“Vote for Yohann Dela Merced po,” ngiti ko sabay bigay ng t-shirt at flyers. Mariin akong napapikit nang sumakit ang ulo ko dahil sa init. Ibinigay ko muna ang hawak ko sa isa sa mga tauhan namin at pumasok sa tent para uminom muna ng tubig. Kanina pa kami rito. Naglibot na kami kanina at ngayon naman ay namimigay ng mga gift packs sa mga pumupunta. “Ayos ka lang po ba, ma’am?” Ngumiti ako matapos makainom. “Oo, ayos lang. Kapag hinanap ako ng pamilya ko, pakisabi nagbibihis lang”Tumango ang babae kaya mabilis kong hinanap ang gamit ko para kumuha nang panibagong t-shirt na maisusuot. Papalabas na sana ako nang magkasalubong kami ni Fourth. Sumulyap siya sa dala ko bago tumingin sa ’kin. “Uh, magbibihis lang ako,” sabi ko at akmang lalampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko. “Hintayin mo ako,” aniya sabay bitaw mula sa pagkakahawak at mabilis na tinungo ang mga staff at may sinabi bago bumalik sa ’kin. “Let’s go.”Nauna siyang maglakad habang kinakalkal ang bulsa niya. N
Siguro nga hindi masama ang pumasok sa isang relasyon hindi ba?Ayos lang naman iyon kay papa dahil ang sabi niya, nasa tamang edad na kami para magdesisyon sa kung anong gusto naming gawin at sa kung ano ang tama. Pinapanuod ko si Josh na nagsusulat sa papel niya. Ilang taon na kaming magkasama pero hindi kailanman dumaan sa isip ko na puwede kaming maging mas higit pa sa magkaibigan. Kaibigan lamang siya sa paningin ko kahit na ba marami na rin ang nagsasabi na bagay kami. Paminsan-minsan pa nga ay napagkakamalan akong girlfriend niya. Napansin niya yata na pinapanuod ko siya kaya siya lumingon at kinindatan ako. “Ano? Nahuhulog ka na ba sa kagwapuhan ko?” sabay tawa niya. Mahina rin akong tumawa at pabiro siyang hinampas.“Hambog mo” “Sus! Totoo naman, e. Pero seryoso, bakit ka ba nakatingin?” Nagkibit-balikat ako at sumubsob sa mesa. “Iniisip ko lang ang sinabi ni Dani”“Ano bang sinabi niya?”“Wala. Ituloy mo na lang ‘yang ginagawa mo” sagot ko habang nakatingin sa sahig
Namamangha kong inilibot ang tingin sa ikalawang palapag ng mall na ipinapatayo niya. Nakakabilib dahil pulido ang pagkakagawa. Nakakamangha rin ang desinyo hindi katulad ng mga mall dito. Siguro sinadya niya rin para naman maiba. “Ipinagkatiwala sa iyo ng dad mo ang ganito kalaking negosyo?” hindi ko makapaniwalang tanong. Kumunot naman ang noo niya at namamangha akong binalingan. “Where’s the trust you gave to me when I taught you how to swim?” aniya sa mapang-asar na boses. Umiwas na lang ako ng tingin. Ayoko na ‘yun maalala pa. Malaki ang pasasalamat ko sa mga ginawa niya para sa ’kin noon pero sadyang ayoko na talagang maulit pa iyon. Ang mapalapit sa kaniya ay delikado. “Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa‘yo for you to treat me like this but I hope you’ll have the guts to tell me the problem so we can fix it immediately”Mariin akong lumunok at tinalikuran siya. Fix immediately? Sa tingin niya ganoon kadali iyon? Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na lang sa pag o-
“This is Ysabelle, one of our models,” pakilala ni Luce sa ’kin. “Ysabelle, this is Rochelle. Remember the GJewell Magazine? She’s the owner of the company” Ngumiti ako sa kausap niyang ginang at marahang inilahad ang kamay. “It’s my pleasure to meet you po” magalang kong sabi. Ngumiti siya pabalik at tinanggap ang kamay ko. “Maganda. Papayag ka ba sa i-aalok kong proyekto, Ysa?” “Po? Ano pong proyekto?” inosente kong tanong at sumulyap kay Luce. Wala naman siyang naikuwento sa ’kin ah?“Magtatrabaho ka saamin. Ikaw ang magiging mukha ng magazine namin this year. Papayag ka ba?” Laglag panga kong tinuro ang sarili. Totoo? Ako? Bakit ako? Baguhan pa lamang ako sa industriyang ito. Bakit hindi ang ibang mga modelo rito?“Sigurado po ba kayo? Ako po? Bago lang po ako” nahihiya kong sagot. “Why not? You have the face. Maganda rin ang katawan mo. Bagay na bagay ka sa tema ngayong taon”Kagat-labi akong yumuko. Gusto ko sana pero papaano ang pag-aaral ko?Tiyak din naman ako na hindi
