Share

CHAPTER 3.1: THALIA, THE LAND OF THE WITCHES AND WARLOCKS

Nagising ako dahil sa isang tawag sa cellphone ko. Nagmissed call pala si Mommy sa akin ng tatlong beses tapos tatlong text din ang natanggap ko, still galing sa kanya. 

From Mom:

Kamusta ka na anak?

Congratulations sa iyo anak. Proud na proud ako sa iyo.

Btw, late na pala. Sige, tulog ka lang ng mahimbing anak. Good night. 

Nagreply ako agad. 

To Mom: 

Okay lang po ako Mommy. Thank you po. Promise po gagalingan ko pa po. Isa akong Regalia kaya dapat hindi ako matatalo. Tulog na rin po kayo ng mahimbing Mommy. I miss you po. 

Wala akong maayos na tulog dalawang gabi na, kaya lutang ako sa klase buong araw. Naging tampuhan ako ng bully ng mga alipores nung Julianna Sutton na iyon. Bunsong anak pala siya ng governor ng Antheia kaya naman ganon na lang ang pakikitungo sa kanya ng mga estudyante at pakikitungo niya sa amin. 

Tss, mapagmataas siya. Porket anak siya ng governor, ganyan na siya? Buti pa sana kung anak siya ng hari at reyna, kaso hindi eh. 

"Stop ranting," Marina stated. "May point ka pero wala rin naman tayong magagawa." 

Yup, tama siya. Isa pa, pareho lang kami ng estado ng b*tchesang Julianna na yun. Siya, anak siya ng governor ng Antheia. Ako, anak ako ng governess ng Aurora. Ang pinagkaiba lang namin, siya lumaki dito habang ako ay sa Earth. Tsk, subukan niya akong yabangan, paduduguin ko ilong nun. 

Marina laughed all of a sudden and we three looked to her. "Hindi ka talaga mapipigilan sa pagra-rant ano?" 

"Nakakairita kasi!" depensa ko at kumain na lang ulit. "Sino ba siya para magyabang? Pareho lang naman kami." 

Lia and Freesia are both clueless kaya naman nagsalita ulit si Marina. "She's ranting about that girl." 

They both nodded as if they got it. "Pareho lang naman talaga kayo. Pare-pareho lang tayong lahat," Lia explained. "Pare-pareho lang tayong mga estudyante na pinag-aaralan ang mga magic at ability natin. Though, iba-iba ang social hierarchy natin at race." 

"Kahit pa magkakaiba tayo ng race or pwesto sa social hierarchy, mga damit lang na lalabhan ang dapat pinagseseperate." 

Freesia agreed to my statement, "Bet ko yan! Pare-pareho naman tayong mga superhumans eh." 

Pabalik na kami ng dorm namin nang may isang lalaking parang butler ang lumapit sa amin. Yumuko siya at nagsalita. "Miss Regalia, pinapatawag po kayo ni Headmistress Calla." 

"Ako?" The three glared at me. "Sabi ko nga, ako. Sige po."

Nagpunta kaming tatlo sa Office of the Academy Headmistress at sinamahan ako ng butler sa loob. Pero ang sumalubong sa amin, nag-aaway na lalaki at babae. Hindi naman seryosong away, parang naiinis lang si Tita Calla then yung lalaki naman ay natawa lang. 

"Lumayas ka sa opisina ko Carob!" 

"No way!" Then the guy, most probably Tita Calla pertains to as Carob, laughed. 

Nagkatinginan kami nung butler. He cleared his throat to get their attention. "Headmistress, Headmaster, nandito na po si Miss Regalia." 

"Lagi ba silang ganyan?" I whispered to the butler. 

"Kapag hindi po busy si Headmaster, opo," the butler answered in a low voice. "Kapag busy po ang Headmaster, siya naman po ang ginugulo ng Headmistress." 

Ay. Kaya pala. 

"Ahrina Tantiana Regalia?" The Headmaster exclaimed and nodded. "Inaanak ko! Ang laki mo na!" 

Ha? Inaanak? 

"Carob Mildred!" malakas na sigaw ni Tita Calla kay Headmaster. Shems, nakabingi. "Lumayo ka kay Ahrina akung ayaw mong gawin kitang puno!" 

Headmaster patted my head and grinned. "Ikaw na bahala kay Ate Calla ah. May gagawin pa ako sa opisina ko, okie? Bye-bye!" He vanished all of a sudden and kumalma na rin si Tita Calla. 

"Pagpasensyahan mo na yung kapatid ko." I nodded to Tita Calla. "Nga pala, nasabihan ka na ba ni Collin tungkol sa pagpunta sa Thalia bukas?" 

"Opo." She nodded and sat to her chair. "Bakit niyo po pala ako pinatawag?" 

"Lumabas na ang ability mo, Ahrina. In a span of three days. Yung magic mo ay wind. Ang wind magic ay isa sa mga elemental magic kaya naman naidagdag na ang pangalan mo sa mga high-ranking magicians. Bilang isang high-ranking mage, kailangan mo na agad magtraining. Nasabi na rin ba iyon sa iyo ni Collin?" 

