Share

9 - Birthday

CHANDRIA LILY LOPEZ

Lumipas ang dalawang linggo, at bukas ay may pagsasalong gagawin dito sa mansyon ni Reid dahil birthday niya daw. Kaya medyo abala ang mga kasambahay sa paglilinis, pag-aayos ng mga decorations, may hi-nire ding event organizer para maging maayos ang event ni Reid. Aside from family and friends, mga business partners niya rin ang dadalo.

Tumulong narin ako dahil mababaliw ako kung tutunganga lang ako sa kwarto ko. Dalawang linggo narin kasi akong nandito lang sa bahay ni Reid. Ayaw niyang lumalabas ako mag-isa for my safety daw. Pero kapag kailangan kong lumabas ay may kasama pa akong security.

Nakakainis! May mga nakatakas daw kasi nung ni-raid nila si Donya Gigi. Kaya baka balikan daw ako. Hindi ko naman kasalanan! Hindi ko naman sinabing iligtas niya ako!

Matagal ko nang alam na illegal ang ginagawa ni Donya Gigi, pero sa kanya parin talaga kami lumalapit, lalo na noong nasunugan kami. Marami kaming kailangang bayaran non, lalo na ang pampasweldo sa mga farmers.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status