Katulad nga ng nasa plano, matapos ang isang buwan ay lumipad kami patungong Maynila. Hindi ako mapakali habang nasa loob ng kotse niya. Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang ka-text si Luce. Kanina pa kami tahimik. Hindi rin naman humahaba ang usapan namin sa tuwing tinatanong niya ako kung gutom na raw ba ako o kung ayos lang ba ako habang nasa byahe. Puro tango lang naman kasi ang isinasagot ko. Sa tingin ko naman, umiiwas din siya katulad nga ng napagkasunduan namin. “You’ll stay in my penthouse,” aniya habang nagmamaneho. “Okay” tipid ko namang sagot at tumingin sa labas ng bintana. Kabi-kabila ang traffic kahit gabi na. Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib. Ang daming tao. Ganito ba talaga rito? Napaamang ako nang makapasok kami sa isang napakalaki at napakataas na building. Ganito siya kayaman? Parang kinurot ang puso ko sa naisip. Kung ganoon, nararapat ngang iwasan ko siya. Masyado siyang mataas, hindi kami nababagay sa isa’t-isa. “My room is next to yours. Kapag may k
Ang bawat paghampas ng mga alon ay dumadagdag sa kaba sa dibdib ko. Hindi ko makita ang daan, masyadong makapal ang hamog. Napatingin ako sa sarili. Suot ko ang isinuot ko noong isinayaw ako ni Fourth dito sa tabing dagat. Bakit ko ‘to suot? At bakit ako naririto?“You like my daughter?” narinig ko ang boses ni papa sa kung saan. “She’s still young, Sir” “Ayaw mo sa mas bata sa ‘yo?”“Yes, I am more into mature one”Kumikirot ang dibdib ko sa naririnig. Bakit ba ‘to bumabalik? Nasaan ba ako? Nasaan si papa? Nasaan si Fourth? Naririnig ko ang mga boses nila pero hindi ko sila makita dahil sa kapal ng hamog. “Akala ko gusto mo ang anak ko.”Umihip ang malamig na hangin. Hinawi ko ang buhok kong tumatabon sa isa kong mata nang may makita akong anino na umaahon sa makapal na hamog. “Who? Ysabelle?” humalakhak siya at nagpakita sa ’kin. Napaatras ako sa kaba. Kita ko ang nag-aalab na galit sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit habang ako naman ay umaatras.“Fourth?” pag
“Gosh! You’re so makinis! Anong sabon mo?” Natatawa kong iniling ang ulo sabay bawi na ng braso ko sa marahan na paraan. Hinatid ako ni Fourth dito pero pagkatapos nun ay umalis din siya agad. May lalakarin din yata. Nakilala ko na ang ibang nagtatrabaho rin dito. At isa na nga sa kanila si Celine. Pero mas gusto niyang tawagin ko siyang Cel. Isa rin sa mga modelo. “Uh, hindi naman mamahalin ang sabon ko” Ngumuso siya at tumayo nang tuwid. “Kahit na. Sabihan mo ako mamaya para mabili ko agad. Btw, after this, sama ka saamin?” Inayos ko ang damit na suot at dinampot ang cellphone para tingnan kung may mensahe ba. “Saan?” inosente kong tanong habang nakatingin pa rin sa hawak. “Night out!” excited niyang sagot. Binalingan ko siya nang may kunot ang noo. Night out? Iinom? Sasayaw? Hindi ako umiinom ng alak. Sa tingin ko rin naman ay hindi papayag si Fourth. “Uh, puwedeng pass muna? Susunduin kasi ako mamaya” “Weh ba?”“Oo, pasensiya na. Sa susunod na lang”Ngumuso siya at tumin
Abot-abot ang aking kaba. Inilabas niya ang magkabilang kamay sa bulsa at tumayo nang tuwid. Hindi ko matukoy ang emosyon sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ’kin habang ako naman ay pinipigilan ang mga paa na maglakad paalis. Napatingin ako sa kuwelyo niya nang may makita akong bahid ng lipstick doon. Muling dumaan sa isip ko ang nakita ko kanina. Mapait akong ngumiti. “Hindi ko alam na nandito ka rin. Kung gusto mo pang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo, okay lang. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko mamaya. Naituro mo na rin naman sa ’kin ang paraan para makapasok sa penthouse mo” Gusto kong pasalamatan ang sarili dahil hindi ako nautal. Hinintay ko ang sagot niya ngunit nanatili lamang ang mga mata niya sa ’kin. Yumuko ako konti at akmang tatalikuran siya nang bigla siyang nagsalita. “Umiyak ka?” Mabilis kong pinahid ang mga mata para matiyak kung may bahid pa rin ba ng mga luha. Wala naman. “Your eyes are red. Umiyak ka” hindi na patanong ang hul