Share

CHAPTER 3.2: THE PROPHECY

Nagising ako nang bumagsak ako sa lupa. Like wow, how did they do that? 

Ako lang ang mag-isa sa gubat na ito kaya naman minabuti kong gumalaw na kesa maghintay. "Freesia! Marina!" Sh*t, kaya ko bang gawin yung ginawa ko nung isang araw? 

Napahinto ako ng isang puting wolf ang sumalubong sa akin. Akala ko susunggaban niya ako, pero dadaan lang pala sa gilid ko! 

Palakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Ewan ko ba kung saan ako papunta basta bahala na. 

Isa na namang puting wolf ang nakasalubong ko pero hindi katulad nung kanina, nakatitig sa akin ang wolf at naglalaway. Gosh, wag mong sabihin na gusto akong kainin ng asong 'to. 

Biglang tumakbo sa akin yung wolf kaya napatakbo ako sa gilid. Huminto siya nung huminto ako. And wag ka, nakipag-staring contest pa siya sa akin. Dapat kung sino manalo, kakainin yung natalo. 'Di joke lang, 'di ako cannibal. Masyado akong maganda para maging cannibal. 

Ayt, ba't cannibal? Animal nga pala ang wolf. 

"Ah t*ngina! Shoo!" I shouted and the wolf tried to go near me. Nagulat na lang ako ng biglang nakarinig ng iyak tapos parang may tumama sa puno. Pagdilat ko, nakita ko yung wolf na humampas pala sa puno. Umalis na lang siya. "Bye bye! Cute mo sana kaso masyado kang wild!" 

"Ahrina!" Tumingin ako sa direksyon kung saan ko narinig yung sigaw at nakita ko si Freesia. "Oh my god ikaw nga Ahrina!" Freesia hurried to me and hugged me tight. Ano teh, isang dekadang hindi nagkita? "Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" 

"Para kang si Mommy." She laughed. "Okay lang ako. Ikaw?" 

We started heading somewhere. "Okay lang din ako. Napalaban lang ng onti and nakita kita nung humangin bigla ng malakas." 

I nodded. "Under illusion na ba tayong lahat?" She nodded too. "Paano 'yon?" 

"Katulad lang ng ginawa mo kay Julianna. Kaya lang, yung mga katawan natin naka-steady lang and isip lang natin ang gumagana. Though our faces show reactions pero hanggang dun lang yun." Wow. 

Napahinto kami ng makarinig ng mga paggalaw ng puno at sigaw. "Ang dami kong pinoproblema, dumagdag pa kayo mga panget kayo! Ah p*ste, makakalbo ko talaga si Lia mamaya!" Isang pagbunot ng puno at pagtama na naman ang narinig namin. "Bw*sit kayo!" 

Freesia turned to me and smiled sarcastically. "Si Marina." 

Pinuntahan namin si Marina at tinulungan siya sa pagpatay sa isang batalyon ng mga-ano 'to? Half-blood? Kalahating Slenderman, kalahating hipon na nasa lupa? Bw*sit na yan. 

Hindi sila namamatay sa hangin kaya naman ginamit ni Freesia ang magic niya. And naging effective naman kaya ang ginawa naming tatlo, si Marina muna ang papatay, then pagsasama-samahin ko ang isang kumpol ng mga panget na ito tapos saka gagawing yelo ni Freesia. 

Nag-apir kaming tatlo sa isa't isa at umalis na. Papunta na naman kami sa kung saan. May mga nadadaanan kaming mga wild animals na cross-breed din and madali lang sila mapatay. Gagamitin lang ni Marina ang telekinesis niya and sasaksakin na yung hayop. Or si Freesia na gagawa ng matulis na yelo and gagawin din ang ginawa ni Marina. Or papalutangin ko yung animal tapos ibabagsak ng bigla and repeat hanggang mamatay. 

Illusion lang naman daw kasi ito kaya okay lang. Ang masama, sa totoong buhay na. Jusko baka nga hindi na ako makalabas ng buhay dito. Totoong patay na ako. 

"Teka." Tumigil kaming tatlo at nakahinto lang si Freesia sa tabi namin. "May naririnig ako." 

"Malamang may tenga ka." Agad akong umiwas bago pa ako mabatukan ni Freesia. "So anong naririnig niyo, Ms. Davis? Boses ko?" 

She smiled and looked to me and Marina. "Maliban sa napakapanget mong boses, malapit lang sa atin sila Thor baby." Jusko, heto na naman tayo. Makikita ko na naman yang Crimson Ul*l na yan. 

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at tumingin kami kung saan galing ang tunog na iyon. Magkakasama silang tatlo. Si Crimson Ul*l, Blake, at Thoreau. "Sa tingin ko, necromancers ang mga kalaban nila." Napatingin si Freesia kay Marina habang ako ay tinitignang maigi kung anong itsura ng mga necromancers. 

