Hindi ako umalis sa tabi ni Seya habang ine-examine pa rin siya sa Martini's hospital pagkatapos ng operasyon. Ang mga araw ay mabilis na lumipas at isang linggo na lang ay ita-transfer na si Seya sa Australia para doon ituloy ang gamutan at para masigurado na wala na ang cancer sa kaniyang katawan."Ate, nakakakaban at natatakot rin ako kasi wala ka doon. Ang layo ng Australia. Mabuti sana kung makakasama kita, ate."Katatapos lang paliguan ng nurse si Seya. Ito at sinusuklay ko naman ng dahan-dahan ang kaniyang buhok. Nang mapatingin ako sa nurse sa gilid ay ngumiti ako dito at gumanti rin naman ito ng ngiti sa akin.Siya si Hermi. Tatlumpu at tatlong taong gulang. Isa siya sa mga makakasama ni Seya sa Australia."Huwag kang mag-alala, Seya, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng mga araw, kita mo bukas ay uuwi na tayo ulit," sabi ni Hermi nang lumapit ito at hinimas sa braso ang aking kapatid."Naku, Ate Hermi, hindi pa nga tayo nakakaalis!"Sabay-sabay kami na napatawa dahil sa sina
Araw na ng pag-alis ni Seya. Pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina ni Thauce ay ipinangako ko sa sarili ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kalilimutan ko na. Mas pinaintindi ng halik na aking nakita kung ano ang papel ko sa buhay niya... sa buhay nila."Ate..."Hinimas ko ang pisngi ni Seya. Nakahanda na ang lahat, kumpleto na ang mga gamit niya at narito na rin kami sa airport. Kasama ko si Errol at si... Lianna. Napatingin ako sa kaniya. Napakaganda niya sa suot na white dress. Bigla ay natingnan ko ang aking sarili. Nakapulang blouse at pantalon. Ibang-iba talaga kami. Magkalayong-magkalayo."Siguradong magaling na magaling ka na pag bumalik ka dito sa Pilipinas, Seya," sabi ni Lianna sa kapatid ko."Mabilis lang ang dalawang taon, Seya, huwag ka rin mag-alala dahil hindi namin pababayaan ang ate mo, ha?" si Errol na lumapit sa amin at hinawakan ako sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid.Nang dumating si Thauce at magkatinginan kami ay
Ang tatlong buwan na usapan namin ni Thauce pagkatapos ng operasyon ni Seya ay inaasahan ko nang matutuloy kahit pa malinaw na may gusto na sa akin si Errol. Kailangan na nasa akin palagi ang atensyon niya upang mawalan ng pag-asa si Lianna. Nang sa gayon ay magawa ni Thauce ang gusto niya.Sa ilang linggo lamang ay napakarami nang nangyari na alam ko na maapektuhan ng sobra ang aming kasunduan. Ang masamang pagtingin ko sa kaniya pagkatapos ng naganap sa kaniyang opisina. Nang magmakaawa akong pagtrabahuhan na lang ang lahat ng perang magagastos niya ay nagbago nang malaman ko na siya ang nagligtas sa buhay ni Seya.Palagi ay nais ko na siyang makita at napagtanto ko ang aking nararamdaman nang umagang iyon, sa silid ng kapatid ko sa ospital. Siya, bilang si Dr. Arzen. Ang Dr. na nag-opera kay Seya.Hindi ko namalayan na ang mga araw ko sa ospital sa pagbabantay sa kapatid ko, sa usapan at pagkikita namin ni Thauce ay mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Isa sa hindi ko inaasahan dahil s
Inabala ko ang aking sarili sa utos ni Thauce na ipagluto ko siya. Hindi na rin naman siya bumaba pa para tingnan ako at ipinagpapasalamat ko iyon dahil ang presensiya niya kahit nasa malayo ay nakakagulo sa isipan ko.Paano kaya ako makakatagal dito sa bahay niya? kahit na nagtatrabaho siya umaga hanggang hapon, sa gabi ay maaari pa rin kaming magkita.Paano ko siya maiiwasan?Pagkaluto ng sinigang ay kumatok ako sa pinto ni Thauce. Sinabi ko sa kaniya na okay na ang ipinaluluto niya. Hindi naman sumagot at naisip ko na baka tulog. Tinungo ko ang aking silid at nakita na naroon na nga ang mga gamit ko. Maayos na nasa gilid. Iyon naman ang sunod kong inasikaso.Baka bukas na rin ako makatawag kay Seya upang makamusta sila. Sabi naman ni Dr. Ariq ay magmemensahe siya sa akin kapag naroon na sila, ganoon rin ang ipinaalala ni Hermi. Panatag naman ako dahil mapagkakatiwalaan na mga tao ang kasama ng kapatid ko sa ibang bansa at ito ay para rin sa tuluyang paggaling niya.Iniangat ko ang
"Then tell your mother. Bakit ba niya ako pinipilit? hindi siya ang masusunod sa buhay ko. Pag-uusapan na naman ba namin at magtatalo kami sa nais niya? bakit hindi ikaw ang ipakasal niya sa babaeng sinasabi niya?"Malakas ang boses ni Thauce. Dinig na dinig ko iyon. Napahinto tuloy ako sa paggagayak ng agahan niya. Tapos na ako sa pagluluto at magtitimpla na lang ako ng kape kaso hindi ko alam kung nagkakape siya. Nang mapatingin ako sa orasan sa gilid ay nakita ko na alas sais na ng umaga."Tell her to stop pestering me. Hindi porke isa siya sa may pinakamataas na posisyon sa kumpanya ay siya na rin ang masusunod sa kung sino ang babaeng mapapangasawa ko."Papalapit ng papalapit ang dinig ko sa kaniyang boses. Kung ganoon ay may nais na ipagkasundo sa kaniya ang stepmother niya. Naalala ko ang sinabi ni Lianna. Sa mga salita na narinig ko sa kaniya at naririnig ko ngayon kay Thauce ay nagkaroon ako ng ideya na hindi mabuti ang relasyon ng dalawa."I am not going to that party, Ariq.
