Share

Chapter 41

Sa mga sinabi ko kay Thauce ay mas nasaktan pa ako ng sobra. Parang nais ko pang bawiin ang mga salita ko na huwag na huwag na siyang lalapit sa akin.

Ang tanga mo rin, Zehra.

Harap-harapan ka nang sinasaktan pero iyang pagmamahal mo pa rin ang iniisip mo.

Napapikit ako ng mariin. Kinakalma ko pa rin ang aking sarili habang naglalakad papasok sa loob ng rest house. Mabuti na lang at wala akong nakakasalubong mukhang wala na talagang mga narito kung hindi kami na lang.

"A-Are you... scared of me?"

Parang ibang tao siya kanina, parang biglang nagbago. Huminga ako ng malalim at nakagat ko ang loob ng aking pisngi nang muling mapahikbi. Naiinis na ako dahil walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.

"Z-Zehra... kaya mo, kayanin mo. Hindi si Thauce ang para sa 'yo."

Mahirap man pero kailangan ko na ituloy ang lahat para sa kalayaan ko at para na rin matapos na ang lahat ng ito. Ngunit ang sakit. Hindi ko matanggap. Kahit hanggang ngayon na nakalayo na ako kay Thauce at nakapasok na ako sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status