Nagulat ako ng parang nag-zoom yung paningin ko. "Woah. Ang galing! Parang camera lens yung mata ko." Tinignan ko yung bawat necromancers. Nakaiitim sila na hood tapos parang itim na usok yung nasa loob. "So ano sila? Ghouls?" 

"Literally." Tumingin ako kay Freesia at umayos na ang paningin ko. "Anyways, what do you mean sa sinabi mong parang camera lens yung mata mo?" 

I grinned. "Nag-zoom in yung paningin ko habang tinitignan ko yung bawat necromancers. And alam mo ba, si Thoreau mo, may sugat." I turned to Marina. "Pati si Blake." 

Agad akong nagtakip ng tenga bago pa sumigaw yung dalawa. "Ano! May sugat sila?" 

Sinamaan ko sila ng tingin. "Hindi, wala. Ako, ako yung may sugat hindi sila." Sinamaan din nila ako ng tingin. "T*ngina, paulit-ulit? Meron nga silang sugat, p*steng yan. At saka, makasigaw kayo parang tatlong bundok ang layo ko sa inyo ah." 

Marina laughed and hugged me from right. "Ay sorry na po. Nagulat lang kami syempre. Crush namin yung may sugat." 

"Oo na. So anong balak niyo?"

Calling the attention of Norse god of mischief Loki, t*ngina mo po sagad hanggang bone marrow. Pa'no ba naman kasi, isinama ako ng dalawang babaeng ito papunta dito kina Crimson Ul*l. Isang necromancer pa nga ang sumugod kay Freesia, mabuti na lang ginawa niyang yelo agad. 

"Tss, bakit kayo nandito?" 

"Kasi wala kami doon?" Sinamaan ako ng tingin si Crimson Ul*l kaya sinamaan ko din siya ng tingin. "At least sinagot ko tanong mo, Ul*l." 

"Anong sabi mo?" pagalit niya sigaw. Oops, nadulas ako. Daming floor wax na kulay pula. 

"Nang-inis pa nga," Marina whispered. "May side effect yata kay Ahrina yung illusionary magic nila Lia, pagpasensyahan niyo na." 

Napatingin kaming lahat sa paligid. Anim lang kami, pero ang mga kalaban namin, isang batalyon ng mga multong naka-kapa. Multo version 2.0. Ay, kulto pala hindi multo. "Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kanila. 

"Baka tititigan sila," tamad na sagot ni Crimson. 

"Sige gawin natin. Baka bigla silang maging tao tulad ni Casper." Sinamaan niya ulit ako ng tingin kaya ginawa ko rin sa kanya. Wala ni isa sa amin ang kumurap. Never akong nagpatalo at oo, medyo prideful ako. 

"Come on guys! Mamaya na kayo magsagutan pwede?" Freesia yelled. "Padagdag na sila ng padagdag oh!" 

Gumawa si Blake ng smoke wall para pang-depensa namin. Ginamit naman ni Marina ang kanyang ability para lamunin ng lupa ang ilang necromances. Nagawa niya naman, kaso nadadagdagan talaga silang lahat. 

Si Crimson Ul*l ay gumawa ng dalawang bola na pitch black ang kulay sa pareho niyang mga palad. Gamit ang isang daliri ay parehong hinawakan ni Thoreau ang dalawang bola at para bang nimbus cloud na may mga kidlat sa paligid ang nasa mga palad ni Crimson ngayon. Pareho niya itong itinutok sa magkabilang gilid at parang bomba na sumabog. 

Salamat sa ginawang smoke wall ni Blake, hindi kami naapektuhan. Si Thoreau, patuloy sa pagiging real-life Pikachu dahil sa mga lightning bolts niya. Si Freesia naman, ginagawang yelo ang bawat isang necromancer tapos ay tutunawin para maging tubig. 

Sa totoo lang, ako lang ang nakatunganga. Hindi ko alam ang gagawin ko eh. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. 

"Lia Edwards!" inis na sigaw ni Freesia. "'Wag kang magpapakita sa akin kundi gagawin kitang yelo!" Tumawa kami ni Marina kay Freesia. "Maski anino mo Lia! Sinabihan kita na wag maging harsh! Pero ano itong ginagawa niyo? Mga mandadaya kayo!" 

"Walang magagawa yang pagsigaw mo dahil tinatawanan ka lang nila, panigurado," Blake stated and gazed to me. "Tutunganga ka lang?" 

"Ano bang gagawin ko?" 

Sumingit si Crimson Ul*l sa usapan namin. "Ayan. Dada ng dada, wala namang kayang gawin." 

"Excuse me, Ul*l. Baka nakakalimutan mong sa Earth ako tumira sa loob ng labing-pitong taon. Isa pa, ni hindi ko nga alam kung paano kontrolin itong magic ko eh." 

Blake asked me again. "Kung gano'n, how did you ended up beating Julianna?" 

