Share

Chapter 38

Hindi naging madali para sa akin ang magdesisyon na sundin ang mga gusto ni Thauce para sa kapakanan ng kapatid ko. Hindi lang ang pagkuha sa atensyon ni Errol, hindi lamang ang paibigin ito dahil mas nadagdagan ang mga nais ni Thauce na gawin ko para sa kaniya.

Nang magsisi ako sa pagtanggap ng kasunduan ay huli na, wala rin sa aking isipan na mahuhulog ang loob ko sa taong ang tingin ko una pa lang ay masama na. Lahat, lahat ng nangyayari ngayon ay kailanman hindi sumagi sa aking isipan.

Ang gusto ko lang ay maging ligtas si Seya, mawala ang malubhang sakit niya kahit pa ang kapalit ay ang sarili ko. Kahit pa manloko ako ng ibang tao. Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na mali na gumamit ako ng iba para lamang sa pansariling dahilan ko, naging makasarili ako at hindi na inisip pa ang kapakanan ni Errol at ang nararamdaman niya para sa akin.

Siya na simula umpisa nang magkasakit si Seya ay nariyan para damayan ako.

"Kung... kung tinanggap ko ba ang alok na tulong ni Errol? makaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ang kulit ni thauce hahahaha, tas sa zehra nman prancing sa nramdaman kay thauce
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status