I nodded. "Opo. Si Crimson daw po ang training partner ko." Baka pwede kong irequest sa kanya na ibahin ang partner ko. "Uh, Tita Calla, baka pwedeng si Freesia—" 

"Hindi pwede, Ahrina. Siguro naman nasabi na rin sa iyo na si Ms. Davis ay subtype mage at si Mr. Torren ay kagaya mo na elemental mage. Isa pa, si Mr. Torren ang pinakamalakas sa lahat ng elemental mages sa buong Academy kaya mas matututo ka sa kanya." 

"Pero Tita—" 

"Yun ang mas makabubuti sa iyo, Ahrina." She smiled. "Gusto kong maghanda ka na para sa mangyayari bukas. Ihanda mo na rin ang sarili mo dahil magsisimula na rin ang training niyo sa makalawa." 

I nodded. "Sige po, Tita." 

"Kinamusta ka sa akin ni Amber kanina at sinabi ko ang lahat. Medyo nainis siya kasi bakit daw kita hinayaan na magkasugat pero sinabi ko na parte iyon ng training mo. Yung nangyari nga pala sa iyo nung kahapon, masyado mong ginamit ang lahat ng lakas mo kaya ka nawalan ng malay," she added and gazed to my pendant. "Kamusta yan?" 

"Po?" I touched my pendant and showed it to her. "Okay naman po." 

"Hindi ba umilaw?" I shook my head. "Hindi pa nalabas ang tunay mong magic." 

"Po?" Narinig ko, oo, pero hindi ko na-gets ang point niya. Anong ibig sabihin niya sa hindi pa nalabas ang tunay kong magic? Hindi pa ba sapat yung wind magic? Tsaka umilaw? Umiilaw ba itong pendant na ito? 

She shook her head and smiled. "Itago mo na yan. Yun lang ang mga gusto kong sabihin sa iyo." 

Sinunod ko ang sinabi niya at ngumiti na rin. "Sige po. Aalis na po ako." 

Bago ako tuluyang makalabas, narinig kong tinawag ni Tita ang butler at inutusan ulit ito. "Dalhin mo si Crimson Torren at Collin Shallows dito. Gusto ko silang makausap ngayon din." For what reason? Ano kayang meron?

"Kumusta?" bungad sa akin ni Lia. "Mataas kasi ang ward dito sa office ni Headmistress kaya walang marinig si Freesia." 

"Okay lang. Kinamusta lang ako ni Mommy. Sinabihan din ako ni Headmistress na magsisimula na ang training ko after ng trip bukas sa Thalia." Hindi ko na binanggit yung tungkol sa pendant ko dahil hindi ko rin naman na-gets. Tsaka, mas lalo lang silang magiging curious, madadamay ako for sure. Though saglit ko pa lang sila nakakasama, tingin ko napakamausisa nila sa lahat ng bagay.

Marina nodded. "Sige. Balik na tayo sa dorm." 

Nagpalit na kami ng damit at tumambay lang ako dito sa loob ng kwarto namin ni Lia. Hangga't maaari, iniiwasan kong mag-isip ng kung anu-ano dahil baka malaman ni Marina. Pero may isang bagay ako na hindi ko mapigilang maisip. 

Isa na akong elemental mage at wind ang magic ko. Ang ability ko ay ability mimicry, ang rarest ability sa mga mages at common sa mga sorcerer at sorceress. Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko, hindi ito ang magic at ability ko. Pakiramdam ko, hindi pa talaga ito ang meron ako. Pakiramdam ko, meron pang part sa sarili ko na hindi ko pa nadi-discover.

꧁——————————꧂

Lahat ng mga estudyante maliban sa witches at warlocks ay sumakay na sa school buses ng Academy. Sila Lia kasi, nauna nang umalis para maghanda sa pagdating naming lahat. Ang ability ni Lia ay illusionary magic kaya naman isa siya sa magsasailalim sa amin sa test whatever pagkarating namin doon sa Thalia. 

Ang Thalia ay nasa northwest part ng Antheia at two hours ang biyahe papunta roon. Si Freesia ay nagsalpak ng earphones sa tenga niya dahil sabi niya, paniguardong mahihilo siya kung maraming boses ang maririnig niya habang nasa biyahe. Si Marina naman ay tulog na. Nasa harapan namin siya at may katabi siyang babae na kaklase din namin. 

Umandar na ang bus namin at tinahak na ang daan papunta sa Thalia. Gusto ko sanang matulog kaso, ayaw ng sarili ko kaya nakasilip lang ako sa labas ng bintana. Marami kaming mga nadaanan pero iisa lang ang napansin ko. Kahit nasa Magic World kami, para parin akong nasa Earth dahil sa kilos ng karamihan at yung industries nila. 

Namangha ako sa lugar ng Thalia. Like, nasa Hogwarts ba kami? Ang ganda rito. Baka naman nananaginip lang ako. Or baka naman nasa set lang kami ng Harry Potter movies? 

Bumaba na kami ng bus at isang witch ang sumalubong sa amin. Their outfits, para silang napag-iwanan sa Medieval era. "Welcome to the land of witches and warlocks, young magicians. Alam niyo naman na siguro ang mangyayari ngayong nandito na kayo sa Thalia, hindi ba?" 

Hindi po. Please tell me po. 

"So, good luck to all of you, young magicians." 

All I heard is a snap and everything went black.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status