I glanced at Thoreau. "Sabi niya sa akin, gawin ko kung ano ang nakita ko. So, hinayaan ko ang isip ko na gumawa nun." 

He nodded. "She told me that she saw what will happen that time. Knowing that she has no enough knowledge about everything, I just told her to do what she saw." 

"Precognition, my ass," Crimson Ul*l mumbled. 

Biglang may mga necromancers na humahampas sa smoke wall. Si Blake naman ay nahirapan na rin kaya mas lalo nilang inayos ang pag-atake. Gosh, anong gagawin ko dito? Maghe-hello sa bawat necromancers at sasabihing mag-subscribe sa channel ko? 

"Hindi ko na kaya," Blake told us all. "Meron na rin sa itaas." Napatingin ako sa taas at meron nga doon. 

Nagsalita si Freesia, "Tanggalin mo na, Blake. Ako naman ang gagawa. On count of three." 

"Three." Ayos ah. 

Tinanggal na ni Blake ang smoke wall at bumuo ng ice dome si Freesia. Kaso, biglang nabasag yung nasa taas dahil sa scythe noong isang necromancer. Grim reaper ang peg. 

Nagulat na lang ako ng papunta ito kay Freesia. "Freesia!" sigaw ko at mabilis na lumapit sa kanya. Itinapat ko ang kaliwang palad ko sa limang necromancer at nagulat ako ng hindi hangin ang lumabas. Kahit silang lima napatingin sa akin dahil sa ginawa ko. 

Awtomatikong gumalaw ang kanang palad ko nang nabasag ang buong ice dome at isang tila light beam ang lumabas mula rito. Nagiging abo ang bawat tinatamaan ng apoy at ilaw. 

Bumalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang paso sa kaliwang kamay ko at nanghihina na rin ako. "Hindi ko na kaya!" sigaw ko at mas lalong lumakas ang apoy sa kaliwa. 

Nahagip ng mata ko na si Crimson Ul*l ang unang gumalaw para patayin ang iba pang necromancers at sumunod na rin ang iba. Unti-unting nawala ang apoy at ilaw sa pareho kong palad at napaupo na lang sa sahig. Ang init pareho ng kamay ko. 

Pero ang tanong ngayon, paano? Paano ko nagawa yun? Paanong dalawang magkaibang magic ang lumabas sa dalawa kong palad? Subconcious mind ko ba ang kumokontrol? 

Unti-unti akong tumayo at inalalayan ako ni Marina. Saktong pagkaharap ko sa kanan ko ay isang scythe ang sumaksak sa hita ko. Pero ang mas nakapagtataka, wala akong maramdamang sakit. Kusang gumalaw na naman ang kanang palad ko at tinunaw ang isang grupo ng mga necromancers gamit lang ang ilaw. 

Naramdaman ko yung sakit ng nawala na rin yung scythe. Ang sakit, put*ena. Hindi ko kaya ito. Ang sakit na ng buong katawan ko. Para akong nagtrabaho ng isang taon, dere-derecho at walang tulog o pahinga man lang. 

Nagising ako ng maramdaman na may nagbabalot ng kung ano sa hita ko. Agad akong napaupo at nakahinga ng maluwag ng isang babae ang nasa harapan ko. "Gising ka na, babaeng nasa propesiya." Propesiya? "Ako si Celeste at ako ang pinuno ng lahat ng mga witches." 

Umayos ako ng upo at ipinagpatuloy niya na ang paglalagay ng telang sa paligid ng hita ko. May mga dahon na nakabalot din at kulay violet ang mga iyon. Baka talbos ng kamote. Pero malaki eh, parang dahon ng gabi kaya natatakpan yung buong hita ko. "Ano pong ibig niyong sabihin sa propesiya?" 

"Isang babae ang darating pagkatapos ng ika-dalawangdaang kabilugan ng buwan. Siya'y may taglay na kakaibang lakas at kapangyarihan. Sa loob ng unang limang araw, malalaman niya ang kaya niyang gawin. Pagsapit ng ika-dalawangdaang isa ng kabilugan, malalaman niya kung sino siya. Dalawang buwan matapos ay mapapahamak siya. Ika-tatlong buwan, maghahasik na ng kasamaan ang mga taga-Dreich at maghahanda na ang lahat para rito. Pagsapit ng pangalawang kabilugan ng buwan sa ika-limang buwan, magsisimula na muli ang Enchanted War sa pamumuno ng babaeng dumating. At ang babae, ay ang Mystic Princess, ang apo ni Geminid Schiz." 

Tumingin siya sa akin at huminto na sa pagbabalot ng tela. "Ikaw ang tinutukoy sa propesiya, Ahrina. Ikaw ang magsisimula at magtatapos ng lahat. Ikaw ang gugulo, ikaw din ang aayos. Ikaw ang magiging pinakamahina, pero ikaw ang magiging pinakamalakas. Papatay ka, mamamatay ka." 

A-Ano?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status