Share

Chapter 6: Lights of the East

“Sa kaliwa, Teresa!” Sigaw ng mga tao.

“Hindi, atras pa!” Sigaw naman ng isa. They were competing for the hampas palayok. Kabi-kabilaang tawanan at hiyawan ang maririnig sa kalsada, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.

Today marks the fiesta of Borongan, in honour of Nuesta Señora dela Natividad.

“Anang, paki-abot ako ng baso at mag hiwa ka na rin ng sibuyas diyan,” bilin ni Nanang Fe. Nasa barangay hall ako ngayon.

Since my grandparents grew up here, Hacienda Rel Juana became a huge part of my childhood. Dahil kilala ang pamilya namin dito, naging tradisyon na ang pakikilahok sa mga annual celebrations. Ako na ang nag alok na mag bigay ng iilang mga sahog at putahe para sa handaan.

Mamaya pa ang parada, pero maingay na sa kalsada. Makukulay na mga banderitas at nag hahandang mga banda.

I smiled at the thought of my Lola’s face enjoying these kinds of events before. She has always been consistent in attending these events, talagang minahal niya ang lugar na ito.

“Nanang Fe, ito na po ang sibuyas.” Inabot ko ang tinadtad na sibuyas at sinimulan na niyang gisahin ito, nag hugas muna ako ng kamay at umalis na sa kusina. “I’m so tired…” usal ko.

Well, I enjoyed it.

Umupo ako sa gilid ng bintana. The barangay hall was made of concrete, but the interior screams classic Filipino household. Pinanood ko ang mga bata sa labas at tinanaw ang malayong dagat.

This is the reason why I participated in today’s event, dahil ayokong mag-isip nang malalim.

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Izo, hindi na ako nag tangkang lumingon o alamin ang balak pa niyang sabihin sa akin. I became too hard on myself these past few years, at hindi ko hahayaang sirain niya ‘yon.

“Anang, halina’t kumain ka na. Kanina ka pa natulong sa kusina,” aya ni Jeffrey. He’s a childhood friend. Hindi katulad namin, he didn’t came from a very privileged family. Anak siya ng dati naming family lawyer, and his Mom’s dead.

They’re not that well off, but they’re fine.

“Sige, Jef. Susunod ako.” I said firmly. Pakiramdam ko’y kahit anong sigla ngayon, hindi ako dadapuan ng appetite. Ang gusto ko lang ay tumulala at mag-pahinga.

“Mga kasangkayan! Aadi hi Juana,” sigaw ni Nanang Fe nang bumaba ako galing sa hagdan. Nginitian ko sila, I somehow understand what Mana Fe said, pero hindi naman accurate dahil hindi naman ako talagang bihasa sa Waray.

Nakita ko si Jeffrey at may bitbit itong paper plate, “anong gusto mo, Ana?” Nagulat ako, akala ko’y iaabot niya sa akin ang plato, siya pala ang kukuha.

“Hindi na, Jef. Ako na.” Sabay kuha ko ng plato sa kamay niya at nginitian, whew! That was awkward.

I remembered him. He used to do that, too.

Napansin ko na rumarami na ang napasok sa hall at ang iilan ay namumukhaan ako, kaya naman kapag may nangiti ay sinusuklian ko rin. Natatawa nga ako’t kapag nag-uusap sila’y nag ta-tagalog para raw makasabay ako.

Na-appreciate ko ‘yon dahil gusto ko rin naman silang maka-usap. “Mana Fe, ang sabi ay pupunta raw sila Governor Frentones?” Napalingon ako agad ng sinabi iyon ng babae. “Aba’y syempre naman! Hindi sila maaaring mawala at isa sila sa rason bakit napaka-swerte natin sa mga pasilidad dito.”

What the hell?

“Manang, pupunta ho sila Izo?” Tanong ko. “Sigurado ‘yon, Anang. Simula noong mawala ang Lolo’t Lola mo at umalis kayo rito, sila ang tuloy-tuloy na nag palakad ng lugar.” Saad niya.

Tango na lamang ang naisagot ko sa sinabi niya.

That means I have no choice but to face him. Binuhat ko ang isang tupperware ng kaldereta at inilagay sa mesa. “Marami pa ho sa loob, kuha lang kayo.” Ngumiti lamang sila.

I noticed that most of the people here avoid talking to me not because they don’t want to, but because they probably don’t know how to approach me. Their initial reaction is that, maybe I won’t entertain them or they simply feel uncomfortable doing so, kaya madalas ay ako na ang nag i-initiate.

“Kap! Nandito na sila!” Sigaw ng lalaki sa labas.

Wearing his casual white polo and aviators, he stood there behind his Father. Matangkad si Senior, pero mas kapansin-pansin ang anak niya. Similar to his Father, Izo’s body is built masculine. His chest and muscles were perfectly honed, halatang-halata iyon sa suot niyang polo.

His trousers were those of non famous but wealthy brands, he screams old rich money. Fuck, if Ralph Lauren would have the perfect model, it’ll be him.

“Maupay nga adlaw, Gov! Sir Izo, Senior, aadi hi Juana. Hit apo ni Mr. Escarzega.” Pakilala sa akin ni Nanang Fe. I didn’t bother to look them in the eye, not even a glance. I’m pretty sure my face draws every possible detail of disgust.

Talagang hindi ako nag tangka, gusto kong iparamdam sa kanila, sa kaniya, ang poot ko. I can sense their gaze on me, as if shocked by my presence here. Well, bukod sa kaniya, dahil nag kita na naman kami.

“Juana, ija.. I’m surprised to see you here.” Oh, sure you are, Senior. After what your family did, malamang ay hindi mo a-asahang babalik pa ako. “Yes, Senior. What a coincidence.” I greeted him with a trace of sarcasm in my voice.

“You’ve changed, yet your beauty’s astonishing still.” Senior said, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. No wonder Micunda fell for this man. “I know, Senior. Parang mas bumabata pa nga ako!” Patol ko sa sinabi niya, we laughed at that.

“I’m guessing you’re old enough to marry now, Ana!”

Oh, I know where this is going.

“I don’t think I’m ready for that, Senior,” I answered. “Well, Izo’s here to guide you!” He jokingly said, natawa sila sa inusal ng matanda but my face remained serious.

Really, Senior?

“I hope I didn’t offend you, ija. I just remembered the old days..” He said, as if reminiscing every moment of Izo and I. He could go on and on about it, dahil hanggang alaala nalang din naman siya.

I would never go through that hell again.

“Ano, Gov.. Kain na po!” Aya ni Jeff sa kanila. Tumango naman ang mga ito at umupo na. Umalis na ako roon at pumanhik, wala akong planong tumagal dahil hindi ko gusto ang usapan.

I can feel his stares from away, hindi manlang itinagong nakatitig siya sa akin! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Pag-chismisan kami?!

Kunot noo akong umupo sa tabi ng bintana. May God save me from this! Ang gusto ko lang nama’y mag bakasyon.. with the hopes of forgetting and forgiving, but both seem too hard for me to do.

“Helena.” A baritone voice echoed, seriously? What is he doing here? He should be downstairs! Huwag mo sabihing umalis siya roon para lang sumunod dito?! Pinikit ko ang mata ko sa inis.

“Tingnan mo naman ako. Kahit isang beses lang, Juana. Look at me, baby.. please..”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status