Malamig ang aking pakiramdam habang pababa ako ng hagdan. Ang isip ko ay inaalala ang nangyari kagabi. Sa sobrang pagod at antok ay natatandaan ko na dumiretso ako kaagad sa aking silid. Naglinis ng katawan at nagbihis... pagkatapos non ay humiga na ako sa aking kama at hinila ng antok. Pero..."Naisarado ko ba iyong pinto ko?"Ipinaling ko ang aking ulo at nagsalubong ang aking mga kilay. Ang aking isang kamay ay nasa aking baba at ang isa naman ay nakahawak sa aking siko. Inaalala ang mga ginawa ko kagabi. Bakit iba ang nararamdaman ko? parang totoo naman iyong... nangyari?"Imposible, eh. Sira ba ang ulo ni Thauce at pupunta siya sa loob ng kwarto ko at... a-at gagawin iyon?" tanong ko sa aking sarili. Mahina lamang ang aking boses habang dahan-dahan sa pagbaba sa hagdan."Zehra..."Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang boses na iyon ni Thauce sa aking isipan. Napatakip ako sa aking mga tainga at napahinto sa gitna ng hagdan. Sinasabi ko na nga ba, hindi na dapat ako manati
Pagkatapos ng sinabi ni Thauce ay tumayo siya at lumabas sa silid. Napabuga ako ng hangin at tumingin kay Sister Angelica. Nahihiya. Humingi ako kaagad ng paumanhin. Ang hirap rin kasi kay Thauce ay basta kung ano ang nais gawin at sabihin ay ginagawa na lang niya. Sa harapan pa mismo ni sister bigla na lang nagmura.Nakakahiya."Pasensiya na po talaga kayo sa inasal ni Thauce."Umiling si Sister Angelica, "Sanay na kami sa batang iyon. Pero mabait naman siya, 'nak. Hindi naman ang lumalabas sa bibig niya ang magsasabi at magpapakilala sa iyo kung sino siya. Napakabuti na bata niyan. Matabil lang ang dila."Naalala ko ang pagtulong ni Thauce sa amin ni Seya.Iyon nga. Mabait rin siya at matulungin na tunay pero, minsan ay mahirap intindihin. Lalo iyong mga sinasabi niya. Nais niya akong manatili sa kontrata at gawin ang napag-usapan namin pero hindi naman ako maaaring umalis ng basta-basta sa bahay niya."Hindi naman niya pinababayaan itong bahay ampunan kahit na sobrang abala niya sa
"Amen."Pagkarinig ko ng sinabi ng mga tao sa buong audi ay naitulak ko si Thauce palayo sa akin. Nabigla ako sa kaniyang tanong masyado at hindi kaagad nakapagsalita. Direktahan ang kaniyang tanong kung gusto ko ba siya, nakatingin sa mga mata ko ng diretso at mukhang kaya niyang malaman kung magsisinungaling ako sa kaniya."Wala."Bulong ako pero tingin ko ay ako lang ang nakarinig. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya kahit nang pababa na at wala nang halos matira sa entablado. Napalunok ako at bahagyang iginalaw ang aking ulo upang makita siya sa gilid ng aking mga mata. Ang kaniyang mga daliri ay nasa kaniyang pang-ibabang labi at sa tingin ko ay natutuwa pa siya."W-Wala akong gusto sa iyo.""Really?" tanong niya pa.Napalingon ako sa kaniya nang muli niyang hilahin ang aking braso, hindi marahas, maingat na at ang kaniyang paghawak ay may kasamang pagpisil na parang sa ginawa niyang iyon ay maaaring magbago ang aking sagot."Hi-hindi na tayo nakapagdasal. Bakit ba kasi ang isi
Napangiwi ako nang makita ang masamang tingin ni Thauce sa akin."A-Ano na naman ang ginawa ko?" tanong ko sa kaniya.Napaatras ako nang lumapit siya sa akin, hindi siya tumitigil. Taas baba rin ang kaniyang dibdib dahil sa inis? galit? hindi ko alam kung ano itong nakikita ko sa kaniya pero parang galit siya dahil salubong ang mga kilay niya at masama ang tingin niya sa akin.Kaso... may halong ibang emosyon ang nasa kaniyang mga mata. Hindi ko lang mapangalanan."Babalik rin naman ako doon sa loob, eh--""I thought you left me."Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya hindi ko masyadong narinig."H-Ha?""I thought you left."Napasandal ako sa pader at naramdaman ko ang lamig non. Itinaas ni Thauce ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ko at napayuko siya sa aking harapan."B-Bakit naman ako aalis? sinabi ko na pupunta lang ako sa comfort room.""You took so long.""Matagal talagang mag-cr ang mga babae, Thauce.""Not you."Ang bilis ng pagsagot niya!"Hindi naman kita iiwan dito
