako guardhouse ng mansiyon. Ngayong gabi ang usapan namin ng kapatid ni Elizabeth na aalis na ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito pero iisang bagay lang ang alam kong siguradong mangyayari. Magagalit sa akin si Cholo at isusumpa niya ako dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. Ako na nangakong tutulungan siya. Ako na nagsabing hindi ko siya iiwanan ay nauna nang lumayo.Labag man sa aking kalooban ang gagawin ay wala na akong magagawa pa. Ito na ang itinakda
Simula ng mangyari ang mga nangyari sa akin, hindi na kailanman ako natahimik. The pain, the torture I have to go through kept my days lonely and my nights sleepless. I was writhing for something to satisfy my deep yearning for sweet rebuttal.They said revenge is not ours, it's God's but I'm just a human with frailties. I cannot for all that happened to me let this go easily. I wanted to get even and being evil is all I needed to be. I needed to be like this. I needed to be a wicked Mrs. Gastrell.For all the shits I have experienced, for all the gunks I have tasted, there's only one way to pay this forward. Cholo is the way and the only way.But... the enfeeblement in me is growing as I looked upon my husband who's staring at something in his palms. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa nakabukas nitong palad. Nakatayo ito sa may bungad ng hagdan at nakatulala sa kamay. The look on his face reminded me of the past Cholo I loved. Those grey tantalizing eyes which soften e
FlashbackIlang linggo rin kaming parang mga hayop na nakakulong sa loob ng malaking hawla. Hindi kami makalabas ng malawak na lupain dahil nakabantay ang mga armadong tauhan ni Ymir sa paligid nito. Nang minsang nagtangka akong pumuslit para makahanap ng tulong ay iniumang sa akin ng isang lalaki ang baril nito. Namumutla at nanginginig na wala na akong nagawa kundi bumalik sa bahay. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may nakaimbak na pagkain sa loob. Hindi kami magugutom sa mga susunod pa na araw.Pero ang higit kong ipinagaalala ay ang kalagayan ni tatay. Wala akong balita kung ano na ba ang nangyari sa kaniya, kung nasaan ba siya at kung maayos ba siyang nakakakain. Miss na miss ko na ang ama. Mag-dadalawang buwan ko na rin siyang hindi nakita magmula noong bumalik ako sa Cerro Roca.Mababaliw na ako sa kakaisip kung napa'no na ba siya. Kahit anong pakiusap ko sa mga nagbabantay sa amin ay ayaw nila akong pagbigyan na kausapin si Ymir. Kahit ilang beses na akong lumuhod, umiyak
"Hey are you okay? Karina?"Ang tinig ni Cholo ang pumukaw sa kanina ko pa na naglalakbay na diwa. I turned to him who's intently staring at me from his seat. Akala ko ay busy pa rin ito sa ginagawa kanina sa laptop.I slowly nodded."Yeah, I'm good." Tumanaw ako sa labas ng kotse. Puro kakahuyan na ang nadadaanan namin. "Malayo pa ba or are we here already?" kunwari ay tanong ko."We'll be there in thirty minutes. Do you need anything? Nagugutom ka ba? Are you thirsty? Do you need to pee?"Nangingiting umiling ako. "No. This moment is so precious to let it go. Minsan lang tayo magkasama na ganito. I might as well talk to you."Tuluyan na nitong isinarado ang laptop at itinabi. "You want us to talk? Sure. What do you want to know?" Umisod siya papunta sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko, ipinatong sa hita nito, at nilaro ang singsing sa daliri ko."Anything. Magkuwento ka. How about this project you're so excited about?" ani ko."Hindi pa naman talaga kicking ang project na i
Flashback"Uy ate, nakauwi ka na pala. Saan si tatay? Nagluto ako ng paborito niyang adobong kangkong. Nilagyan ko ng maraming karne. Binigyan ko na rin ang mga kaibigan mo sa labas. Sandali lang at iinitin ko ang ulam sa kalan."Masiglang tumayo si Diego at kinuha ang tinakpan na plato sa lamesa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng pinto.Paano ko ba sasabihin sa kaniya na wala na si tatay? Paano ko ba idedetalye sa kaniya na kakatapos lang namin na ilibing ang ama? Wala pa ngang tatlumpung minuto ay natapos na nila. Tinabunan na nila ng lupa si tatay at sinemento sa ibabaw. Mali pa ang spelling ng pangalan nito.Ganoon lang kadali. Ganoon lang nila kadaling nilapastangan ang ama ko. Bakit? Dahil ba mahirap lang kami o dahil nagpakita ako ng pagtutol sa kagustuhan nila? Bakit ganoon sila kadaling kumitil ng buhay? Alikabok lang ba para sa kanila ang buhay ng isang tao? Pero bakit? Oo, marami silang pera at maimpluwensiya pero tao rin sila kagaya ko. Humihing
"What's the matter? The meeting didn't go well?" pukaw ko sa tahimik na si Cholo.He was standing at the terrace, shirtless, and sipping with his wine. His face is hard and so is his grip on the body of the glass.He didn't move until the last of his drink was dried out. "Nothing that cannot be resolved."Bumuntung-hininga na lumapit ako rito at kinuha ang wala ng laman na baso sa kamay nito at ibinaba sa kalapit na mesa. The day I thought to be a bomb turned out to be an uneventful one. Matapos ang brief na pagpapakilala sa akin ni Cholo kay Maverick ay diretso na sa business ang pinag-usapan ng lahat. Mukhang hindi naman nagduda si Cholo sa ugnayan namin ng kaugnayan. Akala ko nga ay babalewalain na naman ng asawa ang presensiya ko but I was wrong. He never let go of my hand even when we were inside the conference hall owned by the secretary. I would have been beaming in happiness if it were not for Maverick's presence. I was on my toes for the rest of the time that he's with us
FlashbackGusto ko na ring sumunod sa kanila kasi wala nang kwenta ang mabuhay pa. Ginawa ko ang lahat, nagpakahirap ako para sa kanila kaya ngayong wala na sila sa mundong ito, wala nang rason para ipagpatuloy pa ang pagdurusa ko.Kasi bakit pa ba ako lalaban kung wala nang dahilan? Patay na ang ama at kapatid ko. Para saan pa ang mabuhay kung wala na sila sa aking tabi? Siguro sasabihin ng iba na dapat akong mabuhay para sa sarili ko pero paano kung pati sarili ko ay sumusuko na? Buong buhay ko ay ang pamilya ang pinakasentro ng buhay ko. Sila ang naging buhay para sa akin.Ayoko na. Ayoko nang maghintay ng umaga pa. Miss na miss ko na silang dalawa. Gusto ko na uli silang makita. Gusto ko na uli silang mayakap at humingi ng tawad kasi kung hindi ko hinayaang mahulog ang puso kay Cholo, hindi pa sana sila ngayon patay. Nagpakatanga ako at nangarap ng gising.Ang akala ko ay mapanghahawakan ko ang mga salita ni Cholo na kaya niya akong pangalagaan, na poprotektahan niya ako pero na
"Ma'am, I am sorry but I cannot give you an access to Mr. Cholo's penthouse. Wala po kayong permission. That's against our protocol po."I rolled my eyes at the receptionist and crossed my arms in my chest. Umagang-umaga pero mukhang may masasampolan na naman ako. Why do people like her always barred my presence? "Isn't the weather nice today? It's sunny and windy at the same time. Look at the fair blue skies outside. Everybody's smiling! The birds are chirping!"Naging tabingi ang professional na ngiti nito sa akin na nauwi sa ngiwi kalaunan."Ma'am? Come again po?"Hinubad ko na ang suot na sunglasses at nginitian ng buong tamis ang babae na nagngangalang Shane base na rin sa nameplate nito. Itinukod ko ang siko sa counter ng receptionist's area at nilaro ang buhok nito."Hindi ka ba nakikitsismis tungkol sa latest development ng dramarama sa hapon dito sa Cerro Roca? I heard there's a wicked scorning wife whose back in town to get her husband back from his princess mistress. Ah! A