"Zehra, gumagalaw pa ba iyan?"Siniko ko si Lea. Ang tinutukoy niya ay si Adriano na nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang mga kamay ay nasa harapan at blangko ang itsura. Kanina pa ito pinagtitinginan ng mga kapitbahay namin na dumaraan. Hindi nga ito gumagalaw pero tingin ko ay ganito ang training niya. Mukhang bodyguard kasi talaga siya ni Thauce."Pero, ang gwapo niya talaga Zehra. Ano ang pangalan? ilang taon? nang pumunta kasi siya nung kunin ang mga gamit mo ay hindi ako kinausap kahit na ang dami-dami kong tanong sa kaniya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko at nanalangin sa mga tala na magkita kami ulit. At ito nga... narito na siyang muli."Hinila ko na lang si Lea papasok ng bahay nila. Tiyak kasi na naririnig ni Adriano ang usapan namin na dalawa at nakakahiya! itong kaibigan ko kasi ay lantad ang pagkagusto dito sa tauhan ni Thauce."Tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad niyan sa akin! 30? 32? ayos lang iyon! 27 naman na ako!""Shh!" suway ko sa kaniya. Ibinaba ko sa lames
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Thauce sa kusina ay hindi na siya bumaba pa ng kaniyang silid. Hindi rin siya kumain ng hapunan. Napabuga ako ng hangin nang makita ang iniluto ko kagabi na hanggang ngayon ay wala pa rin bawas.Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nagluto ako ng agahan at nang matapos ay umakyat ako sa aking silid upang maligo. Nakatapos ako ng alas siyete ng umaga. Umaasa na pagkababa ay maaabutan ko si Thauce na kumakain pero nabigo ako. Pagtingin ko sa agahan ay walang kabawas-bawas iyon.Naupo lang ako sa stool at hinintay ang pagbaba niya pero 7:30 na ay wala pa rin. Hindi ba siya papasok?Tumayo ako at naglakad upang puntahan siya sa kaniyang silid. Ngunit bago pa man ako makahakbang paakyat ng hagdan ay nakita kong pumasok si Adriano sa loob ng bahay.Naningkit ang aking mga mata sa napansin. Napalapit ako sa kaniya nang makita ko na sugat ang nasa kaniyang ibabang labi."A-Ano ang nangyari? napaaway ka ba?"Ngumiti siya sa akin at umiling, "Hindi po, Ma'am Zehra.
"E-Errol...""Good night. See you next week, Zehra," sabi niya ng nakangiti at pumasok na sa loob ng sasakyan. Napatingin pa ako doon hanggang sa makaalis na iyon at mawala sa paningin ko.Naibaba ko ang mga paper bag na hawak ko at napataban ako sa aking mga labi.Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata nang may mapagtanto ako pagkatapos ng ginawa ni Errol.Kahit ang halik na iyon...Hindi manlang napabilis ang tibok ng puso ko.Naglakad ako papasok sa eskinita at imbis na pumunta sa aking apartment ay tinungo ko ang bahay nila Lea. Nagulat pa siya nang dumating ako. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Adriano ngunit wala pang limang minuto ay nakita ko na siya sa labas ng bahay nila Lea.Ang bilis naman niya?Ngayon nga ay nakauwi na kami sa bahay ni Thauce. Wala siyang mensahe sa akin hindi katulad nang pumunta ako sa bahay nila Lea. Mukhang galit pa rin siya hanggang ngayon. Napabuntong hininga ako. Nagpasalamat ako kay Adriano at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking silid. Piki