"Hey.""Zehra."Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakilala ko ang mukha ng lalakeng lumapit. Isa ito sa mga kaibigan ni Errol at ni Thauce. Sa bar ko ito nakita noon. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan. Mukhang hindi naman nabanggit?"Ngayon na lang ulit kita nakita. I asked Errol about you, hindi ka na pala nagwo-work sa bar niya?"Nagsimula akong maglakad at sumabay naman siya. Nauna na ang iba na makapasok sa rest house nila Lianna. Ako ay may binalikan lang dito sa sasakyan ni Thauce. Hindi ko pala kasi namalayan na nalaglag ang cellphone ko sa aking bulsa."Lumipat ka na ng trabaho?"Nang hindi ako sumagot sa tanong ng lalake ay napakamot siya sa kaniyang batok."Sorry, I forgot to introduce myself. Kit, Kit Driones pala. Nasa kabilang sasakyan ako kasama sina Errol. Kaibigan rin nila ako."Alam ko naman na kaibigan siya, ang sinabi ni Lianna ang mga makakasama lamang nain dito ay ang mga kaibigan nila.Huminto ako sa paglalakad ang hinarap si Kit Driones."Zehra," sago
Hindi naging madali para sa akin ang magdesisyon na sundin ang mga gusto ni Thauce para sa kapakanan ng kapatid ko. Hindi lang ang pagkuha sa atensyon ni Errol, hindi lamang ang paibigin ito dahil mas nadagdagan ang mga nais ni Thauce na gawin ko para sa kaniya.Nang magsisi ako sa pagtanggap ng kasunduan ay huli na, wala rin sa aking isipan na mahuhulog ang loob ko sa taong ang tingin ko una pa lang ay masama na. Lahat, lahat ng nangyayari ngayon ay kailanman hindi sumagi sa aking isipan.Ang gusto ko lang ay maging ligtas si Seya, mawala ang malubhang sakit niya kahit pa ang kapalit ay ang sarili ko. Kahit pa manloko ako ng ibang tao. Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na mali na gumamit ako ng iba para lamang sa pansariling dahilan ko, naging makasarili ako at hindi na inisip pa ang kapakanan ni Errol at ang nararamdaman niya para sa akin.Siya na simula umpisa nang magkasakit si Seya ay nariyan para damayan ako."Kung... kung tinanggap ko ba ang alok na tulong ni Errol? makaka
Mag-uusap? k-kami?"A-ako? Ano ang pag-uusapan natin?""Thauce!" sigaw ni Errol, sa gilid ng aking mga mata ay nilapitan siya ni Lianna. Niyakap at sinusubukan na pigilan na lumapit sa amin. Ako naman ay naguguluhan. Hindi sumagot si Thauce. Ang kamay niya na nasa aking balikat ay ngayon bumaba na sa aking baywang. Ganoon na lang ang paglunok ko nang kumapit siya doon."I will not fckng let you do what you want, Errol," mahina lamang iyong mga salita na binitawan niya ngunit rinig na rinig ko. May diin, may panganib. Pagkatapos ng ilang segundo ay hinila na niya ako palabas ng silid."S-sandali... anong--"Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil tumingin na ako kay Lianna at Errol nang maglakad si Thauce paalis habang hawak ang aking kamay. Nakikita ko sa kanilang mukha ang gulat, sino ba ang hindi mabibigla? k-kahit ako naman!"Thauce, ano ba?" nauubos na ang aking pasensiya nang subukan ko na alisin ang hawak niya ngunit ang higpit non. Paglingon ko ay nakita ko pa na haha
Ang tibok ng puso ko ay muling bumibilis habang nakatingin sa kaniya. Inilalayo niya ako kay Errol, ayaw na niyang makasama ko si Errol... a-anong. S-Sandali...Lahat ng nais niyang gawin ko noong una ay kabaliktaran na ngayon."Tatlong buwan na kasunduan, Thauce, nakalimutan mo na ba? Kailangan kong kuhanin ang atensyon ni Errol, paibigin siya. Manatili sa tabi niya. Bago ang operasyon ni Seya malinaw ang lahat sa ating dalawa. Thauce, gusto ko nang matapos ang kasunduan, ginagawa ko na, 'di ba? ginagawa ko na ang lahat k-kahit masakit sa loob ko na lokohin si Errol.""Ano na naman ito?"Paulit-ulit na ako, paulit-ulit na ako sa kung ano ang usapan naming dalawa dahil hindi ko na maintindihan ang ugali niya.Hindi noon kaya ng konsensya ko, naisip ko na paano kung malaman ni Errol ang tungkol sa kasunduan? sobrang kahiya-hiya. Ano ang mukhang maihaharap ko? pero wala na akong magagawa dahil narito na ako. Tatapusin ko na pero ang utak ni Thauce, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo d