Share

Chapter 25

WALA naman akong napansing kahina-hinalang bagay nang pauwi na ako. Panay linga ko sa paligid at wala naman ang sasakyan ni Francisco. Paano niya kaya ako nakita eh antagal kong pinalipas ang pag-alis niya? Sigurado akong wala na siya nang mga oras na 'yon. Bumalik ba siya? Para saan? Kung 'di ba naman may saltik, pakialam niya ba sa buhay ko?

Malapit na ako sa apartment ko nang tumawag siya ulit.

"Ano ba? Nakakabulahaw ka na hah! Masyado mo nang pinakikialaman ang buhay ko. Hindi na 'ko natutuwa!" sabi ko at wala akong pakialam kung may nakarinig mang lamang lupa sa akin. Ang mahalaga ako lang ang taong naroon at nakakarinig sa sarili ko.

"May hinahanap ako. Wala ka bang extra kumot?" malumanay pa niyang sabi.

Kumot?

"A-Anong kumot?" Ano'ng kumot ang pinagsasabi ng walanghiyang ito? Binilisan ko pa tuloy lalo ang paglalakad ko. Kulang na lang lumipad ako patungong pintuan ng tinutuluyan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpihit ko sa doorknob ay naka-locked pa rin ito. "Ewan ko sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status