Share

Chapter 43

Nakababa na kaming lahat ng bangka. Nailibot ko ang aking mga mata sa paligid. Kaganda nga sa lugar na ito at malinis. Mukhang alaga tapos walang ibang nakakarating dito dahil nga private island.

Nagsimula na kaming i-tour ng kasama namin. Panay ang tingin ko sa buong lugar. Sayang nga at wala dito si Th–

Zehra!

Mariin akong napapikit.

"Saan ba pwede mag-snorkeling dito, kuya?" rinig kong tanong ni Wayne sa tour guide.

"Zehra, come! tingnan mo ang ganda dito! ang linaw ng tubig! mababaw lang!" yaya sa akin ni Lianna. Nakalahad ang isang kamay niya kaya kinuha ko iyon.

"A-Ang lamig ng tubig dito..." sabi ko nang mailublob ko na ang aking mga paa. Napangiti ako, sobrang linaw nga ng tubig!

"Let's swim!" sambit ni Lianna at nilingon ako pero ang pagtangka niyang paglangoy ay napatigil.

"Ay, wait! remove your shorts muna! dapat kasi hindi ka na nagmaong shorts! We are all wearing swimsuits naman na!"

Napahawak ako sa tali ng suot kong swimsuit. Kulay blue itong suot ko at medyo